Chapter 6.

80 11 7
                                    

Jungkook's POV.

Malas talaga. Sobrang malas.

Kaya mas magandang maging torpe eh, kesa yung lahat ginawa mo na pero wala parin. Parang hindi talaga pwede.

Siguro ganon na nga.

Hindi talaga kami ni Sol.

"Pre," Napatingin ako kay Jimin. "Sorry ha? Tinry ko talaga, promise, pero kasi si principal eh-"

"Okay lang." Sagot ko naman. "Next time nalang ulit." Natawa naman ako ng konti. Ala, ang tanga mo, Jeon Jungkook. Hahaha.

Malapit nang mag start ang unang klase, pero wala parin yung magaling naming teacher sa A.P.

Patuloy ang usapan namin tungkol sa mangyayaring prom sa Sabado, nang biglang may babaeng binalibag ang pintuan ng classroom namin.

"JEON JUNGKOOK!!!" Ala. Putangina. "SINO DITO SI JEON JUNGKOOK?" Agad agad kong tinago mukha ko at sumenyas sa iba na wag sabihin.

"Ayun siya oh." Ala. Putang-

"HOY IKAW!!!" Biglang narinig ko namang umaray yung isa kong kaklase. "JEON JUNGKOOK. TANGINA KA!!!" Pinanuod kong sabunut-sabunutan niya yung isa kong kaklase. Napahawak naman ako sa buhok ko. Jusko po tulungan niyo ko-

"HINDI KASI AKO, MISS. SIYA!!!" Tinuro turo naman ako ng kaklase kong magaling. Ala. Parang wala kaming pinag samahan nito. Kahit wala talaga-

"Ay. Sorry, Kuya- HOY IKAW ILONG." Narinig kong tumawa si Jimin. "TANGINA KA!!!" Bago pa niya ko masabunutan, agad agad akong tumayo sa silya ko at nag lakad palayo.

"Teka lang, Miss. A-ano bang ginawa ko sayo?"

Tiningnan ko ang buong pagkatao niya, at hindi ko naman maisip kung anong meron siya at baka isa siya sa mga chix ko- Pero familiar siya. Parang siya yung-

"ABA ABA ABA. KUNG MAGALING KA LANG UMARTE BAKA NAKATAKAS KA PA." Ala putangina nito. "AKO LANG NAMAN YUNG BABAENG SINESENDAN MO NG KUNG ANU-ANO."

"Nudes?"

"ALA PUTANGINA MO TALAGA AH-" Bago pa niya ko mahampas ng napaka kapal naming A.P book, hinarangan ko yung sarili ko nang dustpan, na naghiwa-hiwalay nang tamaan niya.

Patuloy parin siyang sigaw ng sigaw ng mga mura, nang biglang-

"ANONG NANGYAYARI DITO, ABER?" Ala lagot ka kay teacher.

Pinatayo kami sa labas ni teacher nang naka-taas kamay.

"Kasalanan mo 'to. Leche ka."

"Aba? Ako ba yung bigla bigla nalang papasok sa classroom para mambugbog ng pogi?"

"Hindi. Hindi rin naman ako nambugbog ng pogi."

Aba ang ano nito ah. Ang ano. Ang talino.

"Sino ka ba ha?" Tanong ko sa kanya nang biglang may pumalo sa ulo ko.

"TAAS KAMAY, MR. JEON." Putangina talaga nitong teacher na 'to eh.

"Nako. Wag ka nang mag maang maangan, Jungkook. Alam ko nang ikaw yung Secret Admirer ko no."

SECRET ADMIRER????

"SECRET ADMIRER??????? ALA TANGINA ANG KAPAL NG-"

PAK. sasapakin ko na 'tong teacher na 'to.

"Ang kapal naman pala ng mukha mo, Miss." Bulong ko.

"Alam ko na ngayon kung bakit ang laki laki ng ilong mo."

"TANGINA CLOSE BA TAYO HA???"

Pinatayo kami sa gitna ng field.

"Kasalanan mo 'to. Leche ka."

This time, kasalanan ko na talaga.

"Pero, miss, sino ka ba talaga?"

"Mas dadali talaga 'to kung sasabihin mo lang na ikaw yung Secret Admirer ko eh. Okay lang naman talaga. Medyo pogi ka naman. We can make this work-"

"MISS GANITO KASI YON OKAY. HINDI IKAW ANG TYPE KO, OK? NEVER AKO NAGING SECRET ADMIRER. KUNG SECRET ADMIRER MAN AKO, YUN AY KAY-" ala. tangina. "Miss... Ka ano-ano mo si Sol?"

"Pinsan ko. Bakit?"

Tangina talaga.

"Uh, may chance ba na, ano, pareho kayo ng address?"

"Ala. Paano naman mangyayari yon. Nakitira siya samin pero.... Hala. Tangina mo."

Boom. Boom talaga. Kinwento ko sa kanya lahat.

Simula sa unang unang beses, at yun ay ang pag telegram ko. Pati yung mga beep na "dapat" para kay Sol.

Sinabi niya nga rin sakin na may nareceive nga raw siyang telegram, at yung sa beeper naman, luma daw ni Sol na binigay nalang sa kanya.

Unang unang pumasok sa isip ko, tangina nung nag bigay sakin ng maling address at beeper ni Sol.

Pangalawa, siguro nga hindi talaga meant to be. Korni na kung korni, pero ganon talaga.

Sa wakas, nag bell na at agad agad kong binababa yung kamay ko. Napatingin naman ako kay Janna. (Yun daw pangalan niya.) Nakababa yung ulo at nakasimangot. Siguro hiyang hiya sa ginawa niya.

Sino ba namang hindi-

"Oy. Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.

Bigla naman siyang tumingin sa'kin, yung mata parang luluwa.

"ANO SA TINGIN MO HA!!! BINUGBOG KO YUNG SECRET ADMIRER KO NA HINDI KO NAMAN PALA SECRET ADMIRER. TANGINA ANG GANDA KO KASI EH NO."

.........

Ano nang gagawin ko putangina. Hindi ako marunong nito. Tangina mamamatay na ata to. Natatakot ako putangina.

"Ano kasi eh..."

"Jungkook!" May biglang tumawag sakin. Nang tiningnan ko kung sino, kala ko aatakihin na ko sa puso. Si Sol. Putangina. Tulungan niyo ko. Ang ganda talaga niya putang-

"Naglalaway ka ata, koia." Sabay bigay sakin ng panyo ni Janna.

"H-Hi, Sol." Sabay super cute na smile.

"Hi! Hi rin sayo, Janna!" Sabay super cute na smile rin. Ayoko na- "Uhm, nakita niyo ba si, ano, si Jimin?"

Jimin?

"Si J-Jimin? Ah, nasa luob pa ata."

Agad agad naman siyang pumasok sa luob ng classroom.

Napatingin ako kay Janna, na nakatingin na sa'kin, at sabay naming sinundan si Sol sa luob.

Pag dating namin don, nakita naming naguusap si Jimin tyaka si Sol. Parang yung sa mga movies. Yung...

Aminan.

Pupuntahan ko na sana sila nang bigla akong pigilan ni Janna at umiling.

"Jimin..." Narinig kong sabi ni Sol.

"Uy, Sol? Bakit ka nandito? Ayun si Jungkook-"

"Jimin... Yung sa roofdeck nung isang araw..."

"A-Ah yun ba? Ang effort talaga kasi ni-"

"Gusto rin kita, Jimin."

Niyakap ni Sol si Jimin.

Hindi ko na alam gagawin ko.

Nakayakap rin si Jimin sa kanya.

Anong nangyayari?

Inabot ulit sakin ni Janna yung panyo niya. Hindi ko namalayan na naluha na pala ko.

Tangina naman kasi.

Malas talaga. Sobrang malas.

------------
Omg. Nag update ako. Ala. Hehehe. comments and votes are appreciated. chos. loveyouall.

14344.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon