Pag ako talaga nalaman ko kung sinong malandi ang nag telegram sakin, maraming mangyayaring masama.
NAG HAHANAP NG MATTRIPAN TAS AKO PA. NAKO PAG TO TALAGA.
Kinakapa ko yung buhok kong mukhang nginatnat dahil sa pag gupit ng nanay ko. Para daw wala na kong malandi kasi pangit na daw ako.
Sorry, still fab.
"JUSMIYO GARAPON ANONG NANGYARI SAYO?"
Napalingon ako at napaiyak sa reaksyon nung kaibigan ko.
"Putangina, Taehyung. Ganon ba talaga kapangit? Huhuhu."
Si Taehyung Kim, isa sa mga bestfriends ko. "Minsan cute, minsan super cute" daw siya sabi niya at ng mga babaeng hinahabol habol siya. Ang life motto niya ay, "Okay lang maging bobo basta sa pag ibig ay hindi gago."
Oo. Loyal kasi si Taehyung sa girlfriend niyang kawayan- este, sa girlfriend niyang payat.
"Mukha lang naman nginuya yung buhok mo tas dinura ulit pabalik sa ulo mo."
Napakabait talaga nitong punyetang-
"WHAT'S UP???"
Ito na siya.
Putangina nahanap niya kami.
"Tangina mag tago na tayo habang may oras pa."
Sabay sabay naming kinuha yung mga gamit namin at nag ready na para tumakbo paalis.
Lubayan mo kami, Badjao-
"HEY HEY HEY TAEHYUNG JANNA" Putangina mo putangina mo putangina mo.
"Hi, Namjoon.... Hehehehe."
Siya si Kim Namjoon. Isa na ata sa pinaka mahangin na taong nakilala ko. Laging nakagel yung buhok niya, at lagi siyang may dalang suklay. Laging naka taas yung collar ng uniform, kasi daw "meenges." Ewan ko ba dun.
"WHATS UP KETCHUP?"
"Putangina mo lubayan mo kami."
"Aww. Janna my love forever so sweet." Inakbayan naman ako ni gago.
"Diba may girlfriend ka? Lumayas ka at dun ka mang hingi ng ketchup." Sagot ni Taehyung. Nagseselos ba siya hihi joke love na love ko talaga to eh ajuju.
"Tinelegram ko kahapon, ni isang beep wala."
Teka nga-
"TELEGRAM?!"
Nanlaki naman yung mata niyang singkit.
"Oo... Telegram, bakit?"
"ANO SABI MO SA KANYA?! SINABI MO BA SAKANYANG I LOVE YOU VERY MUCH? SURE KA BANG NASEND MO SA KANYA? 14344? SAGUTIN MO KO HINAYUPAK. PAG NALAMAN KONG IKAW YUNG-"
"35254." Tanging sagot ni hinayupak.
"HA???" Sabay sabay kaming napatingin sakanya.
"You stole my heart away."
#acheche.
"Kadiri putangina."
"Baho mo iligo mo na yan."
"Nakainom ata to ng gel eh."
"Pero teka," Umupo kaming tatlo sa isang lunch table at napatingin naman yung dalawa sakin. "Ano meron sa telegram?"
![](https://img.wattpad.com/cover/30678848-288-k289296.jpg)