Pangalawang araw na ng klase kaya in-expect ni Kam na official na magsisimula na ang klase. And she wasn't ready. Nakatulog s'ya kagabi kaya hindi n'ya nagawa ang advance reading.
Lintik na diarrhea kasi. Pinagod s'ya.
"Oh my god! I can't believe I fell asleep without reading," aniyang nag-cramming. Nakaupo na siya sa kanyang desk at nasa tabi niya si Nova na tinatawanan lang siya.
"Ano ba kasi ang ginawa mo kagabi? Second day of school pa lang pero cramming ka na," anito.
Hindi na lang sumagot si Kam at nagpatuloy sa pagbabasa. Buti na lang maikli lang 'yun. Agad naman niyang nakuha ang lesson kaya nakahinga siya ng maluwag.
She was an achiever. Nasanay kasi siya na pini-pressure siya ng kanyang mga magulang na mag-excel kaya nagpa-panic siya kapag hindi siya nakapag-aral. Hindi naman kasi siya sobrang talino. Nag-aaral lang talaga.
"Good morning, class," isang lalaki ang kanilang professor ngayon. Halatang Pureblood at mukhang nasa early twenties lang. But he could be a hundred or maybe more.
"Good morning, Professor Huster," sagot naman nila.
Oldest Vampires in History that are Still Alive, 'yun ang isinulat nito sa whiteboard gamit ang marker.
"Who do you think is the greatest vampire of all time? Take note, that vampire should be ancient and living," sabi ng professor nang muling humarap sa klase.
"Orpheus Gerhardt," isang boses lalaki mula sa likuran ang sumagot. Napaka-confident pa ng boses nito.
Kam scoffed. Orpheus Gerhardt? For real? She read that Orpheus was prejudice against other kinds of vampires. Kaya nga ISOP ang tawag sa vampire government dito sa Vergaemonth. International Senate of Purebloods.
Purebloods!
Pero gusto rin nitong i-govern ang ibang uri ng vampires kahit na hindi kasama sa pangalan ng organization ang uri ng mga 'to.
At hindi lang 'yun. Romance between a Pureblood and a witch was frowned upon. Bawal daw kasi ang magkaanak ng vampire-witch dahil masyadong makapangyarihan. Sentries scavenged the whole continent for vampire-witch creatures.
At kaya nga Purebloods lang din ang tinatanggap sa Sentry Academy for hundreds of years.
Orpheus Gerhardt was not great. Ancient, yes. But definitely not the greatest. He was a bigot!
Kam scoffed again. This time, it was louder kaya naman napatingin sa kanya ang kanyang mga kaklase at professor.
"May problema ba sa sagot ko?"
Agad na napalingon si Kam sa likuran n'ya at laking gulat n'ya nang mapagsino 'yun.
Cole Bloodworth! Again!
Aaminin ng dalaga, gwapo ito. Sobra. Itim ang buhok, blue ang mga mata, ang ganda ng ilong, ang kilay ay parang sadyang naka-trim dahil ang linis tingnan kahit makapal, ang ganda pa ng mga labi and his jaw, pwede n'ya yatang gamitin 'yun pantabas ng papel. Ang perpekto ng symmetry ng mukha nito.
And again, very handsome.
Pero hindi siya natinag sa kagwapuhan nito. Kahit pa gaano ito kagandang tingnan sa uniform nito ay walang epek sa kanya. Wala siyang time na magpaapekto sa kahit kanino.
Tumaas ang kilay ng lalaki. Napatagal yata ang pagtitig n'ya rito.
"Orpheus Gerhardt is not a great man. I've read many books about him. He was never great," she said, nakataas din ang kilay.
Her classmates gasped before looking back at the handsome student.
"Lorcan Gerhardt, his son, is better, I think. Many changes happened when he started leading the ISOP. Good changes," dagdag n'ya pa.
BINABASA MO ANG
Blood Menace
VampireKam had a wonderful life. She was beautiful, rich, and famous. She had it all. Except Cole Bloodworth. She lost him a few years ago but now he's back, not to love her again but to punish her. *** Language: Taglish