Nagtago si Kam sa likod ng isang pabilog na pillar kung saan kita niya ang napakadaming mga armadong tauhan ni Kray. Halos lahat may espada, daggers, quivers na puno ng arrows, spear, at mga kutsilyo.
Paano n'ya tatalunin ang mga ito? She could fight, but she wasn't the best fighter.
And she was alone without a weapon.
Isang sigaw ang nakaagaw ng atensyon ni Kam. Tila nasasaktan ang sigaw na 'yun.
Isa pang ingay ang narinig niya na sinundan nanaman ng naghihingalong sigaw.
Cole!
Agad niyang natunton ang pinanggalingan ng ingay. Sa gilid iyun ng mansyon na walang iba kundi ang mansyon ng pamilya niya.
Natagpuan niya si Cole na nakagapos sa isang poste na kasing tangkad nito. 'Yun nga lang, tila nakayakap ang binata sa poste at lantad ang likod nito na pinatatamaan ng latigo.
Tila gumuho ang mundo ni Kam nang tumama sa dumudugo nitong likod ang latigo at sinundan iyun ng sigaw ni Cole na puno ng sakit.
"Cole..." humakbang siya pero agad din naman siyang natigilan nang makita si Kray na papalapit sa binatang puno ng dugo at pawis ang katawan.
Nakapamulsa lang si Kray habang nakasuot ng dilaw na polo shirt na naka-tuck in sa puting pantalon.
"Wala ka namang kinalaman sa gulong ito, Sentry Bloodworth, pero bakit pilit mong ipinagsiksikan ang sarili mo? Tingnan mo tuloy ang sitwasyon mo," kunway concerned pa si Kray sa dinadanas ni Cole.
Cole spit blood on the ground and sent dagger stares at Kray's direction.
"Ang mga Caedis lang ang habol ko. But since nandito ka, nakipagsiksikan, well... I will indulge you. You are not going to live after this."
Ang sakit. Hanggang ngayon ay sobrang sakit pa rin na isipin na ito ang ginawa ni Kray sa kanya. Pinagkatiwalaan n'ya ito since she was fifteen. That was half her life!
Sa lahat ng kabutihan na ipinakita nito sa kanya noon, may totoo ba?
Kahit isa lang?
Muntik na siyang mabuwal nang muling tumama sa likod ni Cole ang latigo at impit itong napasigaw dahil sa sakit.
Enough!
Humakbang uli si Kam, walang plano, pero bigla na lang may kamay na pumigil sa kanya at hinila siya sa likod ng isang hallway.
"What the hell?" angil niya pero laking gulat niya nang mapagsino ang tatlong nasa harapan niya. "Stefie? Rum? Mik?"
Sinugod siya ng yakap ng tatlo at tahimik pang umiyak ang mga ito.
Stefie had black hair this time. Si Rum ay nakasuot ng strapless na tube top at hapit na leather pants at kumikinang dahil sa luha ang asul na mga mata ni Mik.
"Ano'ng ginagawa n'yo rito? Mapapahamak pa kayo," pabulong niyang sabi pero may diin iyun.
"Siempre hindi ka namin pababayaan. Pamilya tayo," suminghot-singhot na sabi ni Rum.
Mas hinigpitan ni Kam ang pagkakayakap sa tatlo at gumanti naman ang mga ito kaya halos ay mapiga na siya.
"Hindi namin alam kung saan ka hahanapin pagkatapos naming narinig ang bombing sa Police Station," sabi naman ni Stefie. "Ang alam namin, ang mga magulang mo ang dahilan ng lahat ng kaguluhang ito."
Bumitaw si Kam para mag-explain sa kanyang mga kaibigan pero naunahan na siya ni Mik.
"Siempre ngayon, alam na namin na hindi 'yun totoo. Pero ang ibang mga mamamayan ng Chilakest, ang mga magulang mo pa rin ang sinisisi."
BINABASA MO ANG
Blood Menace
VampireKam had a wonderful life. She was beautiful, rich, and famous. She had it all. Except Cole Bloodworth. She lost him a few years ago but now he's back, not to love her again but to punish her. *** Language: Taglish