11- Travel Buddy

366 20 8
                                    

Pabagsak na naupo si Cole sa couch na nasa sala ng dorm room ni Tiana. Walang roommate itong kapatid nilang babae kaya pwede silang tumambay doon nang walang napupurwesyo.

"Ano nanaman ba ang ginagawa n'yo rito? Uubusin n'yo nanaman ang pagkain ko?" singhal ni Tiana na kakalabas lang ng bedroom nito. Magulo ang buhok nito at mukhang kakagaling lang sa pag-aaral.

Well, walang napupurwesyo maliban kay Tiana.

"Ang damot mo naman. Bad 'yan," sagot ni Malik na nasa harapan na ng refrigerator.

"Oh, nasaan sina Gaius at Auberon?" tanong ng babae sa kakambal nitong kanina pa tahimik at nakatitig sa kisame.

"I don't know," matamlay na sagot ni Deus na nakasalampak sa couch.

"Ano'ng you don't know? Lage na lang nawawala ang dalawang 'yun. May problema ba ang mga Kühn?"

"Hindi ko alam, Kambal."

Pinanood lang ni Cole ang nakakatandang-kapatid. Deus was the kindest person he knew at hindi siya mapakali na makitang matamlay ito at mukhang may problema. He didn't deserve that. He was too good to have a problem.

Hindi na lang umimik si Cole. Alam n'ya kung bakit matamlay si Deus pero kung ayaw nitong mag-open sa iba nilang mga kasama, then wala siyang magagawa.

Patamad na rin siyang sumandal sa couch at tumitig na rin sa kisame. Mukhang may mga nakasulat kasing solusyon doon sa problema nila dahil titig na titig doon si Deus.

At ano ang problema ni Cole?

Ano ba ang gagawin n'ya kay Kam?

Hindi n'ya ito responsibilidad pero bakit hindi siya makakapayag na magbyahe itong mag-isa?

Hindi rin naman sila close pero bakit nag-aalala siya rito?

Napabuga siya ng hangin.

"Problema mo?" paangil na tanong ni Tiana na pabagsak na umupo sa tabi n'ya.

"Wala. I just miss... uhm... Linus. Umuwi kaya ako kahit two weeks lang," aniya.

"Huh? Kung uuwi kang Hellville sasama kami."

Napalabi si Cole. "Wag na lang pala. Ayaw kitang kasama."

Isang batok ang natanggap n'ya mula kay Tiana.

Paano ba siya makakaalis nang hindi kahina-hinala?

Nakita n'yang tapos nang mang- ransack ng fridge si Malik kaya mabilis niyang isinara ang kanyang utak. Ayaw niyang mabasa nito ang gumugulo sa isipan n'ya. Loko-loko pa naman ito at lage siyang ipinapahamak lalo na kay Tiana.

"Sure kang si Linus ang nami-miss mo? Wala ka bang bibisitahing chicks sa Hellville?" nakangising tanong ni Malik na nilalantakan ang black olives na nakita nito sa fridge.

"Ano'ng chicks? Wala naman akong naging girlfriend d'on ah. 'Wag mo nga akong itulad sa'yo," paangil na sagot ni Cole. Minsan naiinis na siya kapag nababansagan siyang palikero dahil sa kakasama n'ya rito kay Malik.

"Maniwala ako sa'yo. Iisa ang kulo n'yong dalawa," ani Tiana na pabalik-balik ang pagturo sa kanila ni Malik.

Huminga na lang ng malalim si Cole. Oh well, he had that reputation now. Kahit sa sarili niyang pamilya.

Pero paano talaga siya makakasama kay Kam? Hindi naman pwedeng ito lang ang umalis. Hindi 'yun safe. Isasama kaya nito si Tryx?

If that was the case then maybe he shouldn't worry too much. Tryx was a capable Senior. Kaya na nitong protektahan ang isang Freshman na kagaya ni Kam.

Blood MenaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon