26- Festival of the Moon

238 14 2
                                    

Pink na one-piece bodysuit ang ipinasuot ni Ciro kay Cole. May mga ruffles pa sa dibdib, leeg, cuffs at may mga tassels naman sa kanyang pants na masikip.

"Are you kidding me?" bulyaw ni Cole kay Ciro. "Bakit ganito ang suot ko? Bakit sa inyo parang mga prinsipe?"

"Buy two, get one free lang eh. Alangan naman dalawa ang kunin kong free 'di ba? Kaya binilhan na lang kita ng ibang costume," dahilan pa ni Ciro kaya muntik na itong masapak ni Cole.

"Come on, you two! Nagsisimula na ang festival," tawag ni Draven mula sa living room.

Walang nagawa si Cole nang hilahin na siya ni Ciro palabas ng kwarto nito.

"Finally..." natigilan si Draven nang makita ang ayos ni Cole. Nakanganga lang ito sa tabi ng coffee table samantalang nakataas ang kilay ni Gregory na prenteng nakaupo sa couch at nakapatong pa sa armrest ang kanang siko.

"Don't say anything," ani Cole at inis na isinuot ang pink na flamingo mask na natatabunan ang upper part ng kanyang mukha.

"Alright," ani Gregory saka tumayo na at nagpatiuna na sa pinto.

Nag-aalburuto pa rin si Cole nang sumunod sa kanyang ninuno. Sobrang gwapo n'ya panigurado kung prinsipe ang suot niya. Hindi itong pink na flamingo.

Sa hulihan sina Draven at Ciro na mahinang nagtatalo dahil sa suot ni Cole.

The city was full of lights- red, blue, green, yellow. Kahit mga puno ay puno ng makukulay na ilaw.

There were thousands of people gathered in the city. Everyone wore colorful costumes. And masks. Hindi alam ni Cole kung ano ang kinalaman ng maskara sa buwan pero hindi siya magrereklamo. This was a good time to investigate.

Marami sa mga naroon ay nagsasayawan kasabay sa malakas na music mula sa nakakalat na mga speakers.

May mga naroon din na nag-iinuman.

Okay, this seemed fun, Cole admitted. Malik would have loved this. Life of the party kasi ang kaibigan n'yang 'yun.

"Cole," tinapik ni Gregory ang balikat niya sabay turo nito sa kanilang kanan kaya agad na napalingon si Cole doon.

Sa tabi mismo ng daan na kasalukuyang puno ng mga tao ay isang napakataas na gate na gawa sa metal. May dalawang unipormado at armadong guards sa loob niyun na panay ang pagmamasid sa paligid.

Behind the massive gate, about ten meters away, was an enormous mansion. May limang palapag yata iyun at sobrang lapad pa. Halos lahat ng ilaw sa mga bintana ay nakasindi kaya mas na-emphasize ang size at kagandahan nito lalo na sa gabing 'yun.

"Let me guess, the Caedis manor," nakatiim-bagang na sabi ni Cole.

"They normally had about five guards by the gate. Dalawa lang ngayon dahil busy naman sa festival ang mga tao," ani Draven.

"Nand'yan sa loob ang suspect natin?" ani Cole.

Geez! Tama ba itong mga ancient vampires sa sinabi ng mga ito na hindi pa siya nakapag-move on? Bakit nahihirapan na siya ngayon na isipin ang babaeng 'yun? Ni ayaw na niyang banggitin ang pangalan nito? Hindi naman siya ganito dati. He wasn't affected by invading thoughts of that woman.

Pero ngayon...

"It's normally your close proximity to her. The sooner you see her, the more anxious you get," ani Draven na mukhang binasa ang isip n'ya.

"Gusto mo palakasin ko ang loob mo?" sabad naman ni Ciro.

Tama. Ciro could control emotions. One of the many perks of being a Horton vampire.

Blood MenaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon