25- Allies

250 15 2
                                    

Cole was frustrated, to say the least. He definitely didn't want to see Kamdyn again. That woman betrayed him. She lied and manipulated him.

He could never forgive her. Not that she asked for forgiveness. 'Yun pa ang mas nakakainis. Pagkatapos siya nitong lokohin ay hindi man lang ito nag-sorry o nagbigay ng explanation. Basta na lang siya nitong iniwan habang baliw na baliw siya rito.

"Here's your mocha latte, Cole" nakangiting sabi ng cute na barista kaya napangiti si Cole.

"Thanks... Jen," aniya na binasa pa ang pangalan ng babae sa silver name tag nito.

She bit her lip kaya kinindatan ito ng binata bago tumalikod. Deretso siya sa exit at hindi na lumingon pa. He didn't have time to fool around. Mas mapapadali ang pag-alis n'ya sa lugar na 'to kapag mabilis niyang natapos ang mission n'ya.

He drank his coffee as he walk outside boutiques, bakeshops, delicatessens, wine stores and restaurants. In fairness, this tiny part of the city felt cozy and homey. May mga awning pa sa pinto ng mga tindahan.

Nakapamulsa lang siya habang naglalakad. Naramdaman ni Cole ang pagbaba ng temperature kanina kaya nagsuot siya ng v-necked long sleeves na kulay gray, dark blue pants at gray ding sneakers. Simula na yata ng autumn kaya kailangan n'yang mamili ng mga damit na angkop sa klima.

Then he thought why he was here again, and he groaned in frustration.

Isang maliit na eskinita ang nadaanan n'ya at laking gulat n'ya nang bigla na lamang may humablot sa kanya mula roon at iningudngod siya sa pader.

Cole cursed. Malakas ang kung sinunang gumawa nito.

Sentry instincts took over. Isang segundo lang ay nakawala na siya habang malakas niyang ibinalibag ang pangahas.

He realized that it was a man... no, he saw two men in the shadows. Iyung ibinalibag niya, hindi man lang pala napano.

He was about to attack when he heard them laugh.

"What the hell?" aniyang natigilan. May narinig kasi siyang boses sa isip n'ya.

"Calm down, Collier. Masyado kang agresibo," sabi ng boses ng lalaki.

Then the two men stepped out of the shadows and Cole laughed.

"Walang-hiya. Nandito lang pala kayo? And you wasted my coffee, man," aniya saka niyakap ang dalawa.

"Ewan ko dito kay Ciro kung bakit kinailangan ka pa n'yang i-ambush," exasperated na sabi ni Draven Brigham. Maayos ang pagkaka-brush back ng blond nitong buhok.

"I was bored. Masyadong pretentious itong bayan na 'to. Nakakaubos ng energy," sagot naman ni Ciro na mukhang hindi pa naliligo. His brown hair was messy.

"Si Gregory?" ani Cole nang hindi makita ang kanyang ninuno.

"Nasa apartment namin. Nagpapahinga," sagot naman ni Draven.

"Bakit ka nandito?" tanong ni Ciro saka sila lumabas mula sa eskinita na 'yun at naglakad na sa sidewalk. Sa kanang side nila ay ang mga shops.

"I have a mission. Have you heard about the Caedis murder case?"

"Saw it on TV," sagot ni Draven.

"Naks naman. May TV kayong mga gorang?"

Masamang tingin ang natanggap n'ya mula sa dalawa. Kung titingnan naman kasi ay tila nasa twenties pa ang mga ito.

"Ano ba ang ginagawa n'yo rito? Bakit dito pa kayo napadpad?"

"We heard that mortals and the supernaturals live here harmoniously. We wanted peace," ani Ciro na nakangiwi. "But there is still division among the people. The Caedis family controls everything."

Blood MenaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon