14- Whittles

287 20 1
                                    

Galit ang nasa mukha ng mga magulang ni Nova nang makaupo sina Kam at Cole sa living room ng bahay ng mga ito.

Mr. Whittle looked like he was in his early thirties habang mid-twenties naman si Mrs. Whittle. Parehong maputi ang dalawa at may itim na buhok. They dressed modestly, gray business suit for the man and beige dress for the wife.

Sa totoo lang, nagulat si Kam sa kalagayan ng pamilya ni Nova.

Their house was old and small, maybe it only had two bedrooms. Malinis naman ang paligid pero halatang nakailang renovations na dahil sa tanda ng bahay. Paniguradong mahal ang property na 'yun dahil walking distance lang 'yun mula sa city proper.

Nevertheless, this wasn't what Kam expected. They thought Nova belonged to a rich Pureblood family. She was a paying student at Sentry Academy which was an extremely expensive school.

"We've been married for two hundred years at sa loob ng napakaraming taon ng pagsasama namin, isa lang ang naging anak namin. Si Nova," matigas ang boses na panimula ni Mr. Whittle. "Imagine how protective we are of her."

Napahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamay ni Kam. Now, she felt worse. Ipinahamak niya ang nag-iisang anak ng mga ito.

At hindi lang 'yun. Ipinahamak n'ya ang kaibigan n'ya.

"Unfortunately, she wants to be a Sentry. We promised to support her so, kahit labag sa loob namin, we sent her to the academy. Alam namin kung gaano kadelikado ang pagiging Sentry," dagdag naman ni Mrs. Whittle. Mahina ang boses nito pero may diin ang bawat salita. Her long black hair just added to her charisma.

"She was poisoned with foxglove. The only fatal poison for vampires. Kung hindi naagapan, baka namatay na ang nag-iisa naming anak. She's a Pureblood pero ilang araw siyang walang malay. Too much poison was injected in her system. You literally dragged your so-called friend to her death, Ms. Caedis."

Hindi nakasagot si Kam sa sinabi ng ama ni Nova. The guilt weighed heavily on her chest. Kung namatay ang kaibigan n'ya, nasa mga kamay pa pala niya ang dugo nito.

"Mawalang-galang lang po, Mr. Whittle," biglang sabad ni Cole na kanina pa tahimik at nakikinig lang. "Itong si Nova na anak ninyo, ilang taon na s'ya?"

Nagkatinginan ang mag-asawa, not sure why Cole asked that.

"Eighteen. Eighteen na s'ya," ang babae ang sumagot.

Tumangu-tango si Cole. "So, kaedad ko lang."

Confused na tumango ang mag-asawa.

"Itong si Nova ba ay nasa tamang pag-iisip? Wala naman s'yang mental issues, hindi ba?"

Mas nalito pa tuloy ang mag-asawa dahil sa takbo ng questioning ni Cole. Maging si Kam ay napakunut-noo na.

"Our daughter is fine, Mr. Bloodworth. Wala siyang mental problems," asik ni Mr. Whittle.

"Good, good," kampanteng sagot ni Cole. "So, kung mag-suggest si Ms. Caedis na kumain sila ng bato, of course, hindi papayag si Nova, hindi ba? Or kung mag-suggest ako na magtanan kaming dalawa, hindi naman papayag si Nova kasi wala naman kaming relasyon. She is very capable of deciding for herself."

Natahimik ang mga magulang ni Nova.

Seryoso namang tinitigan ni Cole ang mga ito. "All I'm saying is, Nova is not a child. Nasa tamang pag-iisip siya. Walang pumilit sa kanya na sumama kay Ms. Caedis. Desisyon n'ya kaya s'ya nalagay sa sitwasyon na 'yun. How dare you blame other people of your daughter's mistake?"

"Mr. Bloodworth, nag-iisa naming anak si Nova-."

Pinutol ni Cole ang iba pang sasabihin ni Mr. Whittle. "At nag-iisang anak din si Ms. Caedis. Have you heard her parents blaming your daughter for being a bad influence?"

Blood MenaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon