21- Field Training

263 17 4
                                    

N'ong sinabi ni Tryx na pahihirapan sila nito during the training, hindi nga ito nagsinungaling.

Halos gumapang na sina Kam at Nova dahil sa pagod pagkabalik nila sa hotel room nila. To think na isang linggo pa lang ang natatapos nila.

"Ayoko na. Babalik na akong academy," Nova groaned. Literal na gumagapang ito sa sahig ng suite nila.

Si Kam naman ay nakasalampak sa sahig at nakasandal sa gilid ng malaking kama.

Ni hindi pa nila natatanggal ang kanilang garb.

"Bakit kailangan nating manghuli ng mga Turned? Estudyante pa lang tayo," patuloy sa pagmamaktol si Nova.

"Eh kasi lumabag sila sa batas. They robbed and killed those poor mortals just for a little cash. Buti na lang hindi nila sinaktan iyung sanggol. But still, that baby is an orphan now. Hindi ko alam kung ano na'ng mangyayari sa kanya," malungkot na sabi ni Kam.

"Hoy, Kam, sumagot ka naman d'yan! Ang hirap makipag-usap sa sarili oh."

Kam groaned. So, sa isip n'ya lang sinabi 'yung pagkahaba-habang litanya na 'yun?

Talagang pagod na nga s'ya.

"Pero nakakalungkot 'no? Bakit kailangang gawin 'yun ng mga Turned na 'yun? Bakit kailangan nilang gumawa ng masama?"

"It's in their nature, Nova. They give in to impulses. Pero may mga na-guide naman nang maayos kaya nako-kontrol nila ang urges nila. Pero marami pa rin sa kanila ang nagpapatalo sa aggressive and violent instincts nila. Sad but true."

"Kam? Am I alone here?"

"Ugh!" she groaned again. Sa isip nanaman niya sinabi 'yun?

Matutulog na lang siya rito sa sahig.

—-
Mabilis na natapos ang unang buwan sa training nina Kam. Sa totoo lang, nahirapan talaga siya. Tryx might be their friend but she was a scary trainer.

Tryx didn't settle for mediocrity. Kapag hindi nito nakuha ang gustong resulta, pinaparusahan sila nito.

To keep up with the physical requirements, Kam had to do extra training. Gabi-gabi, nasa rooftop siya for endurance exercises.

Bukas, kailangan nilang makahuli ng walong masasamang bampira. Tigdadalawang Turned, Pureblood, vampire-witch at vampire-human.

Paano kung hindi niya makompleto?

Nag-aalala talaga siya.

Ang sabi naman ni Tryx, masyadong malaki ang Surial at puno ng krimen ang bayan na 'to. Hindi raw imposible ang task na ibinigay nito.

Using a long sword, she sliced the air. She had to improve her swordsmanship. She lacked the skill on this area. Kailangan niyang mag-double time.

Her muscles flexed as she moved with the sword. Malamig ang simoy ng hangin dito sa rooftop pero tagaktak ang kanyang pawis.

"Are you killing yourself?"

Gulat na napalingon si Kam sa may pinto ng rooftop at ibinato ang hawak na espada roon.

Tanging ulo lang ang gumalaw sa lalaking nakatayo roon para umilag. Bumaon sa bakal na pinto ang espada malapit sa mukha nito.

"Stan! You scared me," Kam exclaimed, panting.

May ibinato si Stan sa kanya at agad n'ya iyung sinalo. Bottled water.

"Thanks," aniya saka ininom na 'yun.

"You are overdoing it, Kam. Pinapagod mo masyado ang katawan mo," walang kahirap-hirap na hinugot ni Stan ang espada mula sa pinto.

"I almost failed today, Stan. Sword is not my forte. I have to improve."

Blood MenaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon