Chapter 8

25 3 2
                                    

SayoPaRin
By:Mhaiyora

Charlotte Pov

"Besh uwi muna tayo , naipit sa traffic si A.c eh ." Alok ko kay April pagkatapos namin mag usap ni Mharoo .

"Sige besh para makapag ayos na rin tayo ." Pag sang-ayon naman ni April sa akin .

Nagsimula na kaming maglakad pauwi sa bahay . Kaunti lang naman ang diperensya kung lalakarin , isa pa talagang traffic ng ganitong oras dahil labasan din ng mga nasa trabaho .

Pagkarating namin sa bahay ay kinuha lang ni April ang mga gagamitin niya at dumiretso na sa kwarto ko . Napag desisyunan kasi namin na dito na lang sa bahay mag ayos ng sabay .

"Besh , san ba tayo pupunta ?" Kulit na tanong ko kay April . Kanina ko pa kasi tinatanong pero di naman niya ako sinasagot .

"Sa birthday besh ." Sagot niya sa akin na nakapagpakunot sa aking noo .

"Kaninong birthday besh ? Bakit di ko alam ?" Takang tanong ko sa huli .

"Alam mo na nga di ba kakasabi ko lang ." Pilosopong sagot naman nito sa akin .

"Yung totoo Aprilyn ? Saan yan at kaninong birthday yan ?" Taas kilay na tanong ko pa rin dito . Wala naman kasi akong alam na kaibigan namin na may birthday ngayon . Natawag ko pa tuloy siya sa full name niya haha .

"Ah , eh .. Kasi besh birthday nung crush ko ngayon , kaya doon tayo pupunta .." Kamot ulo na paliwanag ni Aprilyn sa akin . Kung hindi ko pa siya pipilitin talaga hindi pa siya aamin na ..

"What ?! Birthday ng crush mo ?! Teka , teka ! Pano tayo pupunta ? Alam mo ba kung saan ? At pano mo naman nalaman na ngayon ang birthday niya ?!" Medyo tumaas na ang boses ko hindi dahil sa galit kung hindi dahil sa gulat . Imagine .. Ilang araw lang kaming hindi nagkasama dahil may magkaiba kaming projects tapos ganito na agad .

"Source ko yung classmate niya na classmate ko sa project na ginagawa namin ." Paliwanag pa rin niya sa akin habang patuloy ang paglalagay ng kolorete sa kanyang mukha .

"Bagay ba besh ?" Tanong naman niya bago tuluyang humarap sa akin para ipakita ang hitsura .

"Ayos lang .." Komento ko ng matanawan siya mula ulo hanggang paa .

"Ih .. Ano nga ?" Padyak na pangungulit pa rin niya sa akin . Parang hindi kumbinsido sa sinabi ko .

"Besh .. Hindi mo naman kailangan baguhin ang sarili mo para lang magustuhan ka ng crush mo .. Isa pa .. Hindi ba taken na yun ?" Turan na tanong ko sa bestfriend ko na ngayon ay parang naliwanagan na ang pagmu-mukha .

"Hiwalay na sila besh .. Alam mo naman na hindi ako mapanira nang relasyon eh .. Baka lang sana mapansin niya ako ." Nakayuko na paliwanag pa rin ni April . Parang bigla naman akong nahabag sa matalik kong kaibigan .

"Maganda ka tonight besh .. Maniwala ka sa akin mapapansin ka niya ." Pagpapalakas ng loob na sabi ko dito kasabay ng mahinang pagtapik sa kanyang mga balikat . Kita naman ang mabilisang pagbabago sa kanyang awra , kasabay ng pagningning ng kanyang mga mata . Halata na talagang tinamaan siya dito .

"Talaga besh ?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong nito sa akin .

"Absolutely yes ." Ang nakangiti ko naman na sagot dito kasabay ng isang okay sign .

Mabilis na namin tinapos ang pag-aayos . Naka-black formal dress kami parehas dahil iyon daw ang motif nang isasagawang birthday party ng crush ni besh . Maya-maya pa ay narinig na namin ang busina ng sasakyan ni Mharoo . Hudyat na nasa labas na siya upang kami ay sunduin .

"Tara na besh , baka mahuli tayo ." Ang sabik na yaya naman ni April sa akin . Halatang excited talaga siya .

"Sige tayo na ." Pag sang-ayon ko na lang sa kanya . Mukhang di rin naman siya papipigil eh .

Sa'yo Pa Rin ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon