SayoPaRin
Mhaiyora♥️Charlotte
Tara na besh !!! Dinig kong yaya ng kaibigan kong si April . May dance contest kasi sa baranggay namin ngayon , kaya itong matalik kong kaibigan ay atat na atat ng pumunta sa aming covered court kung saan gaganapin iyong dance contest .
Sandali naman best , akala mo naman hindi yun matutuloy kapag nahuli tayo , baka nga mamaya nagsisimula na iyon eh . Sagot ko dito na may halong pang-iinis .
Iyon na nga best eh . Dapat na nating dalian para naman maumpisahan na natin mapanood ang mga sasayaw .
Nakanguso niyang sabi sa akin .Oh sige na tara na at nang manahimik ka na . Tumayo na ako at naunang lumabas sa pinto ng bahay namin . Kung hindi lang natutulog na ang nanay ko at napaka ingay ng matalik kong kaibigan ay balak ko sanang magpahuli kami para hindi ko na rin masyadong marinig ang gagawing pagtili niya .
Masaya at nagmamadali siyang sumunod sa akin . For sure basag na naman ang eardrums ko sa pagtili ng babaitang ito mamaya .
Pagkadating namin sa court ay magsisimula pa lang naman ang dance contest . Nang tawagin na ng host ang pangalan ng unang sasayaw at lumabas na sa stage ay todo tili na itong bestfriend ko na akala mo kakilala niya talaga ang mga miyembro ng grupo na iyon .
Mahina ko siyang siniko at sinamaan ng tingin . Napahinto naman siya sa pagtili at nag piece sign sa akin habang nakangiti . Napaka over acting mo best . Tropa mo ? Tropa mo ? Panunukso ko dito . Nag rolling eyes lang ito at itinuon ulit amg atensiyon sa grupong nasa stage na ngayon ay todo bigay na sa pag hataw ng sayaw .
Habang abala kami sa panonood ay bigla namang may nagsigawan sa bandang likuran namin . Akala namin ay nagkakatuwaan lang sila sa bandang dulo kaya hindi na lang namin pinansin pero maya-maya lang ay nagkatulakan na dahilan para maitulak kami ni April .
Nagkakagulo na sa dulo kaya nagpasya kaming pumunta sa isang gilid . Hindi naman namin alam kung bakit ba sila nagkakagulo . Kaya ayaw ko din nagpupunta sa mga ganito dahil madalas ang mga ganitong gulo .
Nakatingin lang kami ni April sa mga nagkakagulo . Nang mapadako ang tingin ko sa isang tindahan ng mga laruan . Bigla kasing umilaw ang isang spongebob na laruan kaya napako dito ang atensiyon ko .
Nakangiti akong naglakad papunta sa direksyon ni spongebob .
Umandar na naman ang pagiging childish ko . Nilingon ko si April na abala pa rin ang mga mata sa mga nag aaway . Bumalik ulit ang tingin ko sa tindahan kung saan talagang na amazed ako sa laruang spongebob na iyon .
Iniwan ko na nga lang si April na nakatingin pa rin sa mga nagkakagulo . Babalikan ko na lang siya mamaya . Kailangan kong mabili yung laruan na iyon . Ang cute cute naman kasi eh . Nagsimula na akong maglakad para makarating sa kinaroroonan ng gusto kong laruan .
Huminto ako sa tapat mismo ng tindahan kung nasaan ang nagliliwanag na laruan .
Napangiti ako bago akmang hahawakan ang laruan ng biglang nagkasabay kami ng katabi kong nilalang sa pagkuha ng spongebob na umiilaw dahilan para magkadikit ang aming mga kamay .
Mabilis kong inalis ang mga kamay ko . Ang weird ng pakiramdam at hindi ko iyon maipaliwanag . Pagkaalis ko ng kamay ko ay pamaang akong napatingin sa taong nakasabayan ko . Nakangiti siya sa akin . At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay napangiti na lang din akong pabalik sa kanya ^___^
"S-sorry .." Mahina niyang sabi pero sapat na ang lakas para marinig ko . Medyo nagulat ako dahil boses babae siya , pero mukha siyang lalaki .
Ibig sabihin Lesbian siya .
Ang ganda niyang lesbian .
What ? Anong sinasabi mong maganda siya Charlotte ?!
Magtigil ka nga .. Sabi ng utak ko bago ako nagsalita ulit .
BINABASA MO ANG
Sa'yo Pa Rin ♡
RomanceMinsan ang sugat , hindi kayang hilumin ng pag-iyak . Hindi kayang gamutin ng pagmamahal ng iba . Dahil ang sugat na likha ng taong mahal mo , walang ibang makakagamot kundi Siya mismo .