SayoPaRin
Mhaiyora♥️Mharoo
"Ingat pag-uwi ah , salamat sa paghatid .." Sabi ni Charlotte sa akin noong ihatid ko na sila ng best friend niyang si April .
Ngitian ko siya bago ako
tumalikod at nagsimula na akong maglakad pauwi .Pasipol-sipol akong naglalakad habang nakangiti . Masaya ako na nakilala ko siya . Parang bigla akong nabuhayan . Parang nagkaroon ulit ng sigla yung matamlay kong buhay .
Hindi naman talaga ako mahilig lumabas ng bahay , school at bahay lang ako . 2nd year college ako ngayon , nursing ang course na kinukuha ko . Minsan lang ako sumama sa mga kaibigan kong lumabas o mamasyal tulad ngayon na pinilit talaga nila akong sumama dahil may dance contest daw sa kabilang baranggay .
Sobrang kulit nila kaya pumayag na din akong sumama sa kanila pero pagkadating namin doon ay bigla na lang sila nagkagulo sa hindi ko malamang dahilan kaya lumayo ako ng kaunti sa kanila at tumambay sa isang tindahan .
Habang pinagmamasdan ko silang nagkakagulo ay biglang umilaw yung spongebob na laruan or keychain yata yun , parang natuwa ako kaya nilapitan ko , akmang kukuhain ko nang biglang kinuha din ng katapat kong babae kaya nagkahawak ang mga kamay namin .
Kamay niya tapos kamay ko ^__^
Parehas kaming natigilan at sabay napatingin sa isa't-isa . Hindi ko alam kung ako lang ba o naramdaman din niya yung parang kuryenteng dumaloy sa mga kamay namin .Ngumiti ako ng ubod ng tamis nang mapansin kong tumingin siya sa akin .
Naramdaman kong nag angat siya ng kamay siguro naramdaman din niya kung ano yung naramdaman ko .
Nagsalita na ako agad para hindi siya magalit .
"S-sorry .."
Mahina kong sabi tapos pinagmasdan ko siya .Morena , mas matangkad siya sa akin ng kaunti lang naman . Mahaba ang tuwid niyang buhok , nakangiti rin yung mga mata niya kapag ngumingiti siya .
Napaka simple niya lang at nakakatuwang isipin na kung hindi dahil sa spongebob na keychain na bigla na lang umilaw ay hindi ko sana siya makikilala .
Nakita ko na lang yung sarili kong inaalok siyang samahan ko sila ng kaibigan niya .
Pumayag siya kaya ang saya ko talaga . Hindi naman sa nagmamadali ako pero after ng heartbreaks ko with my past relationships ay wala na akong gana makipag relasyon . Siguro dahil nadala ako o ano pero nakakatakot lang na masaktan ulit . Yung pakiramdam ng umiyak ka buong maghapon , magdamag hanggang sa wala ng lumabas na luha sa mga mata mo . Ang sakit kaya non .
One Week Later ..
Di pa rin ako maka move on sa pag-iisip sa kanya haist !
Mukhang mahihirapan ako dito kay Charlotte dahil mukhang mas straight pa siya sa buhok niya eh . Pero syempre hindi ako susuko .. Hindi ako naniniwala sa love at first sight pero nakuha talaga niya yung atensyon ko .
Desidido na akong ligawan siya ..
Sa kahit na anong paraan :)Naalala ko kinuha ko pala yung cellphone number niya .
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at hinanap ang pangalan niya ."Hi Charlotte ! Si Mharoo to .."
Unang teks ko sa kanya , sana naman mag reply siya :)Tumayo ako para lumabas ng kwarto ko at kumain . Nagutom ako bigla eh .
Saktong nasa hapag kainan na ako at masarap na kumakain ng biglang tumunog ang cellphone ko .
"Hello Mharoo :) pasensiya ka na late reply , kumakain kasi ako kanina kaya ngayon lang nakapag reply :) "
Text ni Charlotte dahilan para mapangiti ako :)
BINABASA MO ANG
Sa'yo Pa Rin ♡
RomanceMinsan ang sugat , hindi kayang hilumin ng pag-iyak . Hindi kayang gamutin ng pagmamahal ng iba . Dahil ang sugat na likha ng taong mahal mo , walang ibang makakagamot kundi Siya mismo .