SayoPaRin
Mhaiyora❤️Charlotte
"Sorry besh hindi kita masasamahan ngayon , may lakad kasi kami ni Mharoo eh ." Text back ko kay April nang mag text siya na gusto sana niyang pumunta sa library para sa isang research .
"Ayos lang besh , ako na lang mag isa , sanay naman ako . Reply niya ulit .
Tinawanan ko na lang siya bilang pagtatapos ng usapan namin . Gusto ko man siyang samahan pero nagkataon na nag aya si Mharoo . Hindi ko rin alam kung anong pina-plano nito .
After nang lunch ay nag ready na ako para sa pagdating ni Mharoo , hindi ko man sigurado kung anong pina-plano niya pero atleast ready na ako .
Patapos na akong mag-ayos nang may kumatok sa pintuan ng silid ko .
'Ate , nandyan na si Mharoo ." Sigaw ng kapatid ko sa labas .
"Sige , palabas na ako ." Ganti kong sagot dito .
Sinipat ko nang mabuti ang sarili ko bago nagpasyang lumabas nang may ngiti sa mga labi .
"Hi !" Masayang bati ko sa kanya .
"You look gorgeous A.C .." Yun lang ang nasabi niya kasabay nang napakatamis niyang ngiti . Bigla namang tumalon talon ang puso ko .
"Let's go ?" Aya niya sakin
"Okay " nakangiti ko namang pag sang ayon dito .
She grabbed my hand at sabay kaming lumabas ng bahay .
Sa isang hi-class restaurant ako dinala ni Mharoo . Mabuti na lang talaga at nakapag-ayos ako , hindi nakakahiya sa mga nandito .
You okay ? She asked me with her stunning smile . Pakiramdam ko namumula ang mga pisngi ko . Isang simpleng tango lang ang isinagot ko sa kanya . Kasabay ng napakagandang ngiti na sumilay sa aking labi .
Habang lumalalim ang gabi ay tuloy lang ang masayang kwentuhan namin ni Mharoo . Kinamusta namin ang isa't -isa dahil nga parehas kaming abala sa mga bagay-bagay nang biglang ..
"Hey! Mharoo , it's you !!" Mula sa kung saan ay biglang may isang babae . Wait ! Isang magandang babae na bumati kay Mharoo na ikinabigla din niya .
"Oh , Hi !" Balik na bati ni Mharoo dito.
"Dito ka pa rin pala kumakain ?!" Saad muli ng babae .
"Definitely yes ."
"So , how's life ? It's been .. Five years ?"
"Im good . By the way this is my girlfriend Charlotte ." Pakilala naman ni Mharoo sa akin kaya nabaling ang atensyon ng babae sa akin .
"This is Angel . A long lost friend ." Kita ko ang pagkabigla din sa mukha ng babaeng nasa harapan namin .
"Hi Charlotte , nice to meet you ." Nakangiting bati sa akin ni Angel sabay beso .
Nakangiti ko rin naman tinanggap ang maganda niyang pagbati . Mukhang mabait naman siya eh .
"Anyway , I have to go . Nice to see you again Mharoo . See you around ." Paalam nito sabay beso kay Mharoo . Haist bakit parang may mali sa sitwasyon .
Nakaalis na si Angel pero ni isa wala pa rin nagsasalita sa amin ni Mharoo . Tuloy lang kami sa pagkain namin .
Bakit ganito ang pakiramdam ko . Parang ang bigat .
"Ah , A.c hindi mo ba itatanong kung sino si Angel ?" Basag na tanong ni Mharoo sa gitna ng katahimikan namin .
"Nagpakilala na siya A.c di ba sabi niya siya si Angel ." Nakangiti kong sagot sa kanya . Parang ang awkward kasi ng sitwasyon .
BINABASA MO ANG
Sa'yo Pa Rin ♡
RomansMinsan ang sugat , hindi kayang hilumin ng pag-iyak . Hindi kayang gamutin ng pagmamahal ng iba . Dahil ang sugat na likha ng taong mahal mo , walang ibang makakagamot kundi Siya mismo .