Chapter 7

36 3 2
                                    

Sayo Pa Rin
By:Mhaiyora

Mharoo Pov

She's back . Angel is back . She's my first love . Pero kagaya nang sa ibang tipikal na love story , our story ends unreasonable . Like what i've said to my current girlfriend . Parehas namin ginusto na matapos at mag wakas . Parehas namin pinalaya ang isa't-isa hindi dahil sa hindi na kami nagmamahalan kung hindi dahil iyon ang hinihingi ng panahon . Limang taon . Natapos lang nang ganon .

Masyadong magulo at komplikado ang mga bagay-bagay , parehas kaming mahina at mga bata pa , kontrolado pa ng mga magulang at hindi pa kayang mabuhay sa mga sarili naming mga paa . Mga panahon na hindi pa namin kayang panindigan ang mga desisyon na pwede naming gawin .

"I think we need to end this babe ." Si Angel na luhaan ang mga mata .

"P-pero , hindi na ba talaga maayos ?" Ako na yumakap ng mahigpit sa aking pinakamamahal na si Angel .

"Masyadong komplikado . Itatakwil ako ng mga magulang ko kapag sinuway ko sila ." Hagulgol pa rin na turan ni Angel .

Hindi ko kayang makita siya sa ganoong kalagayan . Hindi ko kayang ilagay siya sa alanganin na sitwasyon kung saan alam kong mahihirapan siya ng husto . Mas kaya kong ako ang masaktan at patagong umiyak kaysa makita siyang ganoon . Sobrang nasasaktan ako , triple ang sakit sa tuwing nahihirapan siya at nasasaktan dahil hindi ako gusto at tanggap ng mga magulang niya para sa kanya . Pilit nila kaming pinaglalayo at ngayon nga ay dumating na ang araw na kinatatakutan ko .

Pinakalma ko muna si Angel mula sa pagtangis . Halos pikit na rin ang kanyang mga mata dahil sa sobrang pag luha .

"Babe .." Malumanay na tawag ko sa kanya .

"Hmm .." Halos malat na ang boses na sagot niya sa akin . Halata ang bigat at sakit na nararamdaman niya .

"Sundin natin sila para hindi ka naahirapan . Hindi ko kayang makita kang nahihirapan nang dahil sa akin . Sobrang mahal kita alam mo yan at alam mo din na kaya kong gawin ang lahat huwag ka lang mahirapan ." Matiim ko siyang tinitigan sa kanyang mata .

Pansin kong nagsimula na naman mangilid ang mga luha niya . Nagbabadya na anumang oras ay pwede na namang tumulo . Nakatingin lang siya sa akin at naghihintay sa mga susunod ko pang sasabihin . Kaya nagpatuloy ako ..

"Kung sakaling magkita tayo sa hinaharap at hindi na kumplikado ang lahat .. Be with me again babe .." Kasabay ng paghawak ko sa kanyang kaliwang kamay kung nasaan ang promise ring namin dalawa na suot niya , ay marahan ko din itong dinampian ng munting halik na mula sa aking puso .

I hear her sobbing again . And it breaks my heart again and again and again . Hindi ko na rin napigilan ang aking sarili . Mahigpit ko siyang niyakap . Kasabay ng pag-agos ng luha na kanina ko pa pinipigilan upang maging matatag ako sa paningin ng babaeng pinakamamahal ko . Pero hindi ko na kaya . Ang sakit . Sobrang sakit nang mga nangyayari at mangyayari sa amin .

Alam kong ito na ang wakas nang lahat ng saya namin . Ang lahat ay magiging isang masayang ala-ala na lang .

"Huwag mong pababayaan ang sarili mo ha .." Yakap ko pa rin si Angel ng mahigpit habang nagbibilin sa kanya . Hindi ko kayang makita siya at ang kanyang mga mata dahil baka biglang magbago ang desisyon ko at makagawa ako ng mga desisyon na baka parehas namin pagsisihan sa bandang huli . Kaya nanatili kami sa ganoong posisyon .

"Pagbutihan mo ang pag-aaral mo sa Canada Babe .." Malumanay na bilin ko pa rin sa kanya .

"Palagi mong sundin ang parents mo ." Pagpapatuloy ko ..

Puro hikbi lang ang naririnig kong tugon ni Angel sa mga tinuran ko .

"Huwag mong pababayaan ang sarili mo ha , palagi kang kumain sa tamang oras at huwag kang magpupuyat baka lumaki yang eyebags mo ." Biro ko pa dito .

Sa'yo Pa Rin ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon