SayoPaRin
Mhaiyora♥️Charlotte
Pinili ko ang unan na may nakasulat na 'No' .
Tapos nakita kong nawala ang mga ngiti sa mga labi nila . Lalo na sa labi ni Mharoo na nasa harapan ko ng mga panahon na yun .
Lungkot ang nakita ko sa mga mata niya . Naiwan sa mga kamay niya ang unan na may nakasulat na Yes at nasa kamay ko ang unan na may nakasulat na No .
Napayuko siya ..
Nagkaroon tuloy ako ng dahilan para maihagis ko yung hawak kong unan sa ibabaw ng kama ko .
Nagulat siya sa ginawa ko pero bago pa man siya makapag salita ay hinawakan ko na siya sa magkabilang pisngi , nginitian ko siya ng ubod ng tamis at saka ako nagsabi ng Y E S ..
Lahat sila ay nabigla sa ginawa ko pero nakabawi din at nagsimula ng magpalakpakan . Bumalik ang mga ngiti nila sa kanilang mga labi lalong-lalo na sa taong kaharap ko ngayon .
Bumitaw siya sa pagkakahawak ko sa pisngi niya at tumungo sa kama para kunin ang bugkos ng bulaklak at iniabot sa akin bago nagsalita ulit .
"Akala ko talaga No na ang sagot mo eh .." Sabi ni Mharoo na parang maiiyak na saka ibinigay sa akin ang bugkos ng red roses .
"Pwede ba naman iyon ?
Salamat A.C " Sagot ko bago tinanggap ang bulaklak at pinisil ang kanyang ilong ."Thank you and I Love You A.C "
Sabi niya ulit sa akin kasama ng pinakamatamis niyang ngiti ."Your welcome , A.C :)
And I Love You More .."
Sagot ko sa kanya sabay yakap ng mahigpit ."Oh siya ! Tayo na sa kusina at nang makakain na tayo at lumalamig na ang pagkain .."
Yaya ni mama sa amin pagkalapit niya ."Congrats Best , tara kain muna tayo , baka langgamin na kayo diyan eh .."
Panunukso naman ni April sa amin ."Anong langgam Ate April ? Baka antik na kamo hahahaha tara kain na tayo , dalhin ko na to' ha .." Dagdag naman ng bunso kong kapatid sa pang aasar ni April bago kinuha at dinala paglabas ang cake kasunod niya si April .
"Magpalit ka muna ng damit A.C
Hihintayin na lang kita sa hapag kainan ."
Biglang sabi ni Mharoo sa akin na tinanguan ko naman at saka siya naglakad palabas ng kwarto ko at marahang isinara ang pintuan .Ilang segundo nang nakaka labas ng silid ko si Mharoo pero naka tayo pa rin ako kung saan niya ako iniwan .
Hindi ko inaakala na ganito pala kasaya ang pakiramdam na mahalin ako ng isang katulad ni
Mharoo . Ang saya . Sobrang saya . Nakita ko na lang ang sarili kong naka ngiti ng mag-isa .Nagbihis na ako ng pambahay at nag ayos ng kaunti bago tuluyang lumabas ng kwarto ko . Malamang hinihintay nila ako bago magsimulang kumain .
Tawanan at kulitan lang kami habang kumakain . Hindi ko na nga namalayan ang oras eh ..
BINABASA MO ANG
Sa'yo Pa Rin ♡
RomanceMinsan ang sugat , hindi kayang hilumin ng pag-iyak . Hindi kayang gamutin ng pagmamahal ng iba . Dahil ang sugat na likha ng taong mahal mo , walang ibang makakagamot kundi Siya mismo .