Chapter 9

28 0 0
                                    

SayoPaRin
By:Mhaiyora

Mharoo Pov

"You know what A.c .." Saad ni Charlotte na nakapagpalingon sa akin sa gawi niya . Kakarating lang namin sa bahay nila galing sa birthday party ng isa sa schoolmates nila ni April at kasalukuyang nakaupo kami sa sofa sa sala . Magkatabi habang magkahawak ang mga kamay .

"What ?" Ang malambing na tugon ko dito..

"Dito ka na lang kaya matulog ?" Suhestiyon ng girlfriend ko kasabay ng pagsandal ng ulo niya sa aking balikat .

"Gusto ko sana kaya lang hinihintay ako ni mama sa bahay A.c .." Paliwanag ko naman sa kanya . Kanina pa kasi tumatawag si mama sa akin at itinatanong kung anong oras daw ba ako uuwi .

"Oo nga pala noh , tumawag siya kanina . Siguro next time na lang A.c " Turan naman ni Charlotte sa akin .

"Sure po .. " Pag sang ayon ko na lang sa kanya bago siya ginawaran ng isang halik sa kanyang noo .

Marami pa kaming pinag kuwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay bago tuluyan akong nagpaalam sa kanya .

"Drive safe A.c " Kaway ni Charlotte sa akin bago ako nag drive paalis sa bahay nila .

Tahimik kong binaybay ang daan pauwi sa amin . Binuksan ko pa nga ang radyo ng sasakyan ko para hindi antukin sa daan , pero sa tingin ko ay hindi pala ako aantukin dahil nagkape ako kanina bago bumiyahe .

"Ingat ka A.c .. I love you ! :*" Basa ko sa text message na ipinadala ni Charlotte sa akin . Napangiti ako . Ang sweet talaga ng girlfriend ko .

Nasa labas ng bahay na ako at kakababa ko lang galing sa loob ng aking sasakyan nang salubungin ako ni mama .

"Anak, mabuti naman at nakauwi ka na . May bisita ka ." Nakangiting bati naman niya sa akin .

"Sinong bisita ma ?" Kunot-noo kong tanong sa aking ina . Wala naman kasi akong alam na dadalaw sa akin ngayon at isa pa ay gabi na para magkaroon pa ng bisita .

"Halika na sa loob at kanina pa siya naghihintay sayo ." Hawak ang braso ko ay hinila na ako ni mama sa loob ng bahay kaya nagpatianod na lang ako sa kanya .

"Hi !" Bati nang sinasabi ni mama na bisita . And to my surprise ay mas lalong kumunot ang aking noo .

"What are you doing here ?" Halata ang pagtataka sa aking boses .

"To visit you ." Ani niya .

"Why ?" Tanong ko pa rin .

"Just visiting you Babe -."

"Hey ! Stop calling me that okay . Alam mong may girlfriend na ako ." Pagputol ko pa sa sasabihin niya . Kita ko naman ang pagka bigla sa reaksyon ng aking ina . Saka mabilis na tumalikod at tinungo ang direksyon ng kusina .

"I know . Hindi ba nagkita tayo sa favorite resto natin kung saan tayo madalas kumain before ?" Sagot niya ulit sa akin . Kasabay ng isang matamis na ngiti .

"Angel bakit ka nandito ?" Seryoso ko pa rin na tanong sa kanya .

"Mag meryenda muna kayo ." Alok naman ni mama na biglang lumabas galing sa kusina .

"Seriously Ma ? Gabi na . Kailangan ko ng magpahinga . May duty pa po ako bukas ." Tuloy-tuloy na sabi ko bago akmang tatalikuran na sila pero pinigilan ako ni mama .

"Mharoo stop ! May bisita ka can't you see ?!" Pigil ni mama sa akin .

"I know . And were done talking ma . " pagmamatigas ko pa rin .

"Hindi pa nga tayo nag uusap eh ." Singit naman ni Angel . Ano bang problema niya ?! Tsk ! Hinarap ko siyang muli bago nagsalita .

"Dahil wala naman tayong dapat pag usapan pa !" Sa pagkakataon na ito ay mas tinigasan ko pa ang boses ko , mas humigpit naman ang pagkakahawak ni mama sa braso ko kaya marahan akong napayuko bago humugot ng malalim na hininga .

Sa'yo Pa Rin ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon