Saloobin

5 0 0
                                    

Alam ko naman
Na mas mahal mo sya kaysa sa akin
Ngunit 'di pa din mapigilan
Pag gawa ng tula para sayo
Dahil alam na dito na lamang pwedeng isambit
Mga gustong sabihin para sayo
Kay hirap naman ang pakiramdam na ganto
Dami mo gustong sabihin ngunit limatado
Sa mga salita
Sa pagpaparamdam ng emosyon
Bakit nga ba hanggang ngayon mahal pa din
Kahit alam ko na may iba na
Paano nga ba maiibsan
Sakit dito sa aking dibdib
Kahit alam ko na hindi mo ito mababasa
Sana malaman mo
Pinilit ko naman
Masyado lang talaga siguro akong mahina

PUSO (TAGALOG POEMS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon