tila puso ay nahihirapan
paano nga ba ulit magmahal
ano nga ulit ang ideya
sa likod ng salitang pagmamahalpaano nga ulit ito maramdaman
paano nga ba ulit ito iparamdam
pangako hindi na sayo ipapadama
kundi sa isang tao na sa akin ay nagmamahalpaano nga ba hindi makakasakit
paano ito iintindihin
na ang pagmamahal ay talaga mapanakit
talagang masakit sa ulo isipinna ang mga nagmamahal ay matatapang
ang mga nagmamahal ay malakas
at tila hindi pa ako handa
dahil hanggang ngayon ako ay duwag
BINABASA MO ANG
PUSO (TAGALOG POEMS)
PoetryMga pakiramdam at damdamin na isinulat upang maibsan ang sakit at lungkot na nararamdaman.. Salita na tungkol sa pag-ibig at pagkabigo. At kahit masakit, sa lahat ng libro, ikaw, ang pinaka paborito ko