Lahat talaga ng sobra ay masama
Napakasakit, nakakapanghina
Sa sobrang sakit ay di na ako maiyak
Hindi makangiti ng tama
Hindi na alam kung ano pa ang tama
Kahit alam naman na hindi na ito tama
Na mali na tong nararamdaman
Pero anong magagawa
Kung ang hinahanap naman ay ikaw
Yakap mo
Hawak mo sa kamay ko
Amoy po
Boses mo
Presensya mo
Sobrang hirap pigilan
Pagmamahal na hanggang ngayon di pa pala nawala
Dahilan kung bakit ayaw pala magpapasok ng iba
Dahil ikaw pa din ang nandito noon pa man
Pinigilan ang sarili wag ka na kausapin
Pero alam sa sarili dun lang matatahimik
Ngunit ako ay nagkamaling muli
Dahil sa pagkakataong ito
Parang lalo lamang lumalim
Mas lalong sumakit
Dahil hindi na muli maitatama
Itong pangyayari na muli nanaman nagkamali

BINABASA MO ANG
PUSO (TAGALOG POEMS)
PuisiMga pakiramdam at damdamin na isinulat upang maibsan ang sakit at lungkot na nararamdaman.. Salita na tungkol sa pag-ibig at pagkabigo. At kahit masakit, sa lahat ng libro, ikaw, ang pinaka paborito ko