Chapter 14: Taking care of Seth

772 50 3
                                    

"A-ano? Te-teka! Seth! Umuulan na oh! Uwi na tayo." Sabi ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin ako sa kanya.

"Serina, hindi mo ba ako magawang mahalin?" Tanong niya.

"Seth, huwag ka mag drama muna dito. Umuulan na baka magkasakit ka pa. Mag aabala pa ang mommy mo." Sabi ko.

Hindi nalang siya umimik at nag drive nalang siya ng sasakyan.

Mahaba ang awkward silence dito sa sasakyan. As in sobra. Hindi kase ako makasagot sa tanong ni Seth eh! Bakit ba ganyan nanaman siya?!

At nandito na kami sa bahay. Silent treatment pa din. Haaaayyyyy!!!!!!!!

"Seth naman eh! Huwag mo kong i-silent treatment diyan!" Sabi ko.

Hindi siya umimik at naglaro ng temple run.

"Ah ganon ha? Hindi ka umimik? Okay. Hindi na kita uusapin at hindi ko sasagutin ang tanong mo! Hmph!" At papunta na sana ako sa labas, pero na block ako sa pader dahil kay Seth.

Shet. I'm trap!

Ang magandang bida niyo ay trap sa pader dahil kay Seth! Omg! Huwag naman po author! Bata pa ako!

Hello?! Excuse me author? Are you ignoring me too? Edi wow! Kayo na! Hmph!

"S-seth. Palabasin mo ko." Sabi ko na mahina.

"I won't let you. I wanna know if you love me or not, babe." Aba! At nag smirk pa!

Hindi naman ganito si Seth ah! Sobra natong kamanyakan na ito! Lumelevel up!

Chineck ko yung noo niya. Shet! Ang init niya! Kaya pala parang lumalala ang kamanyakan niya!

"Seth, bitawan mo na ako. Nasasaktan na ako." Sabi ko.

"No! You will leave me!" Sabi niya na parang bata.

"Hindi nga! Sige na, let me go, para maasikasuhan kita kase ang init mo." Sabi ko.

At binatawan na ako at papunta na ako sa labas ngunit hinawakan nanaman niya ang kamay ko.

"Ano nanaman Seth?" Tanong ko.

"I wanna go with you." Sabi niya at nag puppy eyes.

"Hindi pwede. Kailangan mong magpahinga. Humiga ka sa kama mo at matulog. Hindi kita iiwan. Nandiyan lang ako sa tabi mo palagi." Sabi ko.

"Promise?" Tanong niya.

"Promise." Sabi ko naman.

"Pinky swear?" Tanong naman niya.

"Pinky swear." At nag pinky swear kami.

Pumunta ako sa kitchen at nagluto ng lugaw at kumuha na ako kaagad ng gamot at tubig. Laking girl scout ako eh. ;)

Pumunta na kaagad ako sa kwarto ni Seth. Sinubuan ko ito ng lugaw.

"Say aah." Sabi ko.

"Aahh..." At kinain niya ang lugaw.

"Masarap?" Tanong ko.

"Oo! Sobra!" Sabi niya na parang bata at pumalakpak naman ang gago.

"Of course! Luto ko ito eh!" At pagkatapos niyang kumain, pinainom ko na si Seth pero ang tigas talaga ng ulo nito.

"Seth sige na. Inumin mo na to." Sabi ko.

"Ayaw ko! Hindi yan masarap! It's yucky!" Sabi niya.

"Seth, huwag matigas ang ulo." Sabi ko.

"Pero.."

"Walang pero, sige ka, basta hindi ka gumaling, wala kang kiss sa akin." Sabi ko.

"Iinumin ko na! Akin na nga yan!" Sabi niya.

At pinainom ko na ito ng gamot at uminom siya nang madali ng tubig.

"Sige na. Matulog ka na." Sabi ko.

"Tabian mo ako..." Sabi niya.

"Pero-"

"I can't sleep and you promise you'll stay with me by my side." Sabi niya.

"Sige na nga. Umisog ka." At humiga ako katabi tong lokong ito.

At nagulat ako dahil niyakap ako. Sasapakin ko sana siya pero nakatulog eh.

Tumingin ako sa kanyang mukha.

"Alam mo Seth, hindi ko kase masabi talaga ng buo eh pero ang totoo, mahal na mahal kita..." At hinalikan ko ang pisngi niya at natulog.

_______________________________
Author's note:
Hey guys! Miss me?

Hahaahahahahahahahahahaha! Ngayon lang kase ako nakabukas nang account na ito. Busy kase ako sa mystique_redrose account ko.
Huwag niyong kalimutan mag vote ha?
Grabe nakakaaliw ang mga comments niyo. Sobrang na over whelm talaga ako sa inyo. So, dedicated to all of you ang chapter na ito!
I'll try my best to update this story. Sana huwag kayong mag tampo dahil malapit na ang pasukan at magiging grade 9 na si author. Oh yes. Ang layo pa ng college. Ano ba naman may K-12 nakakabwisit.

Oh sige I'm logging out,
Cupid_princess16

It Started with a Bottle (Discontinued)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon