Gawsh! Ang weird naman ng fairytale na iyon. Pero maganda siya ha infairness.
Pumunta ako sa banyo para mag toothbrush alangan naman magtotoothbrush sa kwarto. That's so kadiri!
May pupuntahan lang ako. At yun lang po. Wag kayong chismosa. Ayaw ko sa mga katulad niyan.
Nagbihis ako para ready na ako to go kaso, nasaan na ba yung wallet ko?!
Wallet? Where na u?! Yohoo!
Ay tanga! Kumakausap ba ang wallet? A big NO!
Tanga lang peg?!
At sa wakas na hanap ko na talaga! Sakto! Pupunta nalang ako ng MOA.
Hala? Nakatulog pala si Seth? Ano ba yan! Yayaanin ko siya sana papunta sa MOA, wag nalang, nakatulog pala siya.
"Diyan ka lang, sasama ako." Sabi niya.
Akala ko nakatulog siya? Hanubeyen?!
After 123456789 achuchu years, dumating na kaagad kami sa MOA.
Umagad akong umatake sa ice cream parlor at umorder ng cookies and cream.
"Anong gusto mo?" Tanong ko kay Seth.
"Choco." Sani niya.
"Tipid mo naman magsalita. Parang naubusan ng load." Sabi ko.
"Anong gusto mong sasabihin ko? Chocolate ang gusto kong flavor dahil paborito ko iyon at para siyang color ng tae!" Sabi niya.
Parang natatawa at sabay nadidirian ang babae sa cash register. Ako din. Malamang sinabi niyang tae sa pagkainan.
"Nagtatanong lang ang tao. Chill lang, oh, ice cream para hindi na kumulo ang dugo mo." Sabi ko.
Hindi na siya umimik. Good boy. Siya pa ang nagyaya sumama tapos high blood ang peg? Jusmiyo!
Nung naging malamig ang atmosphere, bigla nalang uminit ng dahil dumating si Justin.
"Rina! Kumusta ka na?" Sabay niyang ngiti.
"Ah.... Ekey leng." Sabi ko.
"Are you sure? Bigla lang umiba yung boses mo?" Tanong ni Justin.
"Ha? Okay lang ako! Oh yeah! I'm so fine! I'm so so fine! Shining shimmering splendid!" Sabi ko habang natataranta.
"Ah... Okay... Sige, alis muna ako, kase parang sasabog na ang boyfriend mo." Sabay turo niya kay Seth na kinacareer niya talaga ang Mt. Mayon volcano.
"Huwag, diyan ka lang pare, ako nalang ang aalis. You may continue sa inyong landian session, aalis na ako." At biglang nag walk-out.
Dun lang ako nakaupo, tulala.
I mean haler?! Grabe naman niya, selos agad? Ito na ba ang sinasabi na sumobra na ang kagandahan ko?
Omg! Haba ng hair ko. Jusko! Kailangan ko puntahan tong mokong to. Grabe maka-walk out parang babae.
"Ah, Justin, excuse me ha, susundin ko si Seth." Sabi ko.
"Of course." Sabay ngiti niya.
Nalibot ko na ang MOA pero no sign of Seth.
Bwiset! Ang sakit ng paa ko. Nasaan na ba yung Seth na yan?!
Punta nalang ako sa lost child section baka tutulungan ako.
"Excuse me, nawawala yung anak ng friend ko. Tisoy siya. Parang foreigner. " sabi ko.
"Anong name ng bata po?" Tanong ng babae.
"Ah. Seth Klarkson." Sabi ko.
"Oh sige, i-announce ko nalang ma'am." Sabi ng babae.
Paging paging. Missing child name Seth Klarkson.
Hahahahaahhahahahaha! Wala lang. Trip ko lang magtanong sa Lost child section kase hindi ko na mahanap.
At sabi na nga, nandito na siya at mukhang nahiya.
"Ma'am, yan ba siya?" Tanong ng babae.
"Ay! Oo! Nakalimutan ko sabihin na hindi pala siya bata." Sabi ko.
At kinuha niya ang kamay ko.
"Aray! Dahan dahan naman sa paglalakad." Sabi ko.
At huminto siya sa paglalakad at nandito na kami sa labas.
"Ano ba ang ginawa ko sayo? Bakit mo ako ginanito? Ha? Sagutin mo ako!" Sabi niya.
"Hindi ka kase mahanap eh." Sabi ko.
"Ugh! Napaka manhid mo Serina! Hindi mo gets?!" Tanong niya.
"Hindi! Ano ba kase?!" Tanong ko.
"Nagseselos ako!" Sabi niya.
At biglang umulan.
______________________________________
Author's note:
Congrats Serina, lumelevel up na ang kagandahan mo. Bigyan ng jacket!At pag open ko sa account na ito, nag flood ang nottification na nahiya si bagyong Yolanda at Ruby.
Natawa at natuwa ako sa comments niyo.
So this chapter is dedicated to all readers.
Lab yu all. Muwah2
At huwag niyong kalimutan mag vote at comment ha?
xoxo,
Cupid_princess16
BINABASA MO ANG
It Started with a Bottle (Discontinued)
FanfictionIto si Serina Marie Chavez. Pumunta siya sa park kasama ang kanyang lokarek na best friend niya. Dinidare siya na itapon niya ang plastic bottled water at malalaman niya kung sino ang soul mate niya. Kung matapon niya nito kay Seth Klarkson, ang he...