Chapter 19: He's back

367 21 0
                                    

After ng party, of course, masaya akong umuwi dahil nagantihan ko yung bruhilda na iyon. Ha! Buti nga sa kanya!

Bigla nalang nag ring ang aking cellphone. May message yata.

Good morning!
From: Seth panget :p

Ay. Kay Seth pala to. Replyan nga.

Morning.
Send to: Seth panget :p

Ay. Morning lang? Walang good tapos my loves?
From: Seth panget :p

Wala. Bakit? May magagawa ka pa?
Send to: Seth panget :p

Wala... Suggest lang po. :)
From: Seth panget :p

Whatever. Kita nalang tayo mamaya sa school.
Send to: Seth panget :p

Wala bang i love you diyan? ;)
From: Seth panget :p

Wala. Swerte mo naman kung sasabihan kota ng ganun. :p
Send to: Seth panget :p

Ouch... Okay... :*( tampo mode.....
From: Seth panget :p

Sige na nga. I love you. O hayan na ha. Cge na. Bbye.
Send to: Seth panget :p

Hay salamat wala na nagreply. Dami kaseng alam nito.
Pero umaga na, maganda parin ang mood ko. Thanks to Seth, parang complete ang day ko ngayon. Hindi dahil sa text, dahil sa ginawa niya pag gabi.

Huwag kayong green minded, tinulungan niya akong pagbagsakin ang aking mortal na kaaway.

Kumain ako ng break fast ko at nagmamadali papunta ng school kaso tinutukso nanaman ako ng bestie ko. Tinukso ako dahil binasa niya ang text ni Seth sa akin.

"Wow! May nalalaman pang i love you?! Omg! Ikaw na talaga girl! Ikaw na! Ang haba talaga ng hair mo!" Sabi ni Jenny habang tinitignan niya ang text.

"Pwede bang tama na? Kanina ka pa diyan nanunukso." Sabi ko. Nandito parin kami sa sasakyan ng mommy ko, ang traffic kase eh.

"Ang sweet talaga ng boylet mo teh! Sana makikita ko rin ang ka destiny ko." Kinilig na sabi ni Jenny.

May sasabihin na sana ako kaso nandito na kami sa school. Bumaba na kami sa kotse at naglakad patungo sa loob.

Papunta na sana ako sa classroom namin kaso, may tumawag sa aking na hindi ko inaasahan.

That voice...
It can't be him...

"Hi... Liam."

__________________________
Author's note:
Hey! Miss me? Joke. Sorry kase ngayon ko lang na update. Bitin no? Dahil dito na magsisimula ang kadramahan! Dun dun dun dun!!!

Huwag niyong kalimutan mag vote at comment for an update. Huwag niyong kalimutan ha? That is the password for an update!

xoxo,
Cupid_princess16

It Started with a Bottle (Discontinued)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon