Beginning
Winonah
The moment I opened my eyes, I already decided that I want to live.
I want to have a house and lot. A brand new car. A title to my name. Wealth. Power.
Sobrang dami kong gustong makamit. Sobrang dami kong gustong gawin.
Poverty should never be romanticized.
Kung papipiliin ako ng buhay, hindi na sana ganito ang buhay ko ngayon. Kinailangan ko pang magtipid upang mabuhay rito sa siyudad. Hindi na sana ako nagtitiis na makapag-aral.
I could have everything I wanted.
Pero dahil walang choice ay kailangan kong tanggapin ang katotohanan na mahirap lang ako.
I closed my eyes once again to stop my tears from falling. Inilayo ko ang bibig sa cellphone upang hindi marinig ni Nanay ang buntong-hininga ko.
"Kasi kung wala ka nang pagkain diyan, puwede naman kaming magpadala, Anak," aniya sa kabilang linya.
Hinintay ko na kumalma muna ang sarili bago sumagot.
"Ayos lang po ako rito, Nay. Huwag na kayong magpadala. Kayo? May pera pa ba kayo diyan? Si Wilbert, ayos pa ba ang sapatos niya?"
"Butas na po, Ate!" rinig kong sigaw ng kapatid ko sa kabilang linya ngunit kaagad na sinapawan ni Nanay. "Huwag kang makinig sa kapatid mo. Ayos lang kami rito. Ang importante ay okay ka lang diyan."
Gusto kong magalit. Gusto kong may mapagbintangan pero hindi ko alam kung sino.
Sino bang sisihin ko na naging mahirap kami?
My mother was born poor. She's from the province. My father is also from the province. Doon sila nagkakilala. Simula pa noon ay mahirap na talaga ang buhay namin. Ngunit ako lang ang may malaking pangarap.
Ako lang ang nagbakasakaling magbago ang kapalaran.
"Ayos lang ako rito, Nay. Nakakapagod po ang Med School pero ayos naman po ako. May pera din ako dahil sa mga raket-raket. Kaya 'wag na kayong mag-alala," I lied.
Wala na akong pera. Hindi ko rin kayang magtrabaho dahil masyado na akong busy sa pagdodoktor. Tinitipid ko na lang ang allowance na ipinadala nila sa akin noong nakaraang buwan.
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin.
Malapit na akong sumuko.
She sighed on the other line. "Mag-ingat ka diyan palagi. Tumawag ka kung mayroon kang kailangan. Okay?"
"Opo."
"Sige at maglalaba pa ako."
Tinapos na niya ang tawag ngunit nanatili pa rin ang telepono sa tainga ko. A tear fell from my right eye. Mahigpit ang hawak ko sa cellphone at nanginginig na ito.
Kinailangan ko pang huminga nang malalim para kumalma.
Nasa huling taon na ako sa Med School. Ilang taon pa ang titiisin ko? Lima? Pito? Kaya ko pa ba?
During the previous years, I was fine with my part time jobs. Taga-hugas ng pinggan. Assistant sa parlor, sa karenderia, sa kahit saan. Taga-gawa ng essay. Ngunit hindi na talaga kaya ng oras ko kaya hininto ko muna nitong mga nakaraang buwan.
But who am I kidding? I don't have the luxury to be a full-time student.
Wala na rin naman akong choice dahil kailangan kong mag-aral upang ma-maintain ang scholarship ko. Ito na lang ang iniingatan ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin kung sakaling matanggal pa ako sa program.
BINABASA MO ANG
When the Cold Fire Burns
RomanceIt wasn't just a scholarship. It was Winonah's hope to have a better future. Med school is expensive and her family couldn't afford it. Pero hindi siya susuko hangga't hindi niya nakakamit ang pangarap. She was doing great though. However, when she...
