Chapter 12

561 20 0
                                        

Chapter 12

Winonah

Isinara ko ang aklat na binabasa dahil hindi rin naman ako makapag-concentrate. Wala naman talaga akong pakialam kung makipag-date si Jimson sa kababata niya. I mean, it is his life!

Pero hindi ako mapakali. Natatakot ako na baka makahanap siya ng bagong kaibigan. Ayoko nun. Makasarili ba kung sasabihin ko na ako lang ang dapat na kaibigan niya maliban sa kanyang mga pinsan?

I laughed. What is wrong with me?

"Ayos ka lang?" ani Karen.

"Hindi ko alam."

Natawa siya. "Normal lang na response 'yan dahil ako ay hindi ko rin alam kung okay pa ba ako. Gusto kong mag-quit pero ang tanga ko naman. Huling year na natin 'to tapos ngayon pa ako susuko?"

Ngumiti ako.

"Nga pala, ba't ka ba palaging nawawala kapag tanghali?" Natawa na lang ako bigla kaya nagtaas siya ng kilay. "Huy, anong ginagawa mo? Talagang hindi na kita nakikita kapag lunch!"

"Naghahanap ako ng trabaho," I lied. Nakakahiya na sabihin ko sa kanya na magkasama kami ni Jimson.

Kilala kami sa buong section na magkaribal. Kami ang palaging magkatunggali sa klase kaya magugulat talaga sila. At ayoko rin... Kasi hindi ako kumportable na malaman ng iba kasi baka ano pa ang isipin nila.

"Maghahanap ka pa rin ba ng trabaho ngayon?" she asked.

"Oo, eh." This time, totoo na. "Wala pa akong nahahanap na trabaho."

"Ayos pa ba ang pera mo, Winonah? Alam mo naman na pwede mo akong tawagan. May extra pa ako."

"Salamat pero 'wag na. Ayos lang ako."

Nang tanghali, kaagad akong lumabas sa university hospital upang maghanap ng trabaho. Ilang araw ko itong hindi nagawa kasi palagi akong hinihila ni Jimson Serese sa emergency stairs. Pero ngayon, maghahanap na talaga ako.

Mga clinic, sa munisipyo, sa mga malapit na center. Napuntahan ko na, kaso hindi talaga pwede, eh.

"Kailangan mong pumasok ng apat na oras, hija."

"Working hours po ba dapat na mag-duty?" tanong ko nang may nag-interview.

"Oo, eh."

"Sa gabi lang po ako available, ma'am. Wala po bang posisyon na pwede sa oras na iyon?"

Pagod siyang tumingin sa akin. "Wala."

Ganoon din sa ibang center. Sinubukan ko na rin sa ibang mga lugar kaso wala pa rin. Hindi ko na pwedeng i-adjust ang schedule ng pasok ko sa schedule ng trabaho. Kailangan ko pang mag-aral. Kung sakali, hindi na ako makakapagpahinga.

Ala una nang bumalik ako sa ospital. Wala akong nahanap na trabaho pero susubukan ko ulit sa mga malalayong lugar.

Hindi ako pwedeng sumuko. Hindi pwede kasi wala akong option. Wala akong choice kundi maghanap ng pera.

"Winonah!" tawag ni Karen. "Hinahanap ka ni Jimson!"

Nagkunot-noo ako. "Huh?"

"Nagtanong siya sa 'kin kung nasaan ka raw. Anong meron sa inyong dalawa? Ba't parang ang close niyo na."

"May itatanong lang siguro tungkol sa klase."

"Sus, eh parang ang close niyo talaga! 'Pag hindi ka aamin, hindi na talaga kita papansinin."

Tumingin ako sa kanya. "Bahala ka."

Kinulit niya pa ako nang kinulit. Mabuti na lang at natakasan ko si Karen at nagtungo na sa locker area upang magbihis ng malinis na scrub suit. Sakto naman na nandoon si Jimson Serese, nakasandal sa pader habang nakakrus ang braso.

When the Cold Fire BurnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon