Chapter 08
Winonah
Hindi ako makapag-concentrate. Oo, kinulang ako sa tulog dahil sa pagdalaw ni Jimson Serese kagabi, pero kinaumagahan ay hindi mawala-wala ang mga sinabi niya sa isipan ko.
Bakit niya pa kailangan na pumunta sa akin? Tsaka ang hirap namang paniwalaan na gusto niyang marinig ang opinyon ko. Ako lang ba ang kaibigan niya?
"Karen, marami bang kaibigan si Jimson Serese?" tanong ko habang nasa isang kainan kami.
Kumunot ang noo niya. "Ewan ko. Ba't mo natanong?"
"Wala lang. Ngayon ko lang kasi naisip na palagi ko siyang nakikita na mag-isa."
He might talk to everyone but I don't really see him with his main friends. Baka hindi taga rito. Balita ko ay marami siyang mga pinsan, baka palagi silang magkasama.
"Curious ka na ba?" tukso ni Karen. "Crush mo na 'no?"
"Hindi kaya. Nagtatanong lang."
"Weh? Eh, mukhang close na close na nga kayong dalawa!"
Umirap ako. "Hindi kaya."
"Magkaibigan na ba kayo? Nililigawan ka ba?"
"Magkaibigan kami, oo, pero hindi niya ako nililigawan."
Humarap si Karen sa akin, bahagyang nagulat. "Kayo? Magkaibigan?"
Umiwas lang ako ng tingin at itinuon ang pansin sa pagkain.
"Kailan? Paano? Bakit?"
"Parang hindi ka naman makapaniwala niyan," sabi ko.
"Aba syempre! Palagi mo kayang sinasabi na masyadong papansin si Jimson kahit wala naman siyang ginagawa sa 'yo."
"Papansin naman kasi siya."
Hindi ko alam kung bakit hindi nila nakikita. O baka ako lang talaga kasi palagi ko siyang hinaharangan. Para niya na rin kasi akong sinasampal na hindi ako magaling.
I always treat him like a rival, which we were. Ngunit unti-unti nang nag-iba ito lalo na at nagkakausap na kami nitong mga nakaraang araw.
"Naku, ikaw lang ang nag-iisap niyan. Kayo kasi palagi ang nag-aaway kapag talino na ang pinag-uusapan. Kalma, Winonah."
"Pero napapansin mo ba na may kaibigan siya?" ulit ko.
She paused. "Hmm, 'di ko alam. Kinakausap niya naman lahat. Mabait kasi 'yun kahit tahimik."
I did not respond. Pilit kong inisip si Jimson at ang mga kaibigan niya.
"Kung tahimik siya, mas tahimik daw ang kapatid nun," dagdag ni Karen.
Imposible naman na wala pa siyang ibang kaibigan. Imposible rin na ako ang naisip niyang tawagan kagabi. Hindi ko alam kung dapat pa bang itanong sa isang kaibigan kung makikipag-date siya o hindi.
Paano pala kung sinabi ko na hindi puwede? Makikipag-date ba siya?
Hapon nang maaga akong umuwi kasi wala naman na akong rotations. Pinili ko rin munang magpahinga kasi na-o-overwhelm na ako sa rami ng inaaral.
Kaya humiga ako sa kama at tumingin sa kisame. Inisip ko si Nanay, ang bahay sa probinsiya, ang pagme-med school ko, si Jimson. Sunod-sunod ko itong inisip hanggang sa nakatulog ako.
Alas otso nang magising ako dahil sa gutom. Nagluto ako ng instant na pagkain at pumunta na sa maliit kong mesa upang magbasa kahit kaunti nang tumawag si Jimson Serese.
I stared at the phone, contemplating to answer it or not. Ngunit sa ikaapat na ring ay kinuha ko na ito.
"O?" sagot ko habang puno pa ang bibig.
BINABASA MO ANG
When the Cold Fire Burns
عاطفيةIt wasn't just a scholarship. It was Winonah's hope to have a better future. Med school is expensive and her family couldn't afford it. Pero hindi siya susuko hangga't hindi niya nakakamit ang pangarap. She was doing great though. However, when she...
