Chapter 04
Winonah
Pagod ako nang dumating sa boarding house. Galing ako sa ospital at hindi ko na maramdaman ang mga binti ko. Sa ngayon, gusto ko nang humiga para magpahinga.
Ngunit nahinto ako nang may kahon sa paanan ng pinto ng kuwarto ko. Nakita ko na nakasulat ang apilyedo ko roon. Kaya naglakad ako papunta sa kuwarto ni Karen at kinatok ang kanyang pinto.
"O? Ngayon ka lang nakauwi?" bungad niya nang buksan ako.
"Oo, eh. Kapagod."
"Kumain ka na?"
Tumango ako. "Tapos na. Huminto ako sa may 7-Eleven. Nga pala, ba't may kahon sa paanan ko?"
Dumungaw siya upang tingnan iyon tapos tumingin sa 'kin. "Ewan. Nasa labas, eh. Pagdating ko, nakita ko ang pangalan mo kaya naman hinatid ko na lang."
Nagkunot-noo ako at tumingin sa kahon. Wala naman kasi akong ineexpect na padala. Mukhang hindi rin galing sa probinsiya.
"Sure ka ba na sa 'kin 'yan?" tanong ko.
"Oo naman. Ikaw lang ang Fierro dito 'no."
Pagkatapos mag-usap ay pinasok ko ang kahon sa loob ng kuwarto. Hinubad ko ang sapatos ko at hindi na muna nagbihis dahil sabik na buksan kung ano ito.
After opening it with a scissor, I gasped when I saw what's inside!
Mga libro patungkol sa subject ko ngayong sem at sa susunod! May mga pens, highlighters, sticky notes, at kung anu-ano pa na stationeries. May iilang notebook din.
"Ano 'to? Sa 'kin ba talaga 'to?" bulong ko.
Tumingin ulit ako sa pangalan na nasa labas ng kahon. Fierro. Ni wala man lang pangalan kung saan ito galing.
I should be happy. Nagpapa-photocopy lang ako buong sem kasi sobrang mahal ng mga libro namin. Kaso hindi ko rin alam kung dapat ba akong masiyahan lalo na at hindi ko alam kung sino ang nagpadala nito.
Umupo ako sa sahig at tiningnan ulit ang mga laman nito.
"Sino..." I trailed off.
Tumingin ako nang maigi sa sulat-kamay dahil napaka-pamilyar nito. After a minute, kinabahan na lang ako bigla nang may naisip!
Imposible. Hindi puwede.
Tinitigan ko ang apilyedo na nakasulat sa kahon. Fierro. Isa lang naman ang tumatawag sa 'kin na Fierro. Gago!
Mas lalo lang akong nagalit nang makilala ang sulat-kamay. Galing ito kay Jimson Serese. Hinala lang naman pero malakas talaga ang kutob ko.
Kinuha ko ang cellphone upang ma-contact siya. Hindi kami mutual pero magkasama kami sa iilang mga group chat kaya hindi na ako nahirapan pang makita ang account niya.
I did not even hesitate to type.
Winonah
Hello. Magandang gabi. Ikaw ba ang nagpadala ng mga libro sa boarding house ko?
Kinagat ko ang kuko habang nakatitig sa mensahe, lalo na at nag-deliver na ito. Pinipigilan ko ang galit na namumuo.
When I saw his message, I almost threw my phone.
Jimson
Oo ako nga.
Tumayo ako at inilagay ang cellphone sa kama at naglakad-lakad sa buong kuwarto. Huminga ako nang malalim bago ito kinuha ulit at nagtipa ng mensahe.
BINABASA MO ANG
When the Cold Fire Burns
RomanceIt wasn't just a scholarship. It was Winonah's hope to have a better future. Med school is expensive and her family couldn't afford it. Pero hindi siya susuko hangga't hindi niya nakakamit ang pangarap. She was doing great though. However, when she...
