Chapter 24
Winonah
Kahit ako mismo ang nakarinig ng announcement ni Jimson Serese na manliligaw siya sa 'kin, hindi pa rin ako makapaniwala.
Pagdating sa kwarto, isinara ko ang pinto at sumandal muna roon ng ilang sandali habang pilit na nagsi-sink in sa akin ang lahat ng mga nangyari.
Una, umiyak ako nang umiyak sa telepono. Tapos nagkita kami ni Jimson at nagkape. Bigla siyang umamin sa akin at umalis. Tapos dumating si Nanay upang kumustahin ako. Tapos si Jimson. Tapos... tapos...
Huminga ako nang malalim.
Inhale
Exhale
Ipinikit ko ang mga mata.
Inhale
Exhale
Kumpara kagabi, mas nakahinga na ako nang maluwag. Inisip ko si Nanay. Inisip ko si Jimson. Inisip ko ang sarili ko.
I have been so hard on myself these past few years. Instead of enjoying my journey, mas nape-pressure lamang ako dahil dito. Tanging ang scholarship ang inisip ko. Nag-aaral ako para doon at hindi para sa sarili.
Nakalimutan ko nang mag-enjoy.
Hindi ko alam kung kailan ang huli kong bakasiyon—iyong ako mismo ang nagdesisyon.
Sobra kong pinapagod ang sarili at hindi man lang naisipang magpahinga nang sandali.
Kaya imbis na igugol ang mga natitirang oras upang mag-aral, nilinis ko ang buong mesa. Naligo na rin ako at naglinis ng buong kuwarto.
Hindi ko muna inisip ang mga dapat kong aralin. Kailangan ko na munang magpahinga.
* * *
"Wow," ani Karen nang nagkita kami sa labas ng boarding house. Hinintay niya ako upang sabay na sumakay sa jeep papuntang ospital.
"Bakit?"
Tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo. Umikot pa si Karen upang matingnan ang buo kong katawan. "Ikaw ba talaga 'yan, Winonah?"
Kumunot ang noo ko. "Ano na naman bang pakulo 'yan?"
Hindi ko na siya hinintay at inunahan siya sa paglalakad. Sumunod naman siya.
"Ang blooming mo, ah! Anong nangyari noong school break? Hindi ka lumabas sa kuwarto mo, eh, ayaw rin naman kitang istorbohin."
Umabot ng isang araw ang paglilinis ko. Naglaba rin ako at nagpalit ng bed sheet na binili ko noon pa.
Nag-exercise din ako at nag-jogging. Pumapasok pa rin naman ako sa restaurant bilang tagahugas ng pinggan, pero hindi na muna ako nag-aral nang masyado. Tanging binabasa ko lang ang mga aklat.
Pinanindigan ko ang desisyon na alagaan muna ang sarili.
"Binobola mo na naman ako, Karen," sabi ko.
"Naku, hindi kita binobola! May nag-iba talaga sa 'yo, eh. Naging blooming ka talaga, Winonah."
Pabiro ko lamang siyang inirapan. Sabay kaming pumasok sa jeep.
"May love life ka na 'no?"
Sumimangot ako. "Wala."
"Weh? Eh, bakit nandito noong nakaraan si Jimson Serese? Tapos sumakay pa kayo ng Nanay mo sa sasakyan niya!"
"Friends lang kami."
Tumawa siya. "Naku, Winonah, hindi mo ako madadaan sa friends na pinagsasasabi mo."
"Bahala ka."
BINABASA MO ANG
When the Cold Fire Burns
RomanceIt wasn't just a scholarship. It was Winonah's hope to have a better future. Med school is expensive and her family couldn't afford it. Pero hindi siya susuko hangga't hindi niya nakakamit ang pangarap. She was doing great though. However, when she...
