Chapter 14

475 16 0
                                    

Chapter 14

Winonah

Pagkahiga ko nang gabing iyon, hindi mapalagay ang puso ko. Sobrang lakas ng pintig nito na akala ko ay aatakehin ako sa puso. Paulit-ulit kong iniisip ang mga sinabi ni Jimson. Paulit-ulit ko ring iniisip kung tama ba ang sagot ko.

Ano kaya ang iisipin niya?

Dahil doon ay hindi ako nakatulog nang maayos. Tanghali na nang magising ako. Sakto lang din naman kasi wala akong pasok sa umaga. I also took the chance to call my family.

"Anak, napatawag ka?"

Hindi ko na kaagad napigilan ang ngiti ko. "Hello po, Nay. Gusto ko lang mangumusta."

"Wala ka bang pasok ngayon?"

"Wala po. Mamaya pa pong hapon."

"Oo nga pala, Winonah. Natanggap namin kagabi ang pinadala mong sapatos para kay Wilbert. Natanggap na rin namin ang pera. Pero anak," ani Nanay, "alam mo naman na hindi namin 'to kailangan."

"Nay..."

"Mas kailangan mo 'to diyan sa siyudad. 'Di ba ang mahal ng mga bilihin diyan?"

"Ayos lang po ako rito," sagot ko. "Tsaka para talaga 'yan sa inyo."

"Eh, paano ka?"

"Huwag kayong mag-alala kasi may pera pa ako rito. Intended talaga 'yan sa inyo kasi galing 'yan sa sahod ko."

"Sahod? May trabaho ka na?"

"Opo," I said. "Hindi naman masyadong malaki ang sahod pero maayos na rin."

Bumuntong-hininga siya sa kabilang linya. "Baka naman masyado mo nang pinapagod ang sarili mo, ha."

"Hindi naman po. Maayos ang trabaho ko rito. Hindi rin sagabal."

"Kumusta ka naman diyan? Malapit na ang graduation, 'di ba?"

Napangiti ako. "Opo. Konting tiis na lang, Nay."

"Winonah," aniya sa kabilang linya. "Alam ko na masipag at matapang ka. Pero, anak, kung nahihirapan ka na, sabihan mo lang ako, okay?"

Naupo ako sa kama. Tuluyang bumibigat ang damdamin ko. This is the moment where I wanted to cry and tell her everything. Na nahihirapan na ako. Na nanganganib ang scholarship ko. Pero ayoko... Kaya ko pa... Kakayinin ko pa...

"Hindi po, Nay. Ayos lang talaga ako rito."

She paused. "Sure?"

Pumikit ako nang mariin. "Opo. Sure na sure."

Alam ko na alam niya na nagsisinungaling lang ako. Hindi lang ngayon kundi sa mga nakaraang tawag namin.

Muntikan na akong umiyak. Muntikan ko na sanang binawi ang sinabi ko pero kaagad rin akong nag-change topic upang maiwasan iyon.

"In fact, may bago po akong kaibigan dito," sabi ko.

"Talaga? Hindi ba natakot sa 'yo?"

Mahina akong natawa. "Sa simula po. Pero naging matalik na kaibigan ko na po siya, Nay. And he's really kind."

"He? Lalaki?"

"Opo."

"Naku! Baka may motibo 'yan sa 'yo, Winonah."

Natawa ako. "Hindi po! Mali po ang iniisip ninyo. Magkaibigan lang talaga kami."

"Wala namang problema kung ganyan. Mag-ingat ka lang. Delikado sa siyudad. Masyadong malaki at magulo. Hindi ka puwedeng magtiwala na lang nang basta-basta."

When the Cold Fire BurnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon