Chapter 16
Winonah
Bakit ba kasi ako tumawa?
Bakit ba kasi niya inisip na may period ako?
Napatawa lang ako ni Serese, nawala na ang galit ko sa kanya. Ang sarap umiyak sa inis. Ganito kalakas ang epekto niya.
"Sorry kung naging masungit ako sa 'yo," sabi ko.
Jimson Serese stood properly. Mas tumangkad tuloy siya. Palibhasa, sa height kong ito ay halos matangkad na lahat para sa akin.
Napalunok ako dahil hindi ko nakayanan ang lalim ng titig niya. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko.
"Please do not do that again," aniya. "You... You confuse me a lot."
Hindi ako nagsalita. Napayukom ako ng mga kamao dahil sa kaba. Sobrang seryoso kasi ni Jimson.
"You ignore me without a reason. As if I did something to you. May ginawa ba ako?" sabay lakad niya ng isang hakbang papalapit sa 'kin.
Umiling ako.
"What did I do?" at isa pang hakbang papalapit.
"Wala..." Napalunok ako. "Wala kang ginawa."
Jimson Serese bent down so his eyes would level mine. "Then why would you ignore me like that?"
Para akong nahahalina sa paraan ng pagtitig niya. "Kasi... Kasi hindi ko alam."
Gusto ko tuloy mag-sumbong na dahil ito kay Janice. Na baka 'pag sinabi ko iyon ay mag-aaway silang dalawa. At babalik na siya sa akin. Pero hindi ko rin naman iyon puwedeng gawin.
Tumayo na siya nang maayos. "Next time, don't do it again. You make think, Winonah. I hate thinking."
"Oo na, oo na."
"You should tell me everything. You can talk to me."
"Alam ko," masungit kong tugon.
Ngumiti siya. "Good. Masungit ka na ulit."
"Compliment ba 'yan?"
"Yes. No. It depends. But I'm glad you are back, Fierro. I am glad we are back."
Napangiti ako. "Ang corny mo."
He chuckled. "I am genuinely happy."
Nanatili ang ngiti sa mukha ko habang nakatitig sa kanya. He was also smiling.
Sa mga oras na iyon, kumalma ang pintig ng puso ko pero naririnig ko pa rin ito. I am also genuinely happy. Ngunit naalala ko si Janice. Naalala ko ang mga sinabi niya sa 'kin.
Hindi ako ang kailangan niya. Sagabal lang ako sa buhay niya.
I can't ignore him even if I try again. Kaya tatanggapin ko na lang itong pagkakaibigan namin. Hanggang dito na lang muna.
Pinalitan ko ng simangot ang ngiti ko. "Huwag kang istorbo. Baka hinahanap na ako nila."
"Okay, Dok."
Inirapan ko siya at naglakad na palayo. Sa pagtalikod ko ay sumilay ang isang napakatamis na ngiti na ayaw kong ipakita sa kanya.
* * *
Alas diyes ng gabi nang matapos kami ni Karen sa ospital. Sobrang nangangalay ang mga binti ko kaya nang makarating sa locker area ay umupo na muna ako sa bench.
"Pagdating ko sa boarding house, didiretso ako sa kama," ani Karen.
"Ako rin. Mabuti na lang talaga at wala akong trabaho ngayon."
BINABASA MO ANG
When the Cold Fire Burns
RomansaIt wasn't just a scholarship. It was Winonah's hope to have a better future. Med school is expensive and her family couldn't afford it. Pero hindi siya susuko hangga't hindi niya nakakamit ang pangarap. She was doing great though. However, when she...
