Naabutan ni Arabella si Cleo sa bakuran ng ancestral home ng mga Hixeirdoux.
Isa ang bahay mga ito sa pinakamalaking bahay sa lugar na iyon. But it wasn't a mansion or a villa.
It was just a typical Spanish style house that was built during eighteen hundreds.
Bilib nga siya sa pamilya ng kababata dahil kahit ilang dekada nang nakatayo ang bahay ng mga ito ay napananatili pa rin ang estilo niyon hanggang sa kasalukuyang panahon.
They made some renovations here and there but just same, it didn't affect the original structure of the whole house.
All in all, ang tangi lang namang pinalitan o nadagdag ay ang medyo may kataasang gate ng mga ito na gawa sa bakal.
Pati na rin ang medyo may kataasan ding sementadong bakuran.
Nakabukas ang gate ng mga ito kaya agad siyang nakita ang kababata na hubad ang pang-itaas habang ang atensiyon ay naroroon lang sa sasakyang nililinisan nito.
He seemed oblivious of his surrounding. No wonder a lot of women were ogling at his exposed flesh of sun-kissed skin.
Kunsabagay, kung karapatan lang naman ang pag-uusapan, may karapatan talaga si Cleo na i-display ang katawan nito.
There were no excess fats whatsoever and those to-die-for abs were definitely an every of men.
Gusto na lang niyang mapapalatak. Alam ba ng magaling na lalaki kung ilang babae ang nagkakasala ang mga mata nang umagang iyon dahil sa libreng pag display nito ng katawan?
Tumikhim siya nang malakas at napalatak. Tila noon lang napansin ni Cleo ang presensiya niya. "Bella, nandiyan ka pala." anito nang makita siya.
"Kanina pa." sagot niya. Hinablot niya ang puting T-shirt nito na nakapatong sa garden chair hindi kalayuan dito. Pagkatapos ay pinatay niya ang gripo at dumiretso rito. "Kanina pa rin pinagpipiyestahan ang iyong katawan , iho." Bigla na lang niyang isinaklob sa ulo nito ang T-shirt at tila nanay siya na ang nagsuot niyon dito. "Next time try to be mindful of your surrounding. Nagiging sentro ka ng atensiyon ng mga tao sa paligid mo."
A certain glint crossed in his eyes even before his lips curved into smile. "And is that bad?" he asked.
"Yes." she hissed. Then she tugged his shirt down. Ewan ba niya kung bakit tila naiirita siya sa isiping pinagpipiyestahan ng ibang babae ang katawan nito. "Ang aga mo naman yatang maglinis ng sasakyan mo. Kumain ka na ba ng almusal?"
Napatitig lang ito sa mukha niya. He looked if he wanted to tell her something. But it seemed that he change his mind then sighed.
"Wala akong ganang kumain." he said. Nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi nito. Magdamag din niyang pinag-isipan ang kakaibang ikinikilos nito pero syempre, alam niyang ito ang higit na apektado sa pinagdadaraanan nito.
Hindi tuloy niya malaman kung maaawa o maaasar siya rito nang tuluyan.
Halos hindi nga niya mabilang sa mga daliri niya ang naging girlfriend nito. Pero ngayon lang niya nakitang nagkaganito ang kababata matapos makipag-break sa isang babae.
Pero kahit naiinis siya hindi naman niya magawang mainis dito nang tuluyan.
Siguro kasi isinasalang-alang din niya ang nararamdaman nito sa kasalukuyan.
Pero ang totoo gustong-gusto na niyang iuntog sa ulo nito sa wind shield ng sasakyan nito. Baka sakaling matauhan ito sa kabaliwan nito.
Hindi pa rin kasi mawala sa isipan niya na ang tanging dahilan kung bakit tila umaastang wala sa sarili itong nagpapakaengot na kababata niya ay isang babae sa palagay niya ay hindi naman karapat-dapat.
YOU ARE READING
The Fated Man Of Her Dreams (On-Going)
RomanceSerenity Arabella Fabregas and Rhyden Chleo Hixeirdoux love story ___ Started: December 12, 2020 End Date: