"Dwayne, I have a question for you." ani niya sa kababata na kasalukuyang abala sa pagbubungkal ng lupa na tila ba may tinitingnanang kung ano roon.
Naroroon sila sa farm ng mga ito. Malapit na naman ang anihan at kailangang magpalit na ng pananim na naaayon sa panahon.
Wala siyang masayadong alam sa farming kahit na noong mga bata pa sila ay paminsan-minsan siyang nadadalaw sa lupaing iyon ng mga Hixeirdoux. Not that she was not interested. Siguro ay iba ang nakahiligan niya.
Natutuwa siyang nakikita ang mga nagtatanim at nagsasaka pero iyon lang iyon.
"Bella?" kunot-noong nakatingin ito sa kanya. "Are you okay? I told you nga doon ka lang sa kubo at mainit dito."
She just looked at him and couldn't help but notice how gentle and caring he was to her.
Ipinilig niya ang ulo. Hindi pwedeng magulo ang daloy ng pag-iisip niya dahil lang sa sinabi ng kanyang Kuya Dark.
"Huh?" lutang na tanong niya sa binata. "Anong sinabi mo?" dagdag niya.
Agad na napuna niya bago pa gumuhit ang nakalolokong ngiti sa mga labi nito.
"Don't tell me you're falling for my charms already, Bella." anito.
Umangat ang sulok ng labi niya. "In your dreams."
Tumawa lang ito. "Well, ano nga iyong itatanong mo sa akin bago ka natulala kanina sa kaguwapuhan ko?" Hindi rin nawawala ang pilyong ngiti nito.
She couldn't help but be amused to it. Nagpakawala siya ng buntong-hininga.
Parang bigla ay gusto niyang mag dalawang-isip na itanong dito sa sinabi ng kanyang kapatid.
There was a possibility that he would laugh his ass off in front of her.
Wala namang mawawala sa kanya kung sakaling pagtatawanan siya nito. Ang mahalaga ay na itanong niya sa kababata niya.
Nagpakawala siya ng malalim ng buntong-hininga. Inihanda niya ang sarili sa magiging reaksiyon nito kung saka-sakali.
"Gusto mo raw ako sabi ni Kuya Dark." mabilis na sabi niya sa binata.
Wala siyang nakitang reaksiyon mula rito sa sinabi niyang iyon.
Hindi pa yata siya nito narinig. Ngunit bahala na ito kung balak ulitin iyon at kung sakali ay ipahiya siya.
Hindi niya alam kung ilang saglit ang lumipas pero nanatili lang itong nakatingin sa kanya.
There was something in his eyes while he was looking at her.
Could it be that Kuya Dark was right?
Sa isiping iyon ay hindi maiwasang magsimulang bumilis ang tibok ng kanyang puso.
Hindi niya maunawaan ngunit tila may kung anong nagising sa kaibuturan ng kanyang pagkatao.
Makalipas ang ilang saglit ay narinig niya ang mahinang pagpakawala ng buntong-hininga ng binata.
"Paano kung sabihin kung totoo nga iyon?" Tanong nito sa kanya. Tumitig pa ito nang diretso sa mga mata niya.
Shocked was an understatement when she heard what Dwayne said.
Alam niya kahit hindi niya nakikita ang sarili sa mga sandaling iyon, kitang-kita sa kanyang mukha ang pagkabigla.
He grinned widely and pinched her chin.
"I was just kidding, Bella." Tumawa pa ito. "Your reaction was epic. I should've caught that on camera."
Napatitig na lang siya sa mukha ng binata. Tila nagrambol-rambol ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Sinabi nga ba niya at pinagti-trip-an lang siya ng hudas na ito.
Hindi niya napigilan ang mapasimangot nang husto sa sobrang inis. Akala talaga niya ay totoo na pero bakit tila may nakapa siyang panghihinayang nang malamang binibiro lang pala siya ni Dwayne?
Umaasa nga siyang totoong may gusto ito sa kanya?
She just sighed. Kahit gusto niyang sumabata nito ay pinigilan na lang niya ang sarili lalo ay tila problemado ang binata.
"Pagbuhulin ko kayong dalawa ni Kuya Dark." Inis na sabi niya.
Muli ay tumawa lang ito sa kanya. Pagkatapos ay bumalik na ito sa trabaho. Sanay na rin naman siya na pagkatapos siyang pag-trip-an nito ay bigla na lang itong seseryoso.
She sighed again.
Paano sumagi sa isip niya na possibleng magustuhan siya ni Dwayne nang higit pa sa pag kakaibigan nilang dalawa?
Masayado na siyang sanay sa sitwasyon nilang dalawa. Ipinilig niya ang ulo. Maybe she should just her thoughts to other important things.
_____
Its_AudreyBelle11 | AG💋
YOU ARE READING
The Fated Man Of Her Dreams (On-Going)
Roman d'amourSerenity Arabella Fabregas and Rhyden Chleo Hixeirdoux love story ___ Started: December 12, 2020 End Date: