Chapter 12

4 0 0
                                    

Biglang pumasok sa isip niya ang pinsang nito si Rayver. Agad naman siyang napangiti nang maalala ang lalaki.

"Kamusta na ang pinsan mong si Rayver?" she ask.

Agad itong nag-angat ng mukha. Nakakunot ang noo nito.

"Why are you asking about Rayver all of a sudden?" seryosong tanong nito sa kanya.

"Huwag mo akong pagtatawanan sa sasabihin ko sayo kung hindi sasapakin talaga kita." aniya.

"Kailan naman kita pinagtawanan?" Bahagyang umangat ang kilay nito.

"Araw-araw mo nga ako pinagtawanan kita hindi nakakataw yung mga sinasabi ko." sagot niya.

Napabuntong-hininga ito. "Okay. I won't laugh at you, Kendra."

"I think na hanap ko na siya."

Nanatili lang itong nakatingin sa kanya. Hind niya mawari kung bakit tila mayroon siyang nasabing hindi maganda dahil seryonsong-seryoso talaga ang mukha nito.

"So, the guy in your dreams is my cousin. After all these years, you found the guy you've been looking for."

Hindi dapat masaya ang atmosphere nila?

Ngunit bakit ngayong natagpuan na niya ang lalaking matagal na niyang hinihintay pero nakikita niya si Chleo na hindi masaya.

___

"KENDRA, susunduin ka ba ng boylet mo ngayon?" tanong ni Annika sa kanya.

Simula kasi nang araw na magkausap sila ni Chleo sa farm ay hind na uli sila nagkausap pa. Wala siyang natanggap ng tawag o text mula rito.

Samantalang dati kahit walang kwentang message ay pinapatulan nitong ipadala sa kanya pero nitong mga nakalipas na araw, ni hi or ho, wala siyang natanggap mula rito sa binata.

"Busy kasi siya ngayon kaya hindi niya ako susunduin." Sagot lang niya.

Habang naglalakad sila sa hallway ay hindi nakaligtas sa kanya ang mga tingin nito.

"Stop staring at me, Annika. May gusto ka bang sabihin sa akin?"

"I just realize na nireto mo pala si Leah kay Cleo."

"Wala namang masama. Single naman silang dalawa." aniya.

"Mali talaga ang ginawa mo sa kanila."

"Ano bang mali sa ginawa ko?" Kumunot ang kanyang noo.

Hindi na ito nag salita. May umagaw ng atensiyon niya.

"Rayver?" wika niya sa sarili.

"Anong Rayver sa pinag sasabi mo dyan?" Lumingon si Annika sa kanya.

Then she saw him walked towards her position.

"Hello Bella!  I didn't expect to see you here." Sabi nito sa kanya.

"Dito kasi ako nag tatrabaho." Sagot lang niya sa binata.

"Baka gusto mo akong ipakilala sa kanya bago pa siya matunaw sa pag tititig mo sa kanya." Pabulong na sabi ni Annika sa kanya.

"Rayver, this is my best friend, Annika. Pinsan siya ni Chleo" Pagpapakilala niya.

"Pinsan mo pala ang boylet ni Bella."

Bahagyang na gulat ang binata sa sinabi ng kanyang kaibigan.

"I didn't know that Leo was in relationships right now."

"Actually, Cleo is not my boyfriend." Kontra niya baka kung ano pa ang isipin nito. "Kalimutan mo na lang ang sinabi ni Annika. May gusto kasi siya kay Chleo."

"Manhid at bulag lang ang hindi makakagusto ni Chleo." Pakli naman ng kaibigan niya.

Alam niyang pinatatamaan siya nito kaya napa irap lang siya.

"Kahit saan mag punta ay may nakakagusto sa kanya." Bahagyang natawa si Rayver. "Total pa uwi na rin ako. Ihatid ko na kayo sa uuwian niyo."

"I have date right now. Si Bella walang magsusundo sa kanya ngayon." Annika said.

"Susunduin pala ako ni Kuya ngayon." Pinandilatan lang niya ang kaibigan.

"Masamang tinatanggihan ang grasya, Bella." anito sa kanya.

Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi sa sinabi ng kaibigan.

"Wag mo na ako ihatid pa, Rayver. Baka makaabala pa kita sa gagawin mo ngayon."

Tumawa lang ito. "Wala naman akong gagawin ngayon, Bella. Atsaka hindi ka nakakaabala sa akin."

"Ikaw bahala." Aniya.

Pakiramdam niya ay tila tumalon ang puso niya sa kilig at excitement. Pero hindi niya iyon ipinahahalata sa binata.

____

A/N: Oppss dyan lang muna tayo mga babies ko. Bibitinin ko muna kayo mga babies ko para mas exciting ang susunod na chapter sa story na ito.

Enjoy reading babies ko!

Its_AudreyBelle11 ||AG💋

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 31, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Fated Man Of Her Dreams (On-Going)Where stories live. Discover now