Natutuwa siya na nakikitang nakangiti ito ngayon, hindi siya sanay na sumeseryoso itong si Cleo.
"Dapat maging pasensiyoso at matiyaga ang magiging boyfriend mo," patuloy nito. "Dahil tiyak na kawawa siya sayo."
Pinandilatan niya ito sa sinabi nitong iyon. "Anong palagay mo sa akin, bayolente?"
Tumawa ito. "Hindi naman. Medyo sadista lang."
Lalo syang sumimangot sa sinabi nitong iyon.
"Kapag nagka-boyfriend ako, titiyakin kong gagawin ko ang lahat para sa akin, Kasi perfect siya." Tumingin siya sa labas ng bintana, pagkatapos ay napabuntong-hininga. "Kailan kaya kami magkikita ng dream guy ko?"
"Asa ka pang magkikita kayo." Pumalatak ito. "Imposibleng magkikita kayo n'ong lalaki sa panaginip mo kaya sumuko ka na at isa pa walang taong perpekto."
Kahit kailan talaga ay panira itong si Cleo sa pangangarap niya nang gising.
"Nakakainis ka talaga Cleo, walang basagan ng trip. Pagbuhulin ko kaya kayong dalawa ni kuya. Isa pa, nararamdaman kong magkikita kami ng dream guy ko."
"He's not real, Bella. Kaya huwag ka nang umasa." mariin na sabi nito sa kanya.
"He's real, Cleo," kontra niya. "Nararamdaman kong magkikita kaming dalawa at kapag nagkita kami, hindi ko siya pakakawalan."
Nagkibit-balikat lang si Cleo. Napansin din niyang tila nagbago ang mood nito at inalayo ang plato. "Hindi mo pa tapos ang pagkain mo, Cleo."
"Busog na ako," anito, pagkatapos ay tumayo at tumingin sa bintana. "You've been waiting for a non-existent guys, Bella. Paano kung hindi siya dumating?" mayamaya ay wika nito sa kanya.
"Nararamdaman ko na darating siya, Cleo." sagot naman niya. Kinabahan siya sa posibilidad nang sinabi nito. "Kung hindi siya darating, eh. di magpapakatandang dalaga na lang ako," aniya.
Napailing ito, pagkatapos ay nagpakawala ng buntong-hininga. Medyo nagtataka sya sa ikinikilos na iyon ni Cleo. Dati rati naman ay okay lang pag-uusap nila ang tungkol sa bagay na iyon pero bakit ngayon ay tila kontrang-kontra ito sa kanya?
Kung sabagay, mayroon nga pala itongmalaking problema. Broken hearted nga pala ang kababata niya kaya uunawain na lang niya kahit binabasag nito ang trip niya.
She just stard at his broad back. Cleo's back was far broader and wider than she was used to.
Matagal na silang magkasama. They practically grew up in each other.
Pero parang ngayon lang niya napansin ang laki na pala ng ipinagbago ng kababata niya.
She couldn't help but stare at him as if there was something at the back of her mind commanding her.
Matagal na niyang alam na guwapo si Cleo, patunay na maraming mga babae nagkakandarapa rito. Pero parang ngayon lang siya nabigyan ng pagkakataon na i-assess ito nang husto.
Kung siya ang tatanungin, papasang model o artista ang kababata niya. With his height, face, body and his perfect tan.
Sa ideyang iyon ay biglang nalukot ang mukha niya. Parang hindi niya nagustuhan ang isiping mas dadami pa ang makakakita sa kababata niya at mas amrami pang babae ang magkakagusto rito.
Hindi kayang tanggapin ang utak niya ang ideyang iyong kung sakali man.
Parang ngayon pa lang ay nabubuwisit na siyang mas marami pang aaligid na babae sa kababata niya.
Buti na lang hindi niya naisipang maging modelo o artista. sabi ng isip niya.
Bigla naman siyang napatigil sa isiping iyon. Bakit ba tila apektado siya sa ideyang dadami pa ang babaeng makakakita kay Cleo? She was already used to that since they were in teenagers so why the hell would she care anyway?
Wala siyang mahagilap na sagot sa katanungang iyon ng kanyang isip. Basta ang natitiyak lang niya ay hindi siya natutuwang magkaroon ng maraming karibal sa kababata niya.
Karibal? Kahit siya ay nagulat sa isiping iyon.
Kailan pa ba siya naki- pagkompetensiya sa atensiyon ni Cleo pagdating sa ibang babae?
Maagkababata lang naman sila, bakit niya naiisip ang ganoong kahindik-hindik na ideya?
Muli niyang itinuon ang pansin sa kababata. Malayo pa rin ang tingin nito sa labas ng bintana. Hindi rin niya mapigilang mapuna na tila nga mayroon itong mabigat na problema.
"Alam mo, ang lahat ng problema ay napag-uusapa,"umpisa niya . "Masaya iyang kinikimkim mo ang problema." aniya, sabay ngiti rito. She just wanted to lighten the mood. Masyado naman kasi itong seryoso
Tumingin ito sa kanya. There was something that crossed in his eyes that she couldn't comprehend. Ilang segundo ang lumipas at nanatili lang itong nakatingin sa kanya, Pagkatapos ay napabuntong-hininga.
"Yung ex mo pa rin ba?" tanong niya. "Gusto mo kausapin ko siya para magkabalikan kayo?"
Umiling ito. "Hindi siya at wala rin siyang kinalaman sa problema ko ngayon."
Kumunot ang noo niya. Kung hindi ang babae yun, eh. sino?
"Pero babae ang problema mo?" tanong niya.
Hindi ito kumibo. Ngunit sapat na iyon para i-assume niyang babae nga ang problema nito.
"Why don't you talk to her and tell her how you feel?"
"Hindi iyon gnoon kadali, Bella." mahinang sabi nito
"Why?" tanong niya.
"H-hindi niya ako mahal," simpleng sagot nito.
Tila nakaramdam siya ng pagkairita sa babaeng hindi pa nakikilala. She maybe special to her friend but she didn't have the right to make Cleo miserable like hell. Siya lang ang may karapatang apihin at pasakitin ang ulo ng kababata niya.
"May sabit ba siya? May boyfriend o may asawa?" tanong niya.
Muli ay umiling lang ito. "May iba siyang gusto."
Hindi siya nakakibo. Ano ba kasi ang dapat niyang sabihin sa sitwasyong ganoon upang pagaanin ang nararamdaman ng kanyang kababata?
"Tiyak namang di hamak ang nilamang mo sa lalaking gusto niya. I'm sure that." pagbibiro na lang niya para pagaanin nang kaunti ang sitwasyon, sabay tapik nang bahagya sa balikat nito.
Bigla na lang itong tumawa. "Kung alam mo lang, Bella." anito.
____
Author's Note: kawawa naman si Cleo hindi mahal ng mahal niya :(
#sadboywithasadlife #hindimahalngmahalniya
YOU ARE READING
The Fated Man Of Her Dreams (On-Going)
RomanceSerenity Arabella Fabregas and Rhyden Chleo Hixeirdoux love story ___ Started: December 12, 2020 End Date: