"Uuwi ho ba ngayon dito ang anak niyo, Mami Tita?" tanong niya.
Naroroon si Bella sa labas ng bahay ng mga Hixeirdoux. Naabutan niya ang ginang na nagdidilig ng mga halaman nito. Araw ng Sabado at wala siyang pasok. Pinaghatid siya ng nilutong carbonara ng kanyang Mama kaya siya nadayo rito.
"Ang sabi naman niya ay uuwi siya ngayon." sagot ng ginang, pagkatapos ay muling hinarap ang mga halaman na ini-spray-an nito ng tubig.
"Akala ko ho tuwing weekends lang umuuwi si Cleo?" bahagyang tumaas ang magkabilang kilay niya.
Ang alam kasi niya ay hassle kay Cleo ang mag-uwian dito dahil malayo pa ang opisina nito.
Kaya nga ito dahil bumili ng sariling condominium unit dahil ayaw na ayaw nitong naaabala ang pagpasok nito sa trbaho.
Anong masamang espirito ang pumasok sa kukote ng kababata niya at naisipang umuwi kahit may pasok ito sa opisina bukas?
"Maski nga rin ako ay nagulat nang magsabi siya kanina na dito raw siya uuwi." Inilapag ang pang-spraay sa ibabaw ng center table ng garden set. "Kamusta naman pala kayo ng anak ko, iha?"
"Okay lang naman kami, Mami Tita. Madalas pa rin kaming nag-iinisan." Natatawang sabi niya.
Bahagyang umangat ang isang kilay nito. Napangiti na lang siya nang mapuna iyon.
"After all these year, you and my son are still friends?" tila napapantastikuhang tanong pa nito. "Wala pa rin bang nababago?"
"May kailangan ho bang magbago, Mami Tita?" balik-tanong naman niya habang pinipigilang matawa.
Napabuntong-hininga lang ito nang muling tumingin sa kanya.
"I like you for my son, Arabella." pag-amin nito. "Kung kayo sanang dalawa ang magkakatuluyan ng anak ko, magiging masaya ako nang husto. Wala naman akong nakikitang problema kung saka-sakali. Wala ka namang jowa at ganon na rin si Cleo."
Tumingin lang siya sa ginang, pagkatapos ay hindi na napigilan ang ngumiti.
"Tita naman, tiyak na sasakit ang ulo ko kapag nagkatuluyan kami ng anak ninyo. Alam n'yo naman madalas kami nagbabangayan kami ni Cleo."
"Pero hanggang ngayon magkaibigan pa rin naman kayo." parang batang saad nito.
"It's different, Tita. I and Cleo together beyond friends." sabi niya.
"Well, kilala na kita mula pa pagkabata. Malapit na magkaibigan din ang mga pamilya natin." Ngumiti ito sa kanya. "Besides, you and my son looked perfect together."
Nagulat siya sa sinabi nitong iyon. She and Cleo looked perfect when they were together?
How?
At bakit tila may bahagi ng puso niya ang natuwa sa sinabing iyon ng ginang?
Was she that thrilled with the thought of Cleo and her being together as a couple?
Ipinilig niya ang ulo. Imposible iyon. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na pumatol ang kababata niya. At isa pa, wala naman siyang nararamdamang anuman dito.
In fact, noon ay lagi pa nga siya naasar dito dahil lagi siyang iniinis at binubuwisit nito.
She admit that Cleo was a really good friend. In fact, spoiled pa nga siya rito dahil palagi nitong pinagbibigyan ang mga nais niya kahit minsan ay pinagti-tripan lang niya ito.
He was a six-footer male but even her five feet-seven inches could bully the big guy that he was.
Masyado na ring palagay ang loob niya rito kaya ni minsan ay hindi niya naisip ang posibilidad ng sinasabi ng ina ng kababata.
"Gutom lang iyan, Tita. Ang mabuti pa, tikman na lang niyo iyong ipinadalang ulam ni Mommy." sabi na lang uli niya.
Parang kapatid lang ang turing niya kay Cleo. Magsasalita sana siyang muli nang may nag-doorbell sa labas ng gate. Agad itong tumayo mula sa pagkakaupo upang buksan ang gate.
Siya naman ay nanatiling nakaupo lang pero bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya nang matapos pagbuksan ng ginang at papasukin ang dumating ay nakita niyang niyakap kaagad nito.
"Rayver, iho! It's been a while. Mabuti at napadalaw ka rito?" narinig niyang wika ni Tita.
Nakita niya ang tila alanganing ngiti nito, pagkatapos ay bahagyang napakamot sa gilid ng leeg nito.
Mukhang mahiyain ang bisita ng Tita niya. Mukhang pinsan ito ni Cleo. She noticed his moreno skin.
"Naging busy lang ho sa negosyo, Auntie." sagot ng lalaking nagngangalang Rayver.
"Halika't pumasok ka, iho. Tara dito sa loob."
Pero ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang tuluyang mapaharap ang bagong dating sa direksiyon niya.
Napaawang ang bibig niya, pagkatapos ay sunod-sunod na napakurap dahil baka niloloko siya ng kanyang paningin.
Palihim din niyang kinurot ang sarili habang papalapit ang mga ito sa direksyon niya pero habang lumalapit ito lalo lang niyang nakikita ang pamilyar na mukha nito.
She counld't be mistaken. He was the guy on her dreams!
"Siya nga pala, iho. Ipinapakilala ko sa iyo si Arabella. Kababata ng pinsan mo. Ara, this is Rayver." pakilala nito sa kanya.
Nanatili lang siyang nakatitig sa mukha ng lalaking nakangiti at nakatayo sa harapan niya. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nakita niya.
"Iha, may problema ba?" untag naman ni Tita sa kanya.
Tila nagising siya mula sa malalim na pagkakalutang nang marinig ang boses nito. Napangiti na lang siya nang alanganin.
Sa dami naman ng pagkakataong aasta siya na parang baliw sa harapan na niya ang lalaking nasa panaginip niya.
"I'm sorry tita." Inilahad niya ang kamay sa harapan. "I'm Serenity Arabella Fabregas, you can call whatever you want."
"Nice too meet you, Irene. I'm Rayver Caelan Kim." He said the smiled at her.
TO BE CONTINUE...
_____
A/N: Don't forget to comment, vote and share my story with your friends mga babies ko
Its_AudreyBelle11 | AG💋
YOU ARE READING
The Fated Man Of Her Dreams (On-Going)
RomanceSerenity Arabella Fabregas and Rhyden Chleo Hixeirdoux love story ___ Started: December 12, 2020 End Date: