"Bella, susunduin ka ba ngayon ng boylet mo?" Agad na nagsalubong ang mga kilay niya sa tanong na iyon ng kasamahan si Annika.
Kasalukuyan silang nag-aayos ng kanilang mag sarili dahil pauwi na sila.
Katatapos lang ng duty nila sa pinapasukang airline company at pagkakataon na nilang makauwi at makapagpahinga.
She was working as a stewardess for a domestic airline and had been traveling for five consecutive days without going home.
"Boylet?" Takang tanong niya, Hindi na nawala ang pagkakakunot ng noo niya.
"Oo. Ay sus! I'm referring to Cleo. Ang anghel dela guwardiya ng buhay mo." Kinikilig pang sabi nito.
Napailing na lang siya. Pagkatapos ay nagpakawala ng buntong-hininga.
Ang tinutukoy ng kaibigan niyang nangangailangan na yata ng antipara sa mag mata ay ang kababata at kaibigan niyang si Leo.
He was far from being her guardian angel by the way.
Actually, he was the origin of misfortune that be fell on her life since they were kids.
Wala naman kasi itong buting idinulot sa kanya, mula noon, hanggang ngayon.
Madalas pa nga siyang asarin nito noong mag bata pa sila.
Kung sabagay, wala namang nagbago sa paraan ng pakikitungo nila sa isa't isa dahil hanggang ngayon ay matindi pa rin kung mambuwisit ito sa kanya.
Sabagay, mag bata pa lang sila ay magkaibigan na ang mga pamilya nila kaya hindi nakapagtaka, at kahit nakaka-asar mang tanggapin ay maituturing na isa ito sa pinakamatalik na kaibigan niya.
Iyon nga lang, kailangan lang talaga niyang i-active ang "protective shield"niya kapag nasa mood itong buwisitin siya.
"Malay ko don. Hindi naman siya nag paparamdam kaya hindi siguro. Baka busy na naman iyon sa trabaho niya." Sagot niya. Leo was a businessman of some sort.
Ito ang kasalukuyang namamahala ng negosyo ng pamilya nito magmula nang magretiro ang ama nitong si Tito Axl.
Their family was into exporting business of local wooden crafts as well as farming.
"Pero I'm sure, nandyan na iyan sa labas at nag-aabang sa Pag dating mo." Ngumisi si Annika sa kanya sabay sundot sa tagiliran niya.
"Kailan ba pumalya sa pasundo sayo si Cleo?"
"Pero kahit ano pa ang sasabihin mo, hunkable papa pa rin si Leo mo. Like duh ang hot niya para siyang apoy, ang hot niya."
"Korek ka dyan Girl!" Singit naman ng isa pang kasamahan nilang si Rose.
"May kapatid ba o kakambal iyang si Leo para naman maambunan din ng grasya itong kagandahan namin ni Annika."
She just looked at them with dead stare. "Kung mayroon pang kapatid o kakambal si Leo, edi sana ni-reto na kayo pero wala eh, wala siyang kapatid or kakambal."
"Kahit ano pa ang sasabihin mo girl, naghuhumiyaw pa rin ang kaguwapuhan ni Leo." Ani Rose.
"Hay kailan kaya ako makakatagpo ng tulad niya?" Tanong ni Annika.
"Gusto mo ireto kita sa kanya? Balita ko, Break na sila ng jowa niya." Aniya.
Tumaas lang ang kilay nito sa sinabi niya. "Girl, huwag mo akong alukin ng palay at baka tukain kong bigla." Anito, pagkatapos ay tinapik siya.
"Kulang ka lang sa tulog, Bella."
Minsan talaga hindi niya masakyan ang takbo ng utak ng mga kasamahan niya.
Napaka-vocal ng mga ito sa pagsasabing crush ng mga ito si Leo. Pero hanggang doon lang ang mga iyon.
Kapag sinabi niyang irereto niya ang mga ito, para bang iniisip ng mga ito na nagjo-joke lang siya.
Minsan tinawanan lang siya o kaya sinasabihang wala lang siya sa tamang huwisyo gayong seryoso naman siya sa pag-aalok ng ireto ang mga ito kay Leo.
Oh well, siguro kasi at "exclusively dating" nga pala ang status ng mga katrabaho niya kaya kahit vocal ang mga ito sa pagsasabing crush ng mga ito ang kababata niya ay tinatanggihan siya.
"Okey na kayo?" Sumilip sa locker nila ang bagong kasamahan nilang si Leah.
"Okey na ako. Ewan ko lang sa dalawang na ito." Itinuro niya sina Annika at Rose. "Uuwi na lang, kailangan talaga kuntodo mag make up."
"Hay nako Girl, kasama sa propesyon natin ang maging presentable kahit pauwi na." Katwiran ni Annika.
"And besides, wala akong balak magmukhang alalay mo sa tabi ni Leo, Ano?" Nakaangat pa nang bahagya ang isang kilay nito.
"Leo?" Nagtatakang tanong naman ni Leah.
"Rhyden Chleo Hixeirdoux." Pagtatama niya kasabay ng pagpapakawala ng buntong-hininga.
"Boylet ni Bella. Gusto mong ma-meet?" Ani Rose. "Promise, Hindi ka magsisi."
Napailing na lang siya sa sinabing iyon ng kasamahan.
"Hay nako, dalian na ninyo at kanina pa yata tayo hinihintay ng coaster sa labas." Aniya
"Sis! Bakit naman kailangan mo pang sumabay sa coaster, eh. Tiyak namang may guwapong sundo ka." Singit uli ni Rose.
Bago pa siya makasagot dito ay naramdaman niyang nag vibrate ang cellphone sa kaniyang bulsa.
Nang tingnan niya kung sino ang tumawag ay ganoon lang ang pagkakakunot ng kanyang noo.
Agad naman iyong napansin ni Annika. "Si Leo mo iyang tinatawag, ano?" Paghuhula pa nito, sabay ngisi sa kanya.
Napailing na lang siya, sinagot na lang niya ang tawag ni Leo sa kanya.
_____
Its_AudreyBelle11 | AG💋
YOU ARE READING
The Fated Man Of Her Dreams (On-Going)
RomansaSerenity Arabella Fabregas and Rhyden Chleo Hixeirdoux love story ___ Started: December 12, 2020 End Date: