A/N: Happy New Year Babies ko!! Sorry kung ngayon lang ako naka UD busy ako this past few days. Sana maintindihan niyo akoEnjoy Reading Babies ko :)
__________
__________
__________
Kanina pa nakatitig si Arabelle sa puting kisame ng kanyang silid. Dapat ay tulog pa rin siya sa mga sandaling iyon dahil kapag sunod-sunod ang duty niya sa domestic flights ay bumabawi talaga ang katawan niya ng tulog at pahinga lalo na at kadalasan ay puyat siya.
Pero Hindi niya magawang matulog nang maayos dahil na rin sa naging pag-uusap nila ni Dwayne kagabi.
Hindi nga niya alam kung bakit masyado siyang apektado sa kaalamang may mabigat na problema ito.
"At sa dami naman ng pwedeng maging problema sa mundong ito, bakit si Sandra pa?" Agad na nalukot ang mukha niya nang maisip ang bruhang babae yun.
Hindi siya makapaniwalang ganoon kalalim ang nararamdaman ni Dwayne para sa naglanding babaeng iyon gayong kung tutuusin, wala namang indikasyon na in love mag ito sa babae.
Kung sabagay, kilala niya si Dwayne, walang romantic bone sa katawan ang lalaking iyon.
Kahit sa kanya, wala siyang natatandaang naging sweet ito o maalalahanin.
Ang tanging alam lang yata nitong gawin ay inisin siya at painitin ang ulo niya!
Pero kung sabagay, kahit palagi silang nag-iinisan, Hindi naman maikakailang maaasahan si Dwayne sa oras ng pangagailangan.
Tuwing kailangan niya ito, palagi itong available para tulungan siya.
Kahit hindi sweet, natitiyak niyang mayroon din namang good points ang kababata niya.
Kaya nga isang malaking palaisipan sa kanya kung bakit nag-break ito at si Sandra.
Buo ang paniniwala niya na si Sandra ang may problema sa relasyon ng mga ito. Isang tingin pa lang niya sa babae ay isa nang malaking komplikasyon talaga ito.
Kung ganoon, ano ang problema nito?
At bakit ayaw nitong sabihin iyon sa kanya?
Naramdaman niyang kumalam ang kanyang sikmura. Sa sobrang engrossed niya sa pag-aanalisa ng problema ni Dwayne, nakalimutan na niyang mag-almusal muna.
"Teka nga, bakit ba umagang-umaga, problema ng iba iniisip ko? Hindi ba dapat problema muna ng sikmura ko ang inaatupag ko?" Bumangon siya at inayos ang higaan at sarili niya.
Pagkatapos niya mag-inat ay naghihikab pang tinungo niya ang kusina nila.
Dumiretso siya sa refrigerator at tiningnan kung ano ang puwede niyang maialmulsa.
Kinuha niya ang karton ng fresh milk nang biglang may nagsalita sa likuran niya.
"Oh, Princess, ang aga mo naman yatang nagising?" Tanong ng kapatid niya na si Rhadley Dhalziel Dark Fabregas.
Humarap siya. "Pambihira ka naman, Kuya Dark. Bakit ka ba nanggugulat, ha?"
Umangat nang bahagya ang kilay nito sa sinabi niya. "Malay ko bang nagiging magugulatin ka na." Anito, pagkatapos ay napapalatak. "Sign of aging na iyan, Princess."
"Kuya Dark naman eh!" Aniya, sabay ismid nito. Kunuha siya ng bask upang salinan ng gatas. "Siya nga pala, saan ka nagpunta kahapon? Alam mo namang kahapon ang dating ko at magpapasundo ako sa iyo para umuwi rito."
"May kinatagpo kasi akong investor ng company natin." Anito. Nagkatapos ang Kuya niya ng kursong Business Management. Simula nang maka-graduate ito ay doon na siya nagta-trabaho sa company nila bilang CEO.
YOU ARE READING
The Fated Man Of Her Dreams (On-Going)
RomanceSerenity Arabella Fabregas and Rhyden Chleo Hixeirdoux love story ___ Started: December 12, 2020 End Date: