Chapter 33: Haligi Ng Tahanan

51 4 0
                                    


Kasalukuyan nang mahinahon ang mag-anak. Sinubukan na lamang nilang ipagsawalang bahala ang mga natuklasan tungkol sa pagkatao ni Elena. Dapatwat napakasikit ng katotohanang iyon ay batid naman nilang wala na silang magagawa pa upang ibalik ang nakaraan.

Sa gitna ng katahimikan ay pabalibag na binuksan ng bagong dating ang pinto. Ang haligi ng tahanan na si Kanor. Walang salitang namumutawi sa mga labi nito, naghahalungkat lamang sa kanilang mga kagamitan.

"Ano nanamang kailangan ninyo Itay? Puna ni Bino ng mapansing tila may hinahanap ang kanyang ama.

"Pera! Kailangan ko ng pera!" Ani Kanor.

Tumigil sa paghahanap. Problemadong napapasabunot sa buhok. Pagkuway tumingin sa asawa, sa anak na si Lita, at kay Totoy. Mayamaya'y kay Bino.

"Hindi ba't galing ka sa palengke? Akin na ang kinita mo!" Nilapitan ang anak at ilalahad ang isang palad.

"Itay, wala ho akong maibibigay sa inyo. Ang kinita ko ay sapat lamang para sa pangangailangan natin sa araw na ito." Ang malumanay na turan ni Bino sa kanyang ama.

"Siraulo ka ba, ha!" dinuro ang noo ng anak.

"May kinita ka subalit wala kang maibigay sa akin? Sinusubukan mo ba 'ko ha Bino!"

"Hindi ho itay, pasensya na ngunit kung ibibigay ko ang kakapiranggot kong kinita para lamang sa bisyo ninyo, paano na lamang si inay at ang mga kapatid ko?"

"Ah ganon! (biglang sinikmuraan ang anak) Nagmamalaki kana ha? Kinakalaban mo na'ko ngayon?!" Akmang susuntuking muli ang anak ngunit umawat si Lita.

"Itay! Tama na! huwag ninyong saktan si kuya Bino!" Pinipigilan sa braso ang ama ngunit papiksing itinulak lamang siya nito.

"Huwag kang makialam!" Itinulak si Lita. Bumaling na muli kay Bino at mahuhuling nanlililsik ang mata nito sa galit.

"Ano, ha! Lalaban kana? (sumugod muli at inundayan ng sapak sa mukha ang anak. Napahandusay na lamang ito sa sahig) Matapang kana ahh... (pinagsisipa ang anak.)

"Kanor! Tama na! tigilan mo na ang anak mo!" Umiiyak na umawat si Sonia at niyayakap ang asawa.

"Sige, lumaban ka!" (Pilit nagpupumiglas sa pagkakayakap ni Sonia) Sino ang ipinagmamalaki mo ha..? (nakawala at sunugod muli si Bino at pilit itinatayo) Lumaban ka! Kaya mo na ako ha! (Hinawakan sa kuwelyo si Bino at pilit itinatayo) "Laban!"

Carlito: (Biglang dumating)

"Aaaay! Anong nangyayari rito? Itay ano 'yan? Bakit po ninyo sinasaktan si kuya Bino?" Pabaklang turan ni Lito.

Mang Kanor: (babaling sa bagong dating na anak)

"Isa ka pa! (Sinugod si Carlito, pagkatapos ay hinawakan ng mahigpit sa braso ang anak) Walang hiya ka! Totoo pala ang sinabi ng kainuman kong babakla-bakla ang bunso kong anak, at nakitang bumibirit sa kantahan kanina.! (Hinigpitan pang lalo ang pagkakahawak sa braso ng anak.)

"A-aray Itay, nasasaktan ako!" pilit na nagpupumiglas si Carlito.

"Talagang masasakatan ka dahil malaking kahihiyan ang aanihin ko mula sa abnormal mong pagkatao!! Isa kang sumpa sa pamilyang ito!" Akmang sasampalin ang umiiyak na anak ngunit aawat muli ang lumuluha ring si Aling Sonia.

"Kanor, parang awa mo na! itigil mo na ito!"

"Bakit itay? Kasalanan ko bang maging ganito? Kasalanan ko bang maging ganito ang pagkatao ko?" (Umiiling-iling habang umiiyak) Hindi Itay! Hindi! (humahagulgol ng iyak) Pero ito ang nararamdaman ko! Nandito na ito itay, (itinuturo ang kaliwang dibdib. "Ito na ako itay, sa ayaw at sa gusto ninyo!" pasigaw na saad sa huling pangungusap.

UNWANTED HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon