CHAPTER 14: "Malupit na karanasan ni Bino"

416 9 0
                                    

Part 2

CHAPTER 14: "Malupit na karanasan ni Bino"

Bino's Pov

Wala ako sa sarili nang tumungo sa palengke upang magtrabaho. Iniisip ko kung galit ba sa akin si Jessie.  Namamasukan ako bilang kargador sa bigasan nila mang Cardo. Maliit lang ang pasahod dito, isang daan kalahating araw ngunit para sa akin ay okay na iyon. Ang mahalaga ay may pambili ako ng pagkain sa tahanan at pambigay ng baon sa mga kapatid na nag-aaral.

"Bino, sarap daw ng kapatid mo ha," ngingisi-ngising saad ng kasamahan ko roon, si Arman.

Sa narinig ay napakunot ang noo ko. Anong pinagsasabi nito?

"Si Elena. Natikman daw ni Mang Ricky, yung may ari ng grocery dyan sa bungad ng palengke," patuloy pa nito sa sinasabi.

Nagpanting ang tenga ko sa narinig. Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa isang sakong bigas na dapat sana ay bubuhatin ko na maya-maya. Lumapit ako sa kanya.

"Ano? Ulitin mon gang sinasabi mo!" galit na sabi ko. Tumawa ito.

"Bingi ka? Si Elena, yung kapatid mong high school, nagamit daw ni mang Ricky kapalit ng 300 pesos," at humalakhak na nga ito. Gulat ang iba pa naming kasama roon.

Sa tindi ng galit ay nasugod ko ito at sinuntok sa mukha. Tumba ito.

Kasunod ay walang katapusang suntukan hanggang sa may sumigaw ng malakas. Si mang Cardo. Galit na galit ito.

"Magsilayas kayo rito!!! Hindi ko kailangan ang mga trabahador na katulad nyo! Malas kayo sa Negosyo ko!!"

At dahil doon.... Nawala ako ng trabaho. Akalain mo yun, sa isang iglap lang ay nawalan na ako ng trabaho. Binabastos ang kapatid ko e. hindi ko yun hahayaan hangga't humihinga ako. Matinong babae ang kapatid ko. Hindi yun bayarang babae katulad ng sinasabi nito.

Umuwi akong walang kabuhay-buhay. Tila wala akong gana mamalaot mamayang gabi.

"Ayos ka lang ba, kuya?" tanong ni Lita. Tumango lang ako. Lumabas si Elena mula sa silid nila ni Lita, tila may pupuntahan ito at pusturang-pustura.

"Elena, saan ka pupunta? Pagabi na ah," sita ko sa kanya.

"Sa kaklase ko, kuya. May gagawin lang kami."

"Gagawin? Hindi nyo ba nagawa yan sa eskwelahan kanina?" inis na sabi ko.

"at bakit ganyan ang suot mo"

Umikot ang mga mata nito paitaas.

"Kuya Bino, naman... hindi na ako bata," iritableng saad ni Elena sabay labas ng bahay.

"Elena!" pipigilan ko pa sana siya ngunit mabilis na syang nakaalis.

"Hayaan mon a, kuya. Ganyan talaga yan si ate Elena. Araw-araw yan ganyan," ani Lita

"Araw'-araw? Kailan pa? bakit hindi mo sinasabi sa akin, Lita?" hindi sumagot si Lita. Tila ayaw nito na mapagalitan ko si Elena.

"Kain ka na, kuya. May pritong isda pa riyan sa mesa," pag-iiba niya ng usapan.

Ilang raw na akong naghahanap ng bagong trabaho. Pero kahit saan ako mag-apply ay bokya ako. Walang gusting tumanggap sa akin sapagkat high school lang ang tinapos ko.

May mga nagtatanong na interesado raw ba akong maging artista, gusto ko sana pero kakaiba ang alok nila. Male bold star daw. Napapangiwi ako sa tuwing naririnig ko iyon. Tumatayo ang balahibo ko. Ganundin ang alok sa akin na magmacho dancer daw ako sa isang sikat na club sa Ermita. Siguradong Malaki raw ang kikitain ko. Pero Diyos ko naman! Hindi ko kaya ang mga ganoong hanapbuhay. Kahit ganito na mahirap kami ay hindi ko naman nanaising ibenta ang dignidad ko.

Pagod na nag-aabang ako ng jeep. Uuwi na lang ako. Sa tingin ko ay ayos na ang maghapong ito na nasayang. Baka gutom na ang mga kapatid ko.

Nang may humintong isang magarang sasakyan sa harap ko. Mercedez benz. Bumukas ang bintana niyon at dumungaw ang isang gwapo at mistisang lalaki na nakasuot ng shades.

"Pre, anong hanap mo?" tanong nito.

"Ahh.. trabaho," sagot ko.

"Tamang-tama. May aalok ako sayo. Malaki ang kita rito,"

Sumenyas siyang sumakay ako. Hindi ko malaman kung bakit sumakay naman ako sa sasakyan nya. Dala siguro ng pangangailangan at desperado na akong makahanap ng trabaho.

Mahaba na ang tinatahak naming daan ngunit hindi pa rin ito nagsasalita.

"Saan ba ang..... tungo natin?" nagtataka nang tanong ko.

"Relax ka lang," sabi nito. At nanahimik na lamang ako.

Maya-maya pa ay huminto ang sasakyan. Sa tapat ng isang mataas na building. Pumasok kami roon at nalaman kong isang condo unit iyon.

"Gwapo nyan, sis ah," sabi ng baklang receptionist doon.

Sis? Sino? Ako ba ang tinutukoy nya? Ngunit nakatingin ito sa kasama ko. Napakunot-noo naman ako. Anong sis e lalaki ang kasama ko.

Sumakay kami sa elevator. Siya ang nag-operate nun dahil di naman ako marunong. First time kong nakasakay doon e. Bigla iyon tumunog at nagulat ako ng hilahin nya palabas doon hanggang sa nakarating kami sa tapat ng isang malaking pinto. Baka ito na ang opisina kung saan ako mag-aaply.

Bumukas iyon at hinila nanaman niya akong papasok doon sa loob. Hindi naman ito mukhang opisina. Mukha itong tirahan.

"Hubad na," nagulat ako ng magsalita ito. Bakit nag-iba ang timbre ng boses nito? Nagging boses babae yata? O nagkamali lang ako ng pandinig? At ang mga mata nito nan aka-contact lenses na kulay asul, may eye shadow pa ito at eye liner sa mata.

"A-ano ho?" gulat na turan ko.

"Ang sabi ko maghubad ka na," sabi nito at dahan-dahang lumalapit sa akin.

"H-hindi! Ano bang gagawin nyo? Hindi ko maintin----" naputol ang sasabihin ko ng naghubad na sya ng pang-itaas, kasunod ang pantalon nito. Naka-boxer na lamang ito ngayon.

"Hubad na! letse! Ang daming sinasabi!" iritableng sabi nito at hinila ang damit ko.

"Hoy! Ano ba! Bitawan mo 'ko!" pagpupumiglas ko.

"Ano bang inaangal mo e magbabayad naman ako. Magkano ba ang gusto mo? Dalawang libo? Tatlo? Apat? Sabihin mo lang," pagkasabi niyon ay dinakot nito bigla ang pagkalalaki ko.

Napahumindik ako at sumigaw. Sa gulat ko ay bigla ko itong nabigwasan ng malakas na suntok. Talsik sya at di nakapagsalita.

Sa takot ko ay nagtatakbo ako. Dali-dali akong lumabas sa unit na iyon at naitulak ko pa ang

Mga taong nag-aabang sa tapat ng elevator nang bumukas iyon. Masama ang tingin ng mga iyon at sumunod na papasok doon. Hindi manlang kasi ako nakahingi ng pasensya.

Hinihingal na napahawak ako sa dalawang tuhod ko. Nanginginig ang buong kalamnan ko. Hindi ko maintindiihan ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Lalaki akong tao pero pakiramdam ko ay namolestya ako. Hindi pala trabaho kundi SEX ang ang hanap ng lalaking iyon. Hindi. Binabae pala. BAKLA.

Sa isiping iyon ay napayakap ako sa sarili ko, nandiri ako. Muntik na ako roon. Mukha ba akong call boy? Ganito ba ang dinaranas ng mga dukhang katulad ko? Napaluha ako at wala akong pakialam sa mga taong nakamasid sa akin.

To be continued....

UNWANTED HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon