Chapter 18: "ELENA"

317 7 2
                                    

Part 2

Chapter 18: "ELENA"

Nagmamadaling sumakay ng sasakyang iyon si Elena. Nakita niya ang kanyang kuya Bino na kumakaway at tila lalapit sa kanya. Mukhang susunod pa yata ito sa kanya kaya naman lalo siyang kinabahan. Mabuti na lamang at may mga pasaherong pumara rito kaya napigil ang pagsunod nito sa sasakyang sinakyan niya.

"Sino ba 'yun at balisang-balisa ka?" Anang lalaki sa kaniyang tabi na nagmamaneho.

"Boyfriend mo ba?" tanong pa nito nang hindi siya agad sumagot sa unang tanong.

"Kuya ko," matipid niyang tugon

"Kuya lang pala bakit taranta ka?" sinundan pa ng tawa na saad nito habang nasa daan ang paningin.

Ang daming tanong! Iritang itinuon niya na lang sa kalsada ang kaniyang paningin. Halatang ayaw na niyang makipag-usap pa sa lalaki.

"You're interesting," saad ng lalaki at lumingon sa kanya.

"Lalo tuloy ako nasasabik sayo, eh," namumungay ang mga matang sabi pa nito at inilagay ang isang kamay sa hita niya.

"Magmaneho ka na lang pwede ba? Tatlong oras lang usapan natin!" inis na turan ni Elena sabay tanggal ng kamay ng lalaki na nakahipo sa kaniyang hita.

Lalo lamang tumawa ang lalaki at binilisan na ang pagmamaneho.

Takipsilim na..

Tulalang naglalakad si Elena sa kalsada. Dalawa at kalahating oras. Kung tutuusin ay sandali lamang ang oras na iyon ngunit para sa kanya ay napakatagal. Heto nanaman siya sa pandidiri sa sarili. Araw-araw niya namang ginagawa ang bagay na iyon ngunit bakit ganoon pa rin ang kaniyang nadarama? Bakit tila maski siya ay hindi pa rin matanggap ang sitwasyong kinahahantungan. Ang tila kadena na patuloy na gumagapos sa kanya at wala siyang magawa kundi nakapikit na lumuha ng walang anumang ingay na maririnig.

Napakasakit ngunit wala naman siyang makausap. Wala siyang mapagsabihan ng pinagdaraanan. Wala siyang makapitan. Mag-isa nya lamang hinarapap ang pagdurusa na kahit pamilya niya ay hindi niya mahingahan. Iyon ang buhay ni Elena. Iyon ang napakalupit niyang buhay na siya lamang ang makauunawa. Wala ng iba.

Napadaan siya sa isang simbahan.. napatingin siya sa isang dalagita na naglalako ng sampaguita. Katabi nito ang isang matandang babae na nakaupo lamang doon at tila walang paningin. Palinga-linga ito ngunit walang nakikita kahit na ano. Sa kabilang gilid ay naroon ang isa pang batang lalaki na kaypayat din. Bumalik ang atensyon niya sa dalagita. Payat ito at namumutla. Tila wala pa itong naibebenta kahit na isa. Dinaraanan lamang ito ng mga tao na pumapasok at lumalabas ng simbahan ngunit hindi pinapansin. Napalingon sa kanya ang dalagita at agad na lumapit.

"Ate, ate, sampaguita po. Bili na po kayo," anang dalagita.

"Pakiusap po, ate, bili na po kayo kahit isa lang po. Hindi pa po kumakain ang aking lola at kapatid, maawa na po kayo," saad pa nito. Mataman niyang pinagmasdan ang dalagita.

"Ilang taon ka na?" pagkuway tanong ni Elena.

"Labing tatlo po," tugon nito.

Tila kinurot ang puso ni Elena. Ganoong edad siya simula ng masadlak sa putikan.

"Kumain ka na ba?" tanong niya.

"Hindi pa po, ate. Ngunit ayos lamang po ako. Ang kapatid ko po at lola, gutom na gutom na po sila, hindi pa po sila kumakainn mula kaninang umaga, kaya pakiusap bili na po kayo."

Nanikip ang dibdib ni Elena. Katulad niya ito na sa ganoong edad ay pamilya na ang iniintindi at inuuna bago ang sarili.

"Bibilhin ko na'ng lahat," nakangiting saad ni Elena. Lumiwanag naman ang mukha ng dalagita at tuwang-tuwang iniabot sa kanya.

"Maraming salamt po, ate. Napakabuti nyo po!"

Pagkatapos niyang bayaran ay masaya itong lumapit sa lola at kapatid.

"Dito muna kayo, lola, bibili lamang po ako ng makakain natin ni Jojo," saad ng dalagita at patakbo ng umalis. Nasundan niya pa ng tingin ang dalagita. Pagkuway napatingin sa sampaguitang hawak. Napakarami niyon. Limang daang piso ang ibinayad niya para roon ngunit hindi niya alam kung saan niya gagamitin ang mga sampaguita na binili.

Gayunpaman ay hindi naman siya nanghihinyang, bagkus ay masaya siyang sa ganoong paraan ay nakatulong siya sa dalagita at pamilya nito.

Nakangiti nang umalis siya sa lugar na iyon. Kahit paano, naisip niya, ang dalawa at kalahating oras na pinandidirihan niya kanina ay nakatulong din pala. Kahit paano ay gumaan na ang kalooban niya. Tiningnan niyang muli ang mga sampaguita na hawak. Kaybango ng mga iyon. Ngayon na lamang ulit siya nakahawak ng mga bulaklak. Matagal na panahon na mula ng may isang tao ang nagbigay sa kanya ng bulaklak. Ang nag-iisang tao na minahal niya at sinaktan niya ng lubos.

Sa malalim na pag-iisp ay hindi niya inaasahan ang taong paparating. Nabangga niya ito ng hindi sinasadya. Nalaglag ang mga aklat nito at gayundin ang mga sampaguita na hawak niya.

"Pasensya ka na, miss.. hindi ko ---- " naputol ang sasabihin nito ng makilala siya. At nanlaki naman ang mga mata niya ng makilala rin ito.

Rico! Naibulalas niya sa sarili. Ngunit hindi niya magawang sambitin ang pangalan nito. Ang taong nasaktan niya ng lubos, at gayundin ito sa kanya. Si Rico.

Dali-daling tumakbo si Elena. Wala siyang pakialam kung naiwan man niya ang mga sampaguita roon. Hindi na niya pinakinggan pa ang pagtawag nito sa pangalan niya. Ang mahalaga ay makaalis na siya at makalayo sa lalaki.

Sumakay sa pinarang taxi si Elena. Doon ay naibuhos niya lahat ng hinanakit na nararamdaman.

Matagal na ang nakalipas ngunit naroon pa rin ang pait ng ala-ala ng kanyang unang pag-ibig. Lalo siyang nagalit sa sarili. Lalo niyang pinandirihan ang sarili. Akala niya ang sugat ay naghihilom kapag nalipasan na ng panahon. Ngunit hindi pala. Naroon pa rin ang sakit at lahat ng mapait na ala-ala ay unti-unting nagbalik....

To be continued...

UNWANTED HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon