PART 2
Chapter 12: "ANG TUKSO PARA KAY BINO"
Nananamlay na napaupo sa gilid ng bangka si Bino. Pakiwari nya ay kaya pa ng kanyang isip ngunit hindi na kaya ng kanyang katawan. Anumang oras ay bibigay na ito. Pero para sa pamilya nya kakayanin nya.
"Pre. Kaya pa? Pahinga ka na muna. Ako na bahala sa iba." Nag-aalalang sabi ni Domeng.
Umiling lang si Bino."Kaya pa, pre. Pahinga lang konti." Panigurado ni Bino. Tumango naman si Domeng pero nag-aalala pa rin ito sa kaibigan.
"Nga pala, dumaan kanina si Jessie. Hinahanap ka." Ani Domeng habang umiinom ng tubig. Napaisip si Bino. Isang linggo na pala niyang hindi nakikita o nakakasama ang nobya. Baka nagtatampo na ito sa kanya. Matagal na sila ni Jessie. Noong nag-aaral pa sila ng high school ay kasintahan na niya ito. Matatag na ang kanilang relasyon na hinubog na ng panahon. Kilala ito ng pamilya nya at ganoon din naman sya. Nagpaparinig na nga ang mga magulang nito na magsama na sila ng anak ng mga ito. Botong-botong sa kanya ang pamilya nito. Siguro dahil sa lugar na iyon ay sya lang ang ganoon kagwapo. At bukod doon ay makikitaan ng sipag at pagpupursige para sa pamilya. Pero dinadaan nya lamang iyon sa ngiti. Para kay Bino walang ibang mahalaga sa ngayon kundi ang pamilya nya. Hangga't hindi niya naiaayos ang buhay nila, at hindi niya napagtatapos ng pag-aaral ang mga kapatid sa kolehiyo ay hindi sya mag-aasawa.
"Sige lang. Pupuntahan ko nalang sya bukas bago ako pumunta ng palengke." Nakangiting sabi niya. Kahit paano ay nakaramdam siya ng guilt. Bilang nobyo ay kailangan nya rin magbigay ng oras para sa kasintahan.
At iyon nga ang ginawa ni Bino. Pagkapahinga ng kaunti sa bahay ay nagpaalam na sa ina upang pumunta ng palengke at syempre, dadaanan nya si Jessie.
"Bino!" Malambing na sinalubong ni Jessie ang nobyo. Niyakap ito at hinalikan sa pisngi.
"Jess.. Wala pa akong ligo." Natatawang sabi ni Bino, pagkuway inialis ang mga braso ng nobya na nakasabit sa kanyang leeg.
"Sus ayos lang yan. Gusto mo paliguan pa kita e." Bahagyang namula ang pisngi ni Bino. Hindi siya sanay sa ikinikilos nito. masyado itong malambing ngayon at hindi sya komportable.
"Sige. Kung maaari makikiligo Sana ako, Jess. Papasok pa ako sa palengke e. " Ani Bino
"Ha? Kakagaling mo lang trabaho, Bin. Huwag mo naman abusuhin ang sarili mo. Kaybata bata mo pa e tinalo mo pa tatay ko." Nag-aalala ngunit pabirong turan nito. Ngumiti lang si Bino
"Kumain ka na ba? Ipaghahain kita." Sabi ni Jessie
"Huwag na. Kumain na ako sa bahay. Ligo na 'ko ha?" Dala ng pangangati at sa pagkaasiwa sa sariling amoy ay gustong-gusto na niyang malinis muna ang sarili.
Pumasok na sa cr si Bino. Naghubad ng pang-itaas at akmang maghuhubad na ng shorts nang biglang pumasok doon si Jessie.
"J-Jess.. anong ginagawa mo rito?" Gulat na bulalas ni Bino. Ngumiti lang na malagkit ang titig sa nobyo.
"Diba sabi ko paliliguan kita? Alam kong pagod ka." Turan ni Jessie at iniangat ang dalawang braso at isinabit iyon sa balikat ni Bino. Gulat na hindi makagalaw si Bino. Ano bang ginagawa ng kasintahan at ano ang nangyayari rito? Ganito ba nito sya ka-miss?
"J-Jess.. lumabas ka na. Ako na ang bahala. Kaya ko na ang---" naputol ang sasabihin ni Bino ng lumapat sa kanyang mga labi ang maiinit na labi ng nobya. Pakiwari niya ay sinilaban siya ng apoy at na-corner siya sa loob ng cr na iyon.
BINABASA MO ANG
UNWANTED HOME
RomanceBUOD Ito ay isang uri ng istorya kung saan maipapakita ang iba't-ibang pinagdaraanan ng bawa't miyembro ng isang pamilya. Kung paano nila ito malalagpasan. Kung paanong ang lahat ng hinanakit sa puso ay maibsan ng pagmamahal at pagkakaisa. Ang pa...