Naglalakad si Kiko papasok sa paaralan nang marinig niya ang malakas na wangwang ng police car. Biglang nangatog ang kanyang mga tuhod, agad siyang tumabi sa gilid ng kalsada.
Napapatingin sa kanya ang mga taong nakasalubong niya. Tila may panghuhusga at pagkadismaya ang tingin ng mga ito. Ano ba ang nangyayari? Bakit ang sama ng tingin mga ito sa kanya lalo na ang mga kapwa niya estudyante?
Pagpasok niya sa silid-aralan ay ganoon pa rin. Hindi maipaliwanag at kakaiba ang tingin sa kanya ng mga kaklase. Ganoon din ang kanilang guro.
Napasulyap siya sa helera ng mga upuan nila Carlo, Nilo at Raul ngunit wala ang mga ito.
Nasaan sila?
"Kiko, narito ka na. Halika at sumunod ka sa akin." Turan ng kanilang guro.
"M-ma'am, saan po tayo---" natigilan siya sa pagsasalita dahil sa bulung-bulungan ng mga kamag-aral.
"Hindi ko akalain."
"Talaga bang nagawa ni Kiko iyon?"
"Nasa loob pala ang kulo."
"Manyakis pala."
"Rapist."
Sa mga narinig ay binilisan niya ang paglalakad pasunod sa guro. Hindi niya maunawaan ang pinagsasabi ng mga ito. Siya ba Ang tinutukoy ng mga ito? Ngunit hindi siya katulad ng mga sinasabi nito. Kailanman ay wala siyang ginawang kabastusan o kahalayan sa kahit kanino man. Ngunit may kilala siyang mga ganoon, sila si...
"Oh, nandyan na si Kiko!" Sabay na wika nila Raul at Nilo.
Nagtatakang napatingin si Kiko sa paligid ng guidance office. Naroon ang dalawang kaklase, kanilang gurong tagapayo, principal, guidance counselor at iba pang staff.
"A-Ano pong nangyayari?"
"Iho, maupo ka rito." Anang punong-guro. Tumalima naman siya.
Tumingin siya kina Raul. Nagtatanong ang mga mata. Ngunit yumuko ang dalawa.
"Hindi sana namin kayo kakausapin hangga't wala ang inyong mga magulang ngunit napagpasyahan namin na kayo na muna ang aming kausapin." Ang guidance counselor.
"Nagtransfer na ang kaeskwela nyong si Monica mula sa grade 8, section 3. Natatandaan nyo ba sya?" Nanlaki ang mga mata ni Kiko. Si Monica. Ang pinagsamantalahan ng tatlo noong nakaraang linggo.
"Ngunit bago iyon, may iniwang sulat ang batang iyon na nagsasaad nang ginawa niyong panghahalay sa kanya." Matalim ang titig na turan ng principal.
"H-Hindi. Wala po akong ginagawang mali. Hindi po ako kasama sa kanilang tatlo! Bakit po ako kasama rito?" Nagtatagis ang mga bagang na wika ni Kiko.
"Kanilang tatlo? Hindi ba't kasama ka nga sa tatlong iyon?"
Umiling-iling si Kiko. Paano siyang nakasama? Ni dulo ng daliri ni Monica ay hindi niya nahawakan.
"A-ano p-po?? Hindi! Nagkakamali po kayo! Ang kasama ng dalawang iyan na gumawa noon ay si Carlo! Silang tatlo ang---"
"Tumahimik ka!!" Malakas na sigaw ng kanilang punong-guro.
"Huwag mong madamay-damay sa kalokohang ito ang pamangkin ko! Kinuha na si Carlo ng kanyang mga magulang patungong Amerika sa pag-aalalang madamay dahil sa pagsasalita ng pamangkin ko tungkol sa kawalanghiyaang ginawa ninyo!!"
Ano? Wala na si Carlo? Umalis ito? At pagsasalita? Si Carlo ba ang nagsuplong sa kanila sa pangyayaring ito mismo ang may kagagawan?
"S-sir, nagkakamali po kayo. Mali po ang---"
BINABASA MO ANG
UNWANTED HOME
RomanceBUOD Ito ay isang uri ng istorya kung saan maipapakita ang iba't-ibang pinagdaraanan ng bawa't miyembro ng isang pamilya. Kung paano nila ito malalagpasan. Kung paanong ang lahat ng hinanakit sa puso ay maibsan ng pagmamahal at pagkakaisa. Ang pa...