Chapter 20: "Pag-aalala"

279 8 0
                                    


Part 2

Chapter 20: "Pag-aalala"


Habang nasa sasakyan ay hindi malaman ni Elena kung ano ang gagawin. Kitang-kita niya kung paano makipaghalikan si Kara sa lalaking katabi nito sa back seat. Habang siya naman ay balisang nakaupo sa harap, katabi ng driver.

Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang inaasal ni Kara gayung ngayon lamang nito nakilala ang lalaking kasama? Bakit ganoon? Gulong-gulong si Elena.

"Why? Pwede naman natin gawin din iyan," anang lalaki sa kanyang tabi.

Napamulagat si Elena sa narinig. Ano raw? Ano ang gagawin din nila?

"A-Ano bang sinasabi mo?" inis na turan ni Elena

"You know what I mean. Alam kong naiinggit ka sa kaklase mo. Tara, let's do this," pagkasabi niyon ay bigla nitong itinigil ang sasakyan.

Laking pagkabigla ni Elena nang kabigin siya nito at pinupog ng halik sa mukha habang ang kamay ay nakadampi sa kanyang hita. Malakas siyang napasigaw sabay sampal sa lalaki.

"Thiona! Anong ginawa mo?" gulat na tanong ni Kara.

"Ikaw ang anong ginagawa mo?! Bababa na ako! Bahala ka kung gusto mong sumama sa kanila!" nagmamadali nang lumabas ng sasakyan si Elena, ni hindi na nilingon ang kaklase.

Tumakbo siya ng tumakbo, hindi alam kung saan papunta basta tumakbo lang siya upang makaalis sa lugar na iyon. Hindi niya maatim na nahalikan at nahawakan siya ng lalaking iyon na ni hindi niya alam kung ano ang pangalan.

Umiiyak na napahinto siya sa pagtakbo. Muntik na ba siyang mapahamak sa kamay ng lalaking ito? At dahil sa kaklase niya? Hindi niya pa rin maintindihan kung ano ang nangyayari subalit pinili niyang iiyak nalang ang nangyari. Wala siyang balak na sabihin iyon sa pamilya at sa nobyo, baka lumaki pa at masisi si Kara.

Pag-uwi niya ay kumakain na ang kanyang mga kapatid. Nakapalibot na ang mga ito sa kanilang lamesa kasama ang kanilang inay. Nagmano siya sa ina at dumiretso na silid nila ni Lita at kumuha ng tuwalya at damit pamalit.

"Elena, anak, hindi ka ba muna kakain?" tanong ni Sonia

"Oo nga, ate, sarap ng luto ni inay oh, paborito mo adobong manok," ani Lito na ganadong kumain.

"Ipaghahain na kita, ate Elena?" wika naman ni Lita na akmang tatayo na upang ikuha siya ng plato. Si Kiko ay napatingin lang sa kapatid bagamat abala pa rin sa binabasang aklat habang kumakain.

"Ano ba naman iyan, Kiko, itigil mon a muna iyang pagbabasa at ituon mo muna ang atensyon sa pagkain," ani Bino nang mapansin ang kapatid. Ganoon kasi lagi si Kiko, hindi mabitawan ang aklat kahit sa harap ng hapag-kainan. Hilig nito ang pagbabasa kaya naman lumaking matalino.

"H-hindi po muna, 'nay. Maliligo muna ako. Salamat mga kapatid," matamlay na saad ni Elena at pumasok na ng cr.

Habang dumadaloy ang tubig na nagmumula sa shower patungo sa katawan ni Elena ay tumulo nanaman ang kanyang luha. Takot na takot siya kanina ngunit mabuti na lamang at naging alerto sya at naisalba niya ang sarili mula sa kamay ng lalaking iyon. Subalit inaalala niya pa rin si Kara. Ano na kaya ang nangyayari sa kaklase niyang ito sa mga oras na iyon? Okay lang kaya ito? Baka katulad ng mga napapanood niya sa balita na isang estudyante, ginahasa at tinapon sa ilog ng mga hindi kilalang mga lalaki. Kinilabutan siya sa isiping iyon.

Kinabukasan, maagang pumasok si Elena sa eskwelahan. Agad niyang hinanap ang kaklaseng si Kara ngunit wala pa ito. Kinakabahan siya at nag-aalala. Baka kung ano na ang nangyari rito ay kunsensya nya pa dahil iniwan niya ito. bawat may papasok sa pinto ng kanilang silid-aralan ay napapalingon siya. 3rd period subject na ngunit wala pa rin si Kara.

UNWANTED HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon