Chapter 11

447 9 0
                                    

Chapter 11

Andrei's Pov

Shit!

Shit!

Shit!

Galit ako ng makita kong magkayakap si Patricia at si Altz.Takte,sarap suntukin ni Altz may pa ngiti-ngiti pang nalalaman.Kainis

Kasalukuyang naglalaro na kami ng volleyball.Inilabas ko lahat ng galit ko kaya lang bwiset talaga unang set kami ang nanalo pangalawang set sila tapos ngayong pangatlong set close fight na ang laban paano ba naman 20/20 ang score pero hindi ko hahayaaang manalo sila. Tiningnan ko si Patricia na nagthumbs up saakin.

Breath in

Breath out

Breath in

Breath out

Kaya ko to. Tiningnan ko ang mga kalaban namin. Hmmmmm Good magandang pagkakataon na to para sa pagserve ko.Target ko sa posisyon ni Gian papuntahin ang bola,nagconcentrate ako at nagjump serve ng malakas pero napunta ang bola kay Shin at nireceive niya Ito ngunit napa labas niya ito ng court. hinabol naman ni Gian ang bola at nagdive para siguradong mapunta ang bola sa court namin pero nabigo siya dito.

Nagulat na lang kami nang hindi na makatayo si Gian.Na injure siya dahil sa lakas ng pagbagsak niya sa sahig

"Time out" sabi ng kagrupo nila.

Tinulungan nila si Gian na makatayo halatang nasasaktan ito.

Inakbayan ako ni justin

"Dude ayos lang yan.Hindi mo naman kasalanan eh" sabi nito.

"Ok"

Umupo ako at nagpahinga ng konti.Dinala nila sa clinic si Gian dahil nangyari dito.Natira si Shin at si Damon ang kagrupo ng Bloody Knights.Bloody Knights ang tawag sa grupo ni Altz at Dark Warriors ang tawag saamin.

Naramdaman kong may pumipindot-pindot ng braso ko pagtingin ko dito si Patricia pala.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya.

"Hindi naman ako ang nasaktan si Gian diba" seryosong sagot ko

"A-ahm drei may water oh.Inom ka muna" sabi niya sabay abot ng water

Kinuha ko yun at uminom.

"Salamat.Anong oras na?"

Tinignan niya ang relo niya

"8:10 pm na"

"I'm sorry naabala pa kita ngayon"

"Ayos lang nagenjoy naman ako sa panonood ng game niyo.Ang galing mo nga kaya lang nakakatakot ka maglaro ang lakas-lakas mo.Idol na kita.hehehe"

Napangiti ako sa sinabi niya kahit sanay akong pinagkakaguluhan at maraming babaeng humahanga saakin parang iba pa rin ang tuwa na nararamdaman ko ngayon.Ay ewan

"Ako na maghahatid sayo ah" sabi ko

"Sige ba"

"May itatanong ako sayo mamaya"

Nanlaki ang mga mata niya na parang kinakabahan

"M-math ba yan? No! Ayoko! Bawal magtanong"

"1 + 1 = ?"

"Duhh! Marunong ako mag add,subtract,divide at multiply.Hmp"

"Joke lang hindi naman talaga yan ang itatanong ko sayo"

The War Between The Two SectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon