Chapter 2

1K 109 14
                                    

Chapter 2

Kaziel's Pov

Nakakainis nakakainis talaga!!

Naalala ko nanaman yung pinagsasabi nila di naman kasi kami bobo Kung baga ang katalinuhan namin ay katamtaman lang may galing din kami di Lang naappriciate ng iba kagaya ng teacher namin sa science lagi kaming hinuhusgahan kasi nga favorite ang mga estudyante sa First section

Pagkatapos magpasolve ni sir sa math nag dismiss na siya agad hintayin nalang daw namin yung next sub at yun ang SCIENCE Ayoko ng subject na ito hindi dahil sa boring kundi dahil sa teacher

"Kaziel ayos ka Lang ba?" Tanong ni maxy

"Oo naman" sagot ko

Pero sa totoo Lang hindi talaga ako ok

"Kilala kita kaziel Alam kong may problema ka"

Ganyan si maxy kapag may problema ako alam na alam niya

Kinuwento ko na lahat ng nangyari kanina

"Naiinis ako sa first section Akala mo kung sino tss" inis kong sabi

"Hayaan mo nalang sila kaziel wag mong ipakita na naapektuhan ka sa mga pinagsasabi nila kasi mas lalo nila tayong mamaliitin"

"Yun na nga eh ang yabang kasi nakakainis!"

"Ms.SANDOVAL!!!" Sigaw ng teacher ko

"P-po?" Nauutal kong sabi

Nakakatakot at terror din ang science teacher namin wala kasing asawa kaya ganyan ang ugali

"BAKIT KA NAGIINGAY HABANG NAGTUTURO AKO SA HARAPAN?!! ANONG KABASTUSAN YAN??!"

"A-ahm ano k-kasi ma'am ahm"

"GET OUT OF THIS ROOM NOW!!"

Nakita kong tumatawa si pat kalokang babae to papalabasin na nga ako tuwang tuwa pa sapakin ko kaya to

Ang malas ko naman ngayong araw nabwiset na nga ako sa first section pinalabas pa ako ng TEACHER KONG TERROR

Nagpasyang akong maglakad lakad ayoko ko namang maghintay doon na matapos ang subject na science

Napadpad ako sa gymnasium ng school may nakita akong bola ng basketball kukunin ko na sana yung bola kaso may nauna sakin

Napatingin ako sa taong yun nanlaki ang mata ko nagcutting ba siya.nakatitig Lang ako sakanya di ko maiwasan

"What are you looking at?" -___- yan agad tanong niya di ba pwedeng MagHELLO muna grabe

"Wala lang,sorry"

"bakit ka naman nagsosorry?"

"Dahil nakatitig ako sayo kanina" yumuko ako nakakahiya

Tumawa siya may dumi ba ako sa mukha o sadyang nasobrahan siya ng katalinuhan at nabaliw bigla

"May nakakatawa ba?" Tanong ko

"Actually wala"

Sabi na nga ba baliw na to eh

"Sanay na akong may nakatitig saking mga babae yung kulang nalang hubaran ka na dahil sa pagtitig nila,ang gwapo ko kasi" sabi niya sabay smirk

Diyos ko lord baliw na nga mayabang pa.tinaasan ko Lang siya ng kilay

"Nagcutting ka ba?" Tanong ko para change topic magyayabang Lang yan eh

"halata naman diba? Bakit mo pa tinatanong?" Nakakabwiset din to ah

Pero oo nga naman halata naman nagcutting siya kasi sa time na to lahat ng estudyante may klase pa depende kong walang teacher wala talagang klase

"Tsss!! Oo na oo na halata na" inis kong sabi

Naglaro Lang siya ng basketball kahit walang kalaro ako naman nakaupo Lang sa gilid at pinapanuod siya. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako kakapanuod sakanya.

Pagmulat ko ng mga mata ko wala na si sanjo oo si sanjo nga yung nakita ko kanina at nakausap ko

"OH MY GHAAAD!!!" Napasigaw ako kasi naman late na ako para sa next subject ko

Tumakbo ako ng mabilis muntik pa nga ako Madapa eh.

Pumasok na agad ako sa classroom pinagsabihan Lang ako ng teacher na makinig dahil may quiz daw siya ngayong araw

"Girl bakit ngayon ka Lang?"-pat

"Pumunta kasi ako sa gymnasium ayoko ko kasi maghintay jan sa labas ng room kaya ayun naglakad lakad muna ako" paliwanag ko naman

"Gaga ka naman kasi eh di ka tumitingin sa relo mo"-pat

"Oo na kasalanan ko na" sabi ko

"Alangan naman kasalanan ko haha"- pat

"Shh makinig muna kayo may quiz pa tayo mamaya" sabi ni maxy

"Opo" sabay naming sabi ni pat

Nakinig Lang kami hanggang sa natapos ang lecture ng teacher namin

"I'll give you 5 minutes to review"

Nagbasa Lang ako ng mga notes na nasulat ko

Ito naman si pat todo review talaga hahaha sinapian ng kasipagan ngayon.Si maxy naman seryoso magreview

"Times up! Get 1/4 of paper,write 1-15"

Wala akong 1/4 -___-

"May 1/4 ka pat?" Tanong ko

"Wala eh" -pat

"Ikaw maxy?"

"Meron shhh secret Lang ah"

Hahaha alam ko na kung bakit ganyan si maxy kasi kapag may quiz kami laging walang 1/4,1/2, at one whole (paper) ang iba naming classmate.Laging humihingi hindi naman sa walang pambili sadyang tinatamad Lang bumili

Patago niya kaming binigyan.May mga papel na din yung iba.

nakasulat na sa black board yung mga questions.

Sinagutan ko agad para matapos na ako.Tapos na agad si maxy naunahan pa ako.

"exchange your papers magchecheck tayo ngayon" sabi naman ng teacher namin

After ilang minutes natapos din kami magcheck

"Gusto niyo ba malaman score niyo?"

"Yes sir"

"Okay sasabihin ko isa isa score niyo"

Tinawag na yung iba pero kaming Tatlo hindi pa

"Raizen kyle Martinez 12,Patricia Angela Santos 14, sandoval 15 and Maxine Faye Go 15"

Wohooo perfect!! Di ako nangopya ah hahaha

"Magsnack muna kayo,bye class"

Sa wakas makakain na ako gutom na gutom na ako kanina pa dami kong pinagdaanan pinalabas ng terror na teacher tapos nalate pa ako kanina. Hays ikain ko nalang to

The War Between The Two SectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon