Chapter 13

215 11 2
                                    

Chapter 13

Haniel's Pov

Lumabas na ako ng computer lab kung saan ko iniwan si Andrei.

Ang sakit sakit pa rin isipin na kaya kang baliwalain ng taong mahalaga sayo na kahit anong effort mo parang wala lang sakanya.

"HANIEL!" Sigaw ng isang babae

Nilingon ko ito,si Gladice lang pala. Isa sa mga teammates ko at classmate na rin.

"Bakit?!"

"Sungit naman.Wala man lang good morning?" Sabi niya sabay ngiti.

Nambwi-bwiset ba ang babaeng Ito?! Kita naman na wala ako sa mood.

"Teka umiyak ka ba?"

"Hindi ba obvious Gladice?!"

"Hindi masyado"

"Ginag*go mo ba ako Bautista?!"

"Medyo"

Masasabunutan ko tong babaeng to! Konti nalang! Lalanding na ang kamay ko sa buhok niya.

"Ito naman.Hindi na mabiro hahaha parang lagi kang high blood"

Tinignan ko siyang masama.Nanatiling nakangiti siya pero agad naman ito napalitan ng seryoso mukha

"Alam ko kung sino ang kasama ng bestfriend mo kahapon" ngumisi siya saakin.

"Sino?!"

May binigay siyang pictures sakin.

"Ito si Kaziel Sandoval,Maxine Faye Go at Ito naman si Patricia Angela Santos. They are from the second section at nalaman kong hinamon pala ni Gian sila Andrei kahapon. Alam mong cousin ko si Gian kaya nalaman ko agad"

Biglang uminit ang ulo ko.Pinunit ko ang mga litrato at tinapon sa basurahan

"Relax ka lang haniel"

"Relax?!! Paano mo yan nasasabi ha? Nagsinungaling sakin si Andrei at ako dapat ako ang kasama niya hindi ang mga babaeng
yan"

Pumatak nanaman ang mga luha ko.Naramdaman kong niyakap ako ni Gladice

"Wag ka ng umiyak.Hindi bagay sa isang katulad mo ang umiyak"

Humiwalay ako sa pagkakayakap niya at pinunasan ang mga luha ko sa pisngi

"Ano na ang plano mo ngayon?" Tanong ni Gladice

"Ngayon na kilala ko na sila ipaparamdam ko sa buhay nila kung ano ang kahulugan ng miserable"

"I'm willing to help you.You know me I will do everything for my friends"

Yan ang gusto ko kay Gladice kapag kaaway ko kaaway niya din. Kaya nga nagkakasundo kami. Were not bestfriends but she is one of my true friend that I can trust the most.

Sikat din si Gladice,isa siya sa mga babaeng pinakamagaling na maglaro ng volleyball dito sa school. Everyone call her The Female Monster dahil lahat ng lakas niya ay binubuhos niya sa paglalaro,kung makikita mo lang siya maglaro ng seryoso. Naku,baka matakot ka. Hindi katulad ko na mahinahon lang maglaro pero hindi nagpapatalo.

Kahit kailan hindi pa ako natalo at hindi ako nagpapatalo. Lalong lalo na kung ang mga second section lang ang kalaban.

"Alam mo na ang gagawin Gladice" Ngumisi ako

"Of course my dear ako ng bahala"

Humanda sila.....

--

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The War Between The Two SectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon