Chapter 5

812 58 10
                                    

Chapter 5

Kaziel's Pov

"BABY GIRL! Bakit ngayon ka lang??!!" Yan agad ang bungad saakin ni yaya.

"Ahm yaya nagdrama po kasi ako sa rooftop ng library tapos nakatulog ako"

"Naku namang bata ka pwede naman dito sa bahay ah,pinaghanda na kita ng pagkain kumain ka na muna"

-Dining room-

"Yaya umuwi na po ba si daddy?" Tanong ko kay yaya

"Hindi pa baby girl alam mo naman ang daddy mo laging busy sa business" sabi ni yaya habang nilalagyan ng pagkain ang plate ko

Nalungkot ako sa sinabi ni yaya.Oo nga naman kailan ba naging busy si daddy para lang makasama ako lagi nalang business ang inaatupag,paano naman ako? Kailangan ko din ng pagaalalaga ng isang ama,wala na nga si mommy tapos ganyan pa siya.Alam ko naman kung bakit ganyan ang daddy dahil saakin niya sinisisi ang pagkawala ni mommy

"Baby girl wag ka ng malungkot nandito naman si yaya eh" sabi ni yaya sabay ngiti saakin

Si yaya na ang nag-alaga saakin simula pa nung bata pa ako parang tunay na anak na ang turing niya saakin,nagpapasalamat pa rin ako sa diyos dahil kahit nawalan ako ng ina meron pa rin siyang binigay saking isang tao na magaalaga at magmamahal saakin,si yaya iyon

"Salamat yaya" niyakap ko siya ng mahigpit

"Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni yaya at lagi lang ako nasa tabi mo" sabi ni yaya,niyakap niya ako pabalik.Natouch ako sa sinabi ni yaya

Naiyak ako bigla sana ganyan din si daddy yung yayakapin ako at sasabihing mahal na mahal kita anak pero di niya kayang gawin yun dahil galit siya sakin.Minsan naiisip ko Ano bang mali ko,bakit pa ako pinanganak kung buhay naman ni mommy ang kapalit kaya galit na galit saakin si daddy hindi niya ako kayang tignan.Ang napapansin niya lang yung mali ko.

"Tama na wag na umiyak ang alaga ko papanget ka niyan ang ganda ganda mo pa naman mana ka kay yaya" napatawa nalang ako sa sinabi ni yaya

"Opo" ngumiti ako

"Kumain ka na muna baby girl aayusin pa kasi namin yung dalawang guest room" sabi ni yaya

"Bakit po yaya may bisita po tayo?" Nagtatakang tanong ko

"Ay Oo nga pala nakalimutan kong sabihin sayo tumawag ang daddy mo kanina"

Ngumiti ako baka hinahanap ako kanina ni daddy

"Ano daw po sabi niya?" Masayang tanong ko

"Meron daw darating na bisita kailangan maghanda dahil dito daw ito matutulog at kakain ng dinner"

Nawala ang ngiti sa mukha ko.Asa pa akong hahanapin ako nun wala nga pala siyang pakialam saakin.

"Ah ok po,sinabi po ba kung sino?" Tanong ko ulit sabay subo ng pagkain

"Hindi sinabi eh,Sige baby girl maglilista pa ako ng mga ingredients na kakailanganin sa pagluluto para maibigay ko na dun sa dalawang katulong pupunta kasi sila sa palengke bukas at ako naman aayusin ko pa ang dalawang guest room"

"Teka po yaya gusto mo po ng tulong?"

"Wag na baby girl kumain ka lang,pagkatapos mong kumain magpahinga ka na" tumango nalang ako.

Pagkatapos kumain umakyat na ako at pumasok sa kwarto ko.Nagpalit na ako ng pambahay na damit,humiga na agad ako sa kama ko bigla ko na namang naalala si sanjo -___- Di pwede erase erase.Kinuha ko phone ko at tinext yung dalawa kong bestfriend

The War Between The Two SectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon