Chapter 4

728 85 14
                                    

Chapter 4

Kaziel's Pov

Minulat ko ang mga mata ko madilim na sa paligid ginabi na pala ako dito sa rooftop naramdaman kong may mabigat sa may balikat ko -___- tulog pa rin tong lalaking to.Naku naman

*Kriiiing* *kriiiing*

Biglang nagring ang phone ko agad ko itong kinuha sa bulsa ko.Si patricia pala patay di ako nakapagpaalam sakanila kanina dahil umalis agad ako alam ko namang babalik yun pagkatapos nila magCR.sinagot ko yung tawag

"H-hello?" Nauutal kong sabi kasi naman papagalitan ako nito

[ HUY! BRUHA NASAAN KA?!! ALAM MO BANG HINAHANAP KA NG MGA TEACHERS DAHIL NAGCUTTING KA PASALAMAT KA SINABI KONG MASAMAMA PAKIRAMDAM MO! AT ALAM MO BANG HINIHINTAY KA NAMIN SA CANTEEN TAWAG KAMI NG TAWAG SAYO DI MO NAMAN SINASAGOT,ANONG SILBI NG PHONE MO HA??!! SUMAGOT KA KAZIEL ] sakit talaga sa tenga ng boses ni patricia mabibingi ata ako ng maaga nito eh

"Ano kasi ahmm pag-uwi ko nalang saka ko na ipapaliwanag nasa rooftop pa ako ng library eh" mahabang mahabang kwento nanaman to mamaya -___-

[ GAGA! MAGPAPAKAMATAY KA BA?! BAKIT NANDYAN KA SA ROOFTOP?!! Huhu WAG MO KAMI IIWAN..] ay baliw lang kapag nasa rooftop magpapakamatay agad? Kaloka talaga

"Letche kakasabi ko lang na uuwi tapos magpapakamatay? baliw lang teh?"

[ Soryy naman teh,bakit ka ba nandyan?..] nagtatakang tanong niya

"Mahabang kwento mamaya nalang pat malapit na akong umuwi"

"huy babae ang ingay mo talaga tss" gising na siya nagising siguro dahil sa ingay ko.sarreh

[ SINO YUN? MAY KASAMA KA KAZIEL?..]

Di ko muna pinansin tanong ni patricia magsosorry muna dito sa katabi ko

"Sorry sanjo hihinaan ko nalang boses ko"

Hindi na siya umimik sa halip ay pinatong niya ulit ulo niya sa balikat ko

[ KYAHHHHHH!!!! KASAMA MO SI SANJO?!!! Y-YUNG SIKAT SA SCHOOL!!!! KYAHHHHH NAGDATE PALA KAYO KAYA NAGCUTTING KA AYIIIIIEEEEE IKAW AH LUMALABLYF KA NA!!! HIHI AGAWIN KO YAN SAYO NEXT TIME hihihi] jusko nagdate daw? Tska meron bang nagdadate sa rooftop ng library wow ah ang romantic -___- landi talaga nito tsss

"Tumigil ka nga jan di kami nagdate noh tska wag kang malandi dyan hahaha"

[ Sino kaya malandi saatin? nakabingwit ka nga ng isda jan eh este si sanjo hihihi ]

"Ang bad mo ginagawa mong isda yung tao tss Sige bye na nga"

Hindi ko na siya pinagsalita pinatay ko na agad phone ko.Tinignan ko yung katabi ko tulog nanaman paano ako makakaalis nito.Tinapik tapik ko yung pisngi niya ang cute niya matulog parang anghel di ko mapigilan ang mga mata ko sa pagtitig sakanya

"Baka matunaw ako" Letche di naman pala tulog to eh tss

"Asa! Wag mo ngang ipatong ulo mo sa balikat ko ang bigat"

"Oo may pagASA ka sakin" sabi niya sabay kindat sakin

Uminit bigla ang pisngi ko

"Ang cute mo kapag nagblublush" ngumiti siya

Nakakahiya.Agad kong tinakpan mukha ko letche naman oh

"Wag mong takpan" hinawakan niya kamay ko para hindi ko na matakpan mukha ko

Tinignan niya ako sa mukha hinahawakan niya ang pisngi ko takte parang nakuryente ako diba dapat nararamdaman lang yun kapag nagkiss ang dalawang tao O____O bakit nararamdaman ko to?

Nilapit niya mukha niya sa mukha ko at agad niya pinisil pisngi ko

"ARAY!! ANG SAKIT NUN AH!" Ang sakit ng pisngi ko huhu 😢

"Ang cute cute mo hahahahahahaha" tumawa siya na parang wala ng bukas.Sumimangot ako

"Tumigil ka nga jan" tawa pa rin siya ng tawa tsss tinignan ko siya ng masama

" HAHAHA Ang cute mo kasi lalo na kapag nagblublush" aba ayaw tumigil kakatawa. Sige aalis nalang ako

Tumayo na ako at naglakad malapit sa pinto pero agad niya akong hinabol hinawakan niya kamay ko

"Sorry na sabay na tayo umuwi" sabi niya habang ako nakatingin lang sa kamay namin na magkahawak hindi niya binibitawan kamay ko.Hinila niya na ako paalis ng rooftop habang ako Lutang wala sa katinuang pagiisip.Si sanjo na sikat na sikat sa school hawak ang kamay ko di nga ako makapaniwala na makakausap at makakatabi ko to eh imposible kasi siya nasa star section ako nasa simpleng section lang kung baga langit siya lupa ako sabi nga ni suzaine baka di na ako umangat dahil hindi ako kasing galing niya pero kailangan kong patunayan na mali siya,silang lahat

"Ang lalim naman ng iniisip mo,Ano ba yun?" Nagtatakang tanong niya

"Ah eh wala naman hehehe" ngumiti ako sakanya

nasa parking lot na pala kami ng di ko namamalayan ang dami ko kasing iniisip.Masyado ng madilim.nakakatakot

"Maghintay ka dito ah wag kang aalis hahanapin ko lang si spency" humakbang na siya iniwan ako dito na nakatayo magisa takte bakit di niya sinabi na tatlo pala kaming sasabay uuwi sana nagpasundo nalang ako kay meaning ED nakakahiya naman sa kasama niyang si spency.Biglang may pumaradang motor sa harap ko

"Sakay na" sabi niya sabay bigay ng helmet

"B-bakit motor?" Nauutal kong tanong

"Hiniram kasi ng kapatid ko yung kotse,ayaw mo ba?" Tanong niya

"Ah eh natatakot kasi ako" hinawakan niya kamay ko

"Wag kang matakot di ko naman hahayaan na mapahamak tayo" sabi niya na halatang seryoso siya

Sige na nga pagkakatiwalaan ko na siya dahil mabait naman na to si sanjo at sinabi niya na din na hindi niya hahayaan na mapahamak kami

"Ok t-teka nasaan si spency kawawa naman yun kung iiwan natin"

"HAHAHAHA nakakatawa ka talaga" ito nanaman tatawa nanaman siya na parang wala ng bukas

"Tss ano bang nakakatawa?" Tinaas ko ang kilay ko

"Kasi HAHAHAHA ang sinasabi kong spency ay yung motor ko"

Malay ko bang pinapangalanan na pala ang motor ngayon -____-

"Tama na nga" sabi ko habang tinignan ko siya ng masama hanggang sa makasakay na ako sa motor niya at sinuot yung helmet na binigay niya kanina

Hinawakan niya kamay ko at nilagay sa beywang niya

"Kumapit ka lang" sabi niya

Syempre kakapit ako ayoko namang mahulog.Pinaandar niya na yung motor

"AHHH!!!" Napasigaw ako

Sino ba naman ang hindi sisigaw kung mabilis ang pagpapatakbo ng motor niya! Sabi niya di niya hahayaang mapahamak kami pero parang mahuhulog na ako huhuhu

"higpitan mo ang pagkapit saakin wag kang matakot" sabi niya habang seryoso sa pagmamaneho ng motor

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sakanya dahil doon nahawakan ko abs niya >////< .Malapit lang ang bahay ko sa school ilang minutes Lang makakarating ka na agad dun kagaya ngayon nasa tapat na agad kami ng bahay ko

"Salamat sa paghatid" bumaba na ako at tinanggal yung helmet na nasa ulo ko

"You're welcome see you tomorrow kaziel" sabi niya sabay kindat.Ito nanaman ako natulala,Ano bang nangyayari sakin? Hayss

Pinaandar niya na motor niya tska umalis

Teka paano niya nalaman bahay ko?!!! Hindi ko naman sinabi sakanya yun ah.Bakit ngayon ko lang naisip saka naman wala na yung tao para matanong ko. Hayyyy!!!!

The War Between The Two SectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon