Chapter 8

754 15 2
                                    

Chapter 8

Kaziel's Pov

"Wake up kaziel"

Ang aga pa.Sino naman yung nagsalita? Istorbo.Antok pa ako eh.

"Antok pa ako" hanggang ngayon nakapikit pa rin ako.

Naramdaman kong may yumakap sakin kaya naman napamulat ako.Nanlaki ang mata ko ng makita ko si sanjo na nakahiga sa kama ko at yakap-yakap niya ako

"T-teka a-anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" Nauutal kong sabi.

"Ginigising ka.May almusal na si mommy ang nagluto,Halika ka na kain na tayo" sabi niya sabay ngiti

"Ah eh sige"

Bumangon na ako.Sabay kaming Lumabas ng room ko at bumaba na.Agad kong nakita si Tita Orlyaine na naghihintay saamin.

"Good morning po tita" masaya kong bati kay tita.Ngumiti ito

"Good morning din,kain na kayo baka malate pa kayo eh"

"Sige po"

Umupo na ako,katabi ko nanaman si sanjo.Ito naman si Tita parang kinikilig ng tumabi saakin yung anak niya.

Ang daming pagkain sa mesa merong fried rice,bacon,hotdog,egg,milk at cookies.Agad kong tinikman yung cookies parang familiar yung lasa niya.

"Tita kayo po yung nagbake?" Tanong ko kay tita habang patuloy pa din sa pagkain ng cookies

"Hindi iha,si sanjo ang gumawa nyan.Pero pagbabake talaga yung hilig ko kahit yan si sanjo noong bata pa siya gustong gusto magbake kaya tinuruan ko na.Naalala ko pa nga yung sinabi niya noon na kapag nagkaroon siya ng crush bibigyan niya ito ng cookies"

"Mama naman"

"Totoo naman sinasabi ko ah,Bakit mo nga pala natanong iha?"

"A-ahm familiar po kasi yung lasa parang natikman ko na dati pa"

Pagkasabing pagkasabi ko nun parang kinikilig nanaman si tita.

"Meron bang nagbigay sayo ng cookies?" Pagtatanong ni Tita.

Oo nga pala si unknown hindi na nagpaparamdam sakin kahit isang text wala na.Tss di man lang nagpakilala sakin.

"M-meron po p-pero hindi ko kilala ang nagbigay" nauutal kong sabi. Naalala ko kasi yung lasa ng cookies na binigay ni unknown medyo magkapareho ang lasa ng cookies na gawa ni Sanjo

"Sa tingin ko yung nagbigay sayo ginawa niya yung cookies kasama ang pagmamahal niya" nakangiting sabi ni Tita pero nakatingin siya kay sanjo.Parang kinakabahan si sanjo habang kumakain.

"Tita ingredients na pala ang love ngayon hehehe"

"Palabiro ka palang bata ka.Oo nga pala pumasok ng maaga sa trabaho ang mga papa niyo alam niyo naman sila medyo busy sa business.Sige ubusin niyo na yang pagkain niyo"

Sinunod ko nalang ang sinabi ni tita,Pagkatapos ko kumain naligo at nagbihis na agad ng uniform.Nag-ayos ng konti para maayos ako tignan sa paningin ng iba.

"Sabay na kayong pumasok si mang Ed na ang magsusundo sainyo,ito nga pala baon niyo" may binigay na lunch box si Tita para saamin ni sanjo.Blue ang color ng lunch box ni sanjo,saakin naman color pink.

"Salamat po,Bye Tita!"

Pagkalabas namin ng bahay sumakay na agad kami sa kotse.habang nasa loob kami ng kotse walang umiimik siguro paghinga nalang namin ang naririnig ko.

"First time to na sasabay tayong pumasok" binasag niya na ang katahimikan kaya naman napatingin ako sakanya.Nakita ko siyang nakangiti.

"Oo nga eh"

The War Between The Two SectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon