Chapter 9

704 10 3
                                    

Chapter 9

Patricia's Pov

Nagulat ako sa tanong ni Kaziel. Meron namang nanliligaw sakin pero wala akong sinasagot kasi hindi ko pa nararamdaman na isa sakanila ang para sakin,parang may kulang.

"Wala.Bakit niyo naman natanong yan? kilala niyo ako diba kapag may nanliligaw saakin hindi ko tinitignan sa panlabas na anyo kundi sa ugali tska si andrei siya yung nagdala saakin sa clinic"

"Kasi naman girl nung tinignan ka niya parang kakaiba i mean parang may something sainyo"-maxine

"Syempre nag-aalala siya saakin dahil natamaan niya ako ng bola"

"Ok ok naniniwala na kami"- maxine

"Wag na natin pag-usapan yan.Order lang muna ako ng pagkain natin.Ano gusto niyo?" -kaziel

"Gusto ko ng chocolate drink,pizza at spaghetti nalang" -ako

"Sige"

"Sama nalang ako kaziel" -maxine

Binigyan ko sila ng 300 pesos bago sila bumili sa counter.Medyo madami ang nakapilang estudyante,matatagalan pa sila.Gutom na pa naman ako. 😣

Rinig na rinig ko ang ingay sa loob ng canteen.Mga estudyanteng nakikipagusap sa katabi nila,mga nagtatawanan,yung iba kumakain lang.Nakikita ko din yung mga teachers kong nagchichismisan.May table at upuan dito sa canteen na mga sikat lang ang pwedeng gumamit at yun ang grupo ni suzaine.

"Anjan na sila! Kyaaaaaaah!! " sigaw ng isang babae.

Alam ko na kung sino ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante.Lagi namang nangyayari to eh na may sisigaw kapag nanjan sila.Sino pa ba? Syempre yung mga populars sa school kahit hindi ko lingonin alam kung sila yun.

Pero sa hindi ko malamang dahilan bigla akong napatingin sakanila.Medyo malapit lang ang pwesto nila saamin.Umupo na sila at nagusap.Binalik ko ang tingin sa table.

"Sorry guys ngayon lang ako" sabi ng isang pamilyar na boses ng lalaki.Tinignan ko ito.Si Andrei pala

"Kanina ka pa hinahanap ni haniel nagtatampo na yan sayo" Sagot naman ng isang babaing katabi ni suzaine.Simple lang siyang tignan ang pagkakaalam ko magbestfriend sila.Samantha ata ang pangalan.Maganda medyo may pagkanerd nga lang.

Agad na umupo si andrei at inakbayan ang isang babae.

"Wag ka ng magtampo hanhan ko"

"Ikaw naman kasi dreidrei ko eh minsan na nga lang tayo magkasabay kumain ng lunch hindi ka pa nagrereply sa mga text messages ko
"

"Sorry.Wala lang akong load tska classmates naman tayo eh hahaha"

"Classmate nga kita hindi naman tayo magkatabi sa upuan"

"Wag kang magalala hindi naman kita ipagpapalit sa iba eh"

Ngumiti ang babaing inakbayan ni andrei.Napansin ni suzaine na nakatingin ako sakanila tinarayan ako nito.

"Anong tinitingin-tingin mo jan? Loser!" Tinaasan niya ako ng kilay.Iniwas ko na ang tingin ko sakanila.

Dumating naman sila Jay Em,Justin at meron silang kasamang hindi ko kilala.Matangkad,maputi,may matangos na ilong,at medyo may pagkachinito.Lahat naman sakanila gwapo at maganda syempre kasi sikat.

"Nandito pala si Ms. Beautiful" tumingin saakin si justin habang nakangiti

"Sinong Ms.Beautiful?" -

"Are you referring to me?" Tanong ni Suzaine sabay ngiti ng kaakit-akit.

"No" sagot naman ni justin.Agad naman siyang tinignan ng masama ni suzaine

The War Between The Two SectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon