Chapter 2

18 2 0
                                    

Dapat ay alas diyes alang ng umaga ay nakauwi na ako. Hindi naman tatagal ng hapon ang graduation ng mga kolehiyo. Pareho kasi kaming tumakas ni Gregor pagkatapos ng seremonya. Sa dating tagpuan... Doon ako dinala ni Gregor .

“Were here.” dahan dahan kong naramdaman ang pagluwag ng tela na nakatakip sa aking mata. Ilang beses akong napakurap bago makita ang kabuuan ng kanyang sorpresa.

“Ang ganda...” i utterly said. I was speechless...

“D-do you like it?” nag-aalangang tanong tanong niya. Kumakamot pa ito sa kanyang batok.

“I love it.” i sincerely said before running towards the small tent. May maliit na lamesa sa loob. May mga maliliit din ilaw, ng unan, stuff toys at mga pagkain.

“It's for ou first meeting anniversary.” aniya dahilan upang napalingon ako. Tanda niya pala yun.

Mahigit apat taon narin ang nakakalipas noong una kaming magkita noong graduation din nila 'yon. Sino ba namang t*nga ang mag eenroll habang graduation day? Syempre, ako. It wasn't intentionally. Akala ko kasi pwede na akong mag enroll... Baguhan pa naman ako sa Maynila noon. Mabuti nalang nga ay tinulungan parin ako ni Gregor noon kaya di na sayang ang pinunta ko. Nakakahiya nga lang dahil binalewala niya yung nakakahiyang ginawa ko upang samahan ako.

Since nagsimula ang pasukan ay nakasalubong ko ulit si Gregor. He would help me on anything hanggang sa nagconfess na lang siyang love at first sight siya sa akin.

“Congratulations,hon!” masiglang giit niya at inilahad saakin ang isang bouquet ng Red roses.

“Thanks hon...” I mumbled and gave him a tight hug.

“I love you so much.” aniya at hinalikan ang aking noo. Hinalikan ko rin ito ng smack a kanyang labi at hinatak ito papasok sa loob ng tent.

Kinuhaan niya ako ng litrato at kumuha rin kami ng magkasama. Nang araw na iyon, ayaw ko ng mawala siya sa tabi ko.

“Hon...” bulong niya. Kasalukuyan akong nakaupo sa kandungan niya, pinaglalaruan ang mga daliri niya.“Will you marry me?” sandali akong natigilan ng sabihin niya yon, may hawak narin siyang isang maliit na velvet box at may singsing doon.

“Please hon... I promise that I will love you forever, I won't look at someone. I can't imagine my life without you... Please marry me—”

“I'll marry you” I cut him off. Hindi niya na kailangan ng napaka karaming pangako. Gusto ko rin siyang makasama sa habang buhay. Gregor is my everything. Noon,hindi ko mahanap ang kukumpleto sa buhay ko, but then... I met him. He complete me and I won't let a single chance para lang pakawalan ang taong kukumpleto sa'kin.

Pasado alas tres ng hapon ng ihatid ako ni Gregor noon sa baha. Alam ko palang sa mga oras na 'yon ay pag tumapak ako sa pinto ng bahay ay papaulanan na ako ng sermon ni tatay.

“Akala ko ba ay hanggang alas diyes lang ang seremonya ng graduation mo? Nag-celebrate kana ba kasama ang mga kaibigan mo?” tanong ni tatay, nakangiti ito habang pinupunasan ang mga litrato. Yung mga litrato ni nanay.

“H-hindi po tay...” mahinang bigkas ko. Hindi ko alam kung bakit binabalot ako ng kaba sa mga oras na ito.

“Proud na proud ako sayo anak, at alam kong gano'n din ang nanay mo.” aniya pa at sandaling hinalikan ang litrato ni nanay. “Miss ko na ang nanay mo...” malungkot na pagkakasabi nito bago muling ibalik ang litrato ni nanay sa dating pwesto.

“K-kasama ko po ang n-nobyo ko t-tay” nauutal na paliwanag ko. Mahina lang 'yon pero sapat na para lingunin niya ang gawi ko.

“Nobyo?” may halong gulat na tanong nito. Ibinaba niya yung pamunas at lumapit sakin.

“Anong pangalan niya?” kuryosong tanong ni tatay. Hinanda ko na ang kamay ko para magmano ngunit napukaw ang atensyon niya kay Gregor na kasalukuyang nasa likod ko.

Unti-unti niyang inilahad ang kanyang kamay at nagpakilala. “Ako po si Gregor.” akmang kukunin na 'yon ni tatay “Gregor Mallix Levitsky”

Pinapanood ko ang unti-unting pag-atras ni tatay. “L-levitsky?” dali-dali akong lumapit kay tatay ng matumba ito.

“L-layuan mo ang anak ko!” nagbabantang Saad ni tatay. Agad ko itong tiningnan ng puno ng pagtataka. Nalilito ako sa ikinikilos ni Tatay.

“Layuan mo siya, anak.” ramdam ko ang mahigpit na higit ni Tatay sa braso ko, dahilan upang malakas akong napadaing.

“Tay nasasaktan ako!” sigaw ko at pilit binabawi ako braso ko. Akmang tutulungan ako ni Gregor ngunit dumadagundong ang boses ni Tatay na puno ng pagbabanta sa loob ng kwarto.

“Layuan mo ang anak ko!”

Mabilis na umalis si Gregor. Nasasaktan ako habang nakikita ko ring gano'n nga ang nararamdaman niya. Umiling-iling ako at muling lumingon kay Tatay.

“Pero Tay, mahal ko si Gregor... Wag namang gawin ito.” umiiyak na Saad ko. Si Gregor naman ay patakbong lumabas, kitang kita ko sa mga mata niya kung paano siya nasaktan.

“Hindi mo kilala ang mga Levitsky...” he said while fidgeting his fingers.

“Tay ano bang nangyayari sa inyo?” nag-aalala ng tanong ko. “Tay, pinaalis niyo lang po yung nobyo ko.” pagmamaktol ko.

“Hiwalayan mo yung Gregor na 'yon.” puno ng awtoridad na sabi niya. Na estatwa ako, ‘Paano mo nasasabi yan, Tay?’

Umiling-iling ako ‘Hindi ko isusuko si Gregor...’

“Pasensya na ho Tay, pero kay Gregor ho muna ako sasama.”

Mabilis kong tinungo ang aking kwarto ko noon, kinuha ko lahat ng mga damit at inimpake ko 'yon. Then, without even uttering a single ‘Sorry’ to my Tatay.

Nagising nalang ako ng maramdaman ko ang pag tapik ni Gregor sa'king pisngi. “You're having a nightmare...” puno ng pag-aalala ang mata ni Gregor habang inaabot sakin ang isang baso ng tubig.

Pawisan ako at pilit binabagabag ng mga sinabi ni Tatay.

“Hindi mo kilala ang mga Levitsky.”

Tumunog ang phone ni Gregor. Tiningnan niya lang ang caller's ID at mabilis din 'yung itinago sakin.

“Why you didn't answer the call?” I've asked confused but he looks away. Kinuha niya lang yung pinag-inuman kong baso at pumunta sa mini ref.

“She— I m-mean, I-it wasn't important...” kinakabang tugon nito. Ibinaba ang baso sa ref, bago muling humiga sa tabi ko at yakapin ako mula sa likod.

Gusto kong kalimutan lahat ng gumugulo sa isip ko at makilala ang caller's ID na tumawag sa Phone ng pasado alas dos ang oras.

‘Aganeese...’

Just to hide the truth |𝐋𝐞𝐯𝐢𝐭𝐬𝐤𝐲 𝐋𝐞𝐠𝐚𝐜𝐲 #1|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon